N

4.9K 109 5
                                    

Nakangiti ako habang nakatingin sa salamin. May simpleng make up ang muka ko. Nakasuot din ako ng gold earrings(na regalo sakin ni sean nung birthday ko) . Pinasadahan ko ng kamay ang dress kong above the knee. At ang buhok ko na nakakulot ang dulo. Sumadya talaga ako sa salon para maging presintable ako sa okasyon ngayon. Yung heels ko ay mahal pa ang bili ko.

Umikot ako para tignan kung okay na at ng ma satisfied sa ayos ko ay. Kinuha ko na ang Toga ko at graduation cap. Finally. Gagraduate na ko. Dadating si inay mamaya at alam kong iiyak yon. Finally ang nagiisang anak niya ay natupad na ang pangarap. Bonus na nga lang ang pagiging suma cumlaude ko.  Sinulit ko ang pagiging working student ko kahit minsan na oover fatigue na ko. At madalas kaming mag away ni sean lalo na nung 4th year na ko. Sobrang busy ko na talaga. Pati sa OJT ko. Gusto niya sa kaya ako mag trabaho bilang secretary niya but i refused cause i need to stand up on my own. Ng walang tulong niya.

"Are you ready?" Tanong niya ng nakatingin sakin mula sa salamin. Nasa likod ko siya. Naka puting V neck shirt siya. Pants. Napaka guwapo niya kahit sa simpleng pananamit.

Nakangiting tumango ako. Halos di na ko nakatulog kagabi dahil sa kahihintay na sumapit ang oras na to. Ma ipapakilala ko na siya kay nanay. Kinakabahan ako sa magiging reaction ni nanay. Alam niyang boss ko si sean. Hindi niya alam na may namamagitan samin. Sana lang kahit anong mangyari ay tanggapin niya kung anong meron kami.

"What are you thinking baby? You're suddenly quite" nakakunot ang noo na tanong niya.

"Wala tara na. Baka nag hihintay na doon si nanay" hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya palabas.

Ng makarating kami sa pag gaganapan ng graduation ay ang dami ng tao. May mga nakatayo pa yung iba ay nasa loob na at excited na mag simula na ang graduation.

"Ate elise! " rinig kong may tumawag sakin. Pag lingon ko ay nakita ko si peanut kasama ang boyfriend niya. Nakasibangot ang boyfriend niya sa di ko malaman na dahilan. Kahit kaylan hindi ko gusto ang ugali nito. Minsan nakita kong sinaktan niya ai peanut. Inaway ko. Pero sabi ji peabut hayaan ko na lang dahil hindi naman niya sinasadya. Napailing na lang ako.

"Hey siopao" ngisi ni sean sa kanya "You're extra beautiful today."

Namula si peanut. Natawa naman ako.

"Eh kuya naman ih! Peanut sabi! Tsaka thank you!  Lagi naman akong maganda eh. Di mo lang napapansin lagi kakasing nakatingin kay ate!"

Natawa na lang si sean

"Congrats ate! Wow Suma cumlaude i can't reach you na! HAhahaha.. eto gift ko!" Sabay abot niya sakin ng regalo niya ng buksan ko ito ay isang mamahaling fountain pen.

"Salamat peanut!" Niyakap ko siya. Umalis din agad sila matapos tawagin si peanut ng mama niya.

Nakita ko si inay na nasa tabi ng puno. Halatang kanina pa ako hinahanap.

"Nay!" Tawag ko sa kanya. Naka simpleng bistida lang si nanay. At ng makita niya ako ay maluha luha niya akong niyakap.

"Na miss kita anak. Salamat sa diyos at natupad mo na ang pangarap mo"

"Nay naman. Wag ka ng umiyak!"

"Aby mapipigilan mo ba ko! Dyusmeng bata to. Tara na at baka mahuli ka pa sa seremonyas nyo. San ba tayo uupo?"

"Ah nay may  ipakilala po ako sa inyo"

Naramdaman ko na siya sa likod ko bago ko pa man siya nakita.

"Si sean po nay"Pakilala ko.

"Ay! Yung amo mo??magandang umaga po sir. Kamusta naman po si elise sa inyo?" Nakangiting bati ni nanay.

"Sean na lang po nay." Nagulat ako ng mag mano siya kay nanay. "Gusto ko lang po na malaman niyo na nililigawan ko ang anak niyo"

Hindi ko alam pero kahit na nakangiti si nanay ay alam kong hindi siya natutuwa.

"Ganoon ba? Mamaya na natin pag uspan yan" nag umpisa na ang seremonyas. Naupo kami ni inay sa may harapan. Kita ko si sean na kasama sa ibang dumalo sa graduation na nakaupo sa may gilid. May mga babae akong nakitang patingin tingin sa kanya. Pero nakatingin lang siya sakin. Nginitian ko siya.

Ng matapos ang mga speech. Sabitan ng medalya at bigayan ng diploma ay natapos na ang graduation. Tuwang tuwa na niyakap nanaman ako ni inay.

May lumapit na photographer samin at kinunan kami ni inay ng litrato.

Kumain kami sa pinakamalapit na restaurant nila sean at inay. Tahimik lang kami walang kumikibo. Hanggang sa magsalita si inay.

"Alam kong ikakasal ka na iho at alam ko ding hindi sa anak ko" mahinang sabi ni inay.

Kinabahan ako. Hindi ko alam na alam ni nanay ang tungkol sa bagay na yon.

"May mga pahayagan sa probinysa anak. Kaya alam ko."

"Nay mahal ko po ang anak niyo" pirming sabi ni sean "at hindi ko siya sasaktan. Tungkol sa kasal-"

Hindi na natapos ni sean ang sasabihin niya dahil pinutol ito ni inay.

"Hindi ko kayo hahadlangan. Kung sayo masaya ang anak ko ay wala naman akong magagawa. Sana nga lang ay sa huli hindi siya masaktan dahil sa kompromiso niyong mayayaman." Nakatingin si sean kay nanay habang nagsasalita "mahirap lang kami. Kasiyahan at pagmamahal labg ang kaya kong ibigay sa anak ko. Kung mahal ka naman niya ay masaya ako para sa inyo. Pero sean protektahan mo ang anak ko. Kilala ko ang ama mo. " may laman na sabi ni inay.

"Nay?? " tanong ko pero nag iwas na siya ng tingin. Tumingin ako kay sean ngunit umiling lang siya.

Kinaumagahan ay bumalik na din si inay sa probinsya namin. Hindi ako nakatulog dahil parang kilalang kilala ni inay ang daddy ni sean. Anong meron sa kanila at parang galit na galit si nanay sa daddy ni sean?

††††

Hello po! Mag seset na po ako ng vote para sa next chap. Sisiguraduhin ko ng ma haba yon kasi maigsi tong chapter. ~T_T~

Dedicate this chap to RODZIKADOOPZKI
Thank you po! (*^﹏^*)

NEXT CHAP: 10 VOTES! HAPPY READING. *^O^*

One nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon