CHAPTER ONE

7 0 0
                                    

PSYCHE'S POV

They always ask me kung Mahal pa kita. Sabi ko "Sobra!"

They always reply "Bakit di mo ipaglaban?"

Sabi ko naman "Masaya na sya, gugulohin ko pa ba?"

Napairap ako sa nabasa ko sa isang post sa facebook. In-unlike ko ang page na yun.

"Psyche!" Tawag sakin ni Serene. Lumingon naman ako sa kanya.

"We have a Mathematics mamayang 1:00 PM." Sabi nito at napakunot noo naman ako.

"Huh? Akala ko ba bukas pa." May kinuha syang papel at ibinigay iyon sa akin.

"Nabago na ang schedule natin kasi 2nd week palang naman ng klase so may chance talaga na mabago pa yung schedule." Paliwanag niya.

"Sige, thank you." Ngiti ko. "So, mauna na ako." Paalam niya sakin.

Nagdecide akong maglibot-libot sa campus dahil sobrang laki at mukhang kailangan isang araw pa bago ko malibot lahat.

Napahinto ako nanatiling nakatingi sa lalakeng nakaupo sa lilim ng puno at may hawak na gitara.

Nakikita kong gumagalaw ang bibig niya.

Siguro ay kumakanta ito.

Agad naman akong nagtago sa halamanan malapit sa puno. Buti at hindi ako napansin.

Hindi ko alam pero gusto kong marinig ang boses niya.

Nagsimula na siyang tumugtog ng gitara.

Maganda sa pandinig at mukhang alam niya ang pag gamit nito.

🎶

Sana maulit muli

Sumeryoso naman ako sa pakikinnig dahil mukhang maganda ang boses niya.

Ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito, naglaho nga ba ang pag-ibig mo?

Pinagmasdan ko sya at mukhang feel na feel niya ang kinakanta nya.

Sana maulit muli, sana'y bigyan ng pansin ang himig ko
Kahapon bukas ngayon, tanging wala ng ibang mahal

Habang kumakanta sya ay nakatingin sya sa langit.

Ano meron sa langit?

Kung kaya kong iwanan ka, di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na, di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana...

Sa huling linyang binanggit niya ay may nakita akong pumatak na luha.

Bakit kaya?

"Woy! Anong ginagawa mo dyan?" Nagulat naman ako at nakita ko sa likuran ko si Serene.

Mukhang napansin kami nung lalake.

Agad kong hinila palayo si Serene.

Nakakabwesit talaga tong babaeng to, napaka wrong timing.

"Woy, pwedeng bitawan mo na ako nasa entrance na tayo." Napahinto naman ako at nasa entrance na nga kami.

"Ikaw kasi! Ang ingay mo!" Binitawan ko sya.

Natawa naman sya. "Ano ba kasing tinatago tago mo doon? Tingnan mo may mga dahon ka sa damit." Inalis niya yun pagkatapos niyang sabihin.

"Oh, anong ginagawa mo nga doon?" Tanong niya ulit.

"Nakikinig ng music." Sagot ko.

"Wow, iba trip mo. Baka naman may sinusulyapan ka." Kita ko na naman ang nangaasar nyang tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amor Seriem 1: Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon