DOUBLE MISSION

55 0 0
                                    

10:35am/ IN

--

"SANDOVAL , naitimbre na sa atin ang lugar na paggaganapan ng mga suspek at ikaw ang aking idinistino para doon. Kasama mo ang iyong sariling team , hanggat maaari ay gawin nyo ng tama ang mission na ito. Naiintindihan mo ba? "- paliwanag ng hepe ng polisya . Tumango tango naman si paime habang hawak ang kaso na kanyang hahawakan .

"Hepe , paano kapag may mataas ng opisyal ang madawit dito? Alam mong hindi ako namimili ng tao pag batas ang usapan. Para saken lahat pantay pantay ."- seryosong sabi ni paime sa hepe dahil alam nyang nyang napahiya ito sa sinabi nya . At sigurado syang may madadamay na opisyal sa kasong hawak nya . Dahil hindi bago sa kanya iyon At paniguradong mamakealam na naman ito. Kaya agad nya na itong pinangunahan.

"Sandoval , alam nating sa batas kailangan pantay pantay tayo. Pero tayo din ang nakasalalay dito ,at ang ating pamilya , at ikaw na din ang may sabe na opisyales sila , marumi silang lumaban. Ano ang gusto mong gawin? Itaya ang buhay ng mga tao sa paligid mo ganun ba? "- paliwanag ng hepe sa dalaga na nais ipahiwatig na kung anung maaring mangyari kapag binangga nila ang matataas na tao.

"HINDI habang Panahon babaliwalain natin ang ginagawa nila kung may magagawa naman tayo . HINDI din habang buhay matatakot KAYO sa kanila . Pare parehas lang tayong tao ang pagkakaiba lang mapera sila tayo ay hindi. Pero HINDI yon sapat para magpagamit kayo sa kanila."- balik na paliwanag ng dalaga.

Halatang nainis na din ang hepe sa pag sagot ng dalaga sa kanya. Kaya agad na din nitong tinapos ang usapan at baka kung saan na iyon mapunta.

"Alam natin pareho na tama ka . Hahayaan kita . Pero isipin mo munang mabuti kung tama ba ang planong binabalak mo. siguraduhin mong kaya mong dalhin hanggang sa huli kung anu man ang iyong sisimulan . Tapos na ang Usapang ito . Inaasahan kong magawa nyo ito ng maayos. "- malumanay ng sabi nito.

Tumayo na si Paime at sumaludo bilang paggalang . Bago lumabas , dumetso na sa sariling opisina ang dalagang pulis dala ang kaso na kanyang pagaaralan bago gawin.

-

Makalipas ang isang oras na pagaaral ni paime sa kaso ay pinatawag na nya ang kanyang mga tauhan at isa isang dinistino sa lugar na paggaganap at saka nagsalita.

"Isipin nyong lahat na hindi lang ito para sa sarili nyo. Kundi para din sa pamilya nyo , kung ano man ang mangyari sa mission na ito ay inaasahan kong makakabalik kayong lahat ng ligtas . Nagsasalita ako dito hindi bilang pinuno kung hindi bilang isang simple tao na gusto ng tahimik na kumunidad .trabaho natin ito handa nyo bang isugal lahat ? Ito ang trabaho na pinasok nyo inaasahan kong wala sa inyo susuko . Ito ang una nyong mission tulong tulong tayo . Naiintindihan nyo ba? "- determinadong sabi ng dalaga mapanganib ngunit hindi nababakasan ng takot o pangamba ang presensya nito.

"YES MAM."- SAbay Sabay na saludo ng ng labing limang pulis .

"lahat ng mga gagamit ay nasa underground ."- sabi ng dalaga , isa isang nagsilabasan ang mga pulis ng tumunog ang kang cellphone. Tinignan nya lang ito , nangunot ang kanyang nuo ng malaman na unregister number ang tumatawag . Pinatay nya na lamang . Maya maya ay nagtext naman ito.

0946*******

Pick up your phone.

-

Ng di lumubay ang pagtawag ay si paime na mismo ang tumawag dito.

"SINO KA."- malumanay na tanung ni paime sa numerong kanyang tinawagan .

"AIM . nasa pilipinas na ko . Magkita tayo ."- naningkit ang mata ni paime ng makilala ang boses ng tumawag at pinatay na ang cellphone. Makalipas ang 10 minuto ay nagtxt muli ito.

0946*******

- NOW.
-FLAPPU CAFE.

-08:00. Pm

-

Pag kabasa ni paime sa message ay dinelete na nya ito at itinago na nya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang jacket sabay dampot ng gamit . Napabuntong hininga sya at napangisi . At muling pinasadahan ng basa ang hawak nyang papel. Unang paragraph palang ay alam na nya kung ano ang kaso na iyon .

'Another Mission? Interesting .'

--

11:20 am / OUT

PAIME SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon