CHAPTER FIVE

90 40 12
                                    

#PILY05

"Bihis na bihis ka a, may date ka?" Tanong ni Kuya nang mapadaan ako sa may sala.

"Gala lang date agad?"

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng pink-colored minidress na isang dangkal ang layo mula sa tuhod ko. Ayos naman a, hindi naman masyadong OA gayong sa mall din naman ang punta namin.

"Ma may boyfriend na si Blaire!" Sigaw bigla ni Kuya.

"Kuya!" Saway ko dito.

Bigla namang sumulpot si mama mula sa kusina at nagtatanong ang mga mata nitong tumingin sa akin.

"Ma wala po, huwag kayong maniwala kay Kuya."

"Okay lang naman na magkaboyfriend ka anak pero dapat mabait yung tao."

Napapalakpak ako sabay turo kay Kuya. "O ano ka ngayon? Hahaha."

"Ma!" maktol nito. "Hindi pwede, 17 pa lang yan!"

"Ikaw nga madami ng girlfriend e." Mahina kong sabi pero narinig pa rin niya.

Tumayo si Kuya. "A basta walang magboboyfriend dito! Tandaan mo yan Blaire." He mocked me and then walked out.

Grabe naman yon. Protective lang?

Nagpaalam na ako kay mama at lumabas na. Hindi naman ako natagalan sa paghihintay dahil ilang sandali lang ay nakita ko na si Shan na naglalakad papalapit sa akin.

I smiled upon looking at him. He is wearing a jacket with a t-shirt inside, a jogger pants and paired it with Nike shoes.

"Naghintay ka ba ng matagal?" Agad na tanong nito sa akin.

Umiling lang ako bago kami pumunta sa sakayan ng jeep para sumakay papuntang mall. I can't believe Shan is really fulfilling his promise.

Sa jeep ay napansin kong nakatingin sa akin ang dalawang lalaki sa harapan ko. Medyo nailang naman ako dahil grabe silang makatitig sa akin. Nakadress na maikli pa man din ako. Sana pala nagbihis ako ng mas maayos.

Sometimes I worry a lot in my dress code, if whether I should wear something short or something to cover up my body. Hindi niyo alam yung pakiramdam na grabe makatingin sayo ang mga tao. They'll judge you even in just a glance. They'll think you're a low class bitch if you wear a revealing one.

This thought concerns me deeply when men showed up in the scene. Seriously? Why do men look at some girls like a food that they can taste? A prey that anytime they can clutch and bite with? I'm not referring to all men but those fucking dirty minds of some thinking women are some sort of sex objects are so fucked up!

Stop being a walking dick and fantasize everyone you just passed by. Lust should be controlled. It isn't a free pass to feel for everyone.

Normalize women wearing whatever they want!

Normalize women being free of judgements and critisisms!

Stop being a dickhead!

Stop degrading women!

Stop showing ignominious kind of affection!

"Don't worry, I got you." Rinig kong bulong ni Shan. He grabbed my legs keeping it closer to his, securing it.

I glanced at the guys in front and saw how their face changed before putting their attention to others. Napahinga ako ng maluwag. Good thing I have Shan to protect me.

Pagdating namin sa mall ay dumiretso agad kami sa may Cinema World at bumili ng ticket.

Excited akong pumili ng makakain namin. As always, nagtalo pa muna kami ni Shan Kung anong flavor ang bibilhin naming popcorn. I want the caramel one when he wants the cheese flavor. Sa huli ako pa rin ang nanalo sa kadahilanang hindi na ako tutuloy kung maggaganyan lang rin naman siya. Pero syempre arte ko lang iyon.

Project: I Love You (Academic Strand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon