Dahil sainyo na bigyan ng kulay ang madilim kong mundo
Dahil sa inyo di ako nag iisa sa buhay ko
Nandiyan na kayo namagiging kaagapay ko
Sabi nila lahat ng bagay ay temporaryo
Pero di ako naniwala dahil alam ko panghabang buhay na kayo
Ramdam kong pangmatagalan to
Iba kayo sa mga taong nakilala ko
Dama ko ang sincero ng pagmamahal niyo
Sa lahat ng bagay supportado niyo ako
Maliban nalang sa karupokan ko .
Kahit kalian di ko naramdamang mag isa ako
Palagi niyong pinaparamdam saakin na nandito kayo
Di niyo ako iniwan sa panahong walang wala ako
Sa panahong pagod na ang isip at puso ko
Kayo ang pahinga ko
Sabi ng pamilya ko
Puro Barkada inaatupag mo
Pero di nila alam kayo na ang nagiging lakas ko
Sainyo ako humuhugot ng inspirasyon
Kaya hanggang ngayon nandito ako
Pero di ko inakalang dadating ang araw na kinakatukan ko
Maghihiwalay tayo ng landas pagtungtung ng Kolehiyo
Di ko na alam ang gagawin ko
Alam kong di lang saakin umiikot mga mundo niyo
Kaya naiintindihan kong may mga bagay na dapat pag tuonan ng pansin gaya ng pangarap niyo .
Salamat sainyo
Dahil sainyo natutu akong tumayo sa sariling paa ko
Dahil sainyo nagiging matatag ako
Dahil sainyo di ako nakaramdam na mag isa ako
Dahil sainyo nagkaroon ng pag asa ang buhay ko .
Kasabay ng pagtatapos ng tulang ito
Ay ang pagtatapos din natin sa koliheyo
Nagkahiwalay lang tayo ng landas
Pero pinaparamdam niyo parin saaking nandito kayo
Na di ako nag iisa sa laban ng buhay ko
Kayo ang nagiging pangalawang pamilya ko
Kayo ang pahinga ko
Kayo ang kaagapay ko
Kayo ang taong naniwala sa kakayahan ko
Salamat sainyo dahil ngayon ENGINEER NA AKO!
Salamat mahal ko kayo.
YOU ARE READING
Salamat
PoetryPara sa kaibigang kahit kailan ay di ka iniwan kaibigang palaging nandiyan. Hope You like it guyss!