Chapter 1
I TOOK A deep breath. It's been 5 years since I left my home. Lumuwas ako sa Manila dahil kailangan ko humanap ng trabaho para sa pang gamot ni Tatay at sa pang aral ng bunso kong kapatid. I thank God dahil nakahanap naman ako ng maayos na trabaho at hindi ako pinabayaan. Pero nag take ako ng leave dahil gusto ko makita sila Tatay. Sa limang taon, ika tatlong beses ko lang ito na luwas. Masyado ko sineryoso ang trabaho at hindi ko na naisipan umuwi sa kagustuhan na maibigay ang pangangailangan nila Tatay at Ralph.
Napangiti ako ng makita ang pamilyar na daan pauwi sa bahay. Ang dami nag bago, ang dating madamo at putikan na daan sa barangay namin napalitan na ng semento, ang daming mga bata na nag lalaro sa daan, tumabi sila ng makita ang tricycle na sinasakyan ko. Kinakabahan ako habang papalapit ako sa bahay. And it's been two years since the last time I got here.
Nag bayad ako sa tricycle driver ng tumigil ito sa tapat ng isang bahay. Isang simpleng tahanan lang ito na two storey. Lumawak lalo ang ngiti ko ng makita si Tatay sa tabi ng bahay na hawak hawak ang manok niya, sigurado akong bago nanaman ito.
Tumikhim ako dahilan para mapalingon siya sa akin. Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa akin bago nanlaki ang mata at mabilis binitawan ang manok. “Isabella! Ang anak ko!” napaluha ako ng dambahan ako ng yakap ni Tatay. Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya.
“Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Kumusta ka na? Ano na lagay ng trabaho mo?”
“Tay, hinay hinay lang. Okay lang ako, nasan pala si Ralph?”
Nakarinig ako ng pag singhap sa likod ko. “Ate?”
Namilog ang mata ko ng makita ang matangkad na lalaki sa harap ko. “Ralph?” lumawak ang ngiti niya at tumango. Napatingin ako sa mukha niya hanggang paa. Ang laki ng pinag bago ni Ralph, mas matured na siya, parang mas matanda pa ito sa akin. Ang laki na ng katawan nito at halata ang malapad na balikat sa suot na damit. Kahit ang boses neto ay sobrang ibang iba, ang gwapo ng kapatid ko. “Ikaw na ba talaga ‘yan?”
Ngumisi ito at ginulo ang buhok ko. “Silly, may iba ka pa bang nakikita? Akin na ‘yang bag mo.” nakanganga pa rin ako habang kinukuha niya ang bagahe ko at pinasok sa loob ng bahay. Nabalik lang ako sa sarili ng marinig ang tikhim ni Tatay.
“Ehem. Pasok ka na sa loob anak, wala akong luto ngayon hindi ko alam na uuwi ka, siguro e patayin ko na lang ‘yung isa kong manok. Pumasok ka muna at hahanap ako ng manok sa likod.” ngumiti ako kay Tatay at tumango.
Namangha ako ng makapasok sa bahay. Simple lang ang bahay namin pero sobrang linis naman. Parang hindi mga lalaki ang nakatira. “I don't like messy. Lagi ako nag lilinis ng bahay.” napalingon ako sa kapatid ko. Nakaupo ito sa sala at nakangiti sa akin.
Fuck. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang kapatid ko pag laki. Noong umalis ako rito ay seventeen years old lang siya, ngayon ay twenty na siya. Pero mas mukha pa siyang matanda, maliban sa matangkad hindi mo mapagkakamalan na laking probinsya. Matanda lang ako sa kaniya ng tatlong taon. Ang Nanay ay maagang namaalam sa amin, asthmatic kasi ito.
Naupo ako sa harap ni Ralph. “Sobrang laki ng pinag bago mo.” halos pabulong na sabi ko. Bagay na bagay dito ang itim na buhok na parang galing sa bagong tulog, ang kapal ng kilay at ang tangos ng ilong. My eyes drop to his lips, it's thin and red, halos manuyo ang lalamunan ko sa nakita— wait what?! Napailing ako at huminga ng malalim. “Parang dati ang iyakin mo pa ah, umuuwi ka sa bahay tapos nag susumbong ka sa akin.” tumawa ako ng maalala ko noong bata pa siya at uhugin.
He's so weak and cry-baby back then. Pero ngayon parang handa na siyang sumapak ng lalapastangan sa kaniya. I smile. He's a grown up man now, my little brother is no longer visible to his appearance, he's so different. “Don't look at me like that, you look like about to cry.” nakangisi nitong ani.
“Hindi lang ako makapaniwala na ganyan ka ka guwapo pag laki.” napaiwas ito ng tingin at tumayo.
“Nadala ko na sa kwarto mo yung mga gamit mo, ilang araw ka pala dito?”
Ngumiti ako ng malawak. “2 months.” napasinghap siya at namilog ang mata.
“What?!”
Nangunot ang noo ko sa reaksyon niya para kasing hindi siya masaya. “May problema ba? Hindi mo ba namiss ang ate?”
“Nevermind, mag pahinga ka na muna mag hahanda lang ako ng pagkain. And,” ngumiti ito sakin at kumindat. “I miss you, Pokang.” humaba ang nguso ko ng tawagin ako nito sa pangalan na inimbento ni Tatay noong bata pa ako.
Pokang? What the hell.
Umiling na lang ako at umakyat sa taas. I need rest.
—