Chapter:1

41 5 1
                                    

Chapter:1

*****************

Nagising ako ng maaga ngayon dahil maaga naman ako natulog kagabi. Nagreview ako for our first lessons since introduce yourself at mga kung ano anong bagay na hindi naman related sa topic and academics ang nadiscuss ng adviser namin na si Sir K. He was a great terror teacher after all. We like his joke, but not how strict he was kapag nag lelessons siya. Maninindig balahibo mo for sure.

He was an extra kabogable science teacher at may ka class class. He also speak english fluenty at hindi na rin namin ma reach minsan ang pag ka slang niya to all that words. May iba pa ngang estudyante na na love at first sight sa kaniya. He also said na he was a new teacher, kaya naman pala he was so unfamiliar to me. Great experience!

Si Sir K lang din ang na-meet namin in our first day dahil na rin busy ang teachers and no time to come in our classrooms. They need to discuss pa kasi our rules and regulations even though alam naman na namin yun since our first day of highschool here. But just to make sure raw para sa mga newbie's.








NATAPOS naman na akong magreview dahil usually I got up early and re-read all the lessons I have to learn. Syimpre just to make sure na rin na hindi ako aaning aning kapag nagtanong ang mga teachers. Bumaba ako ng hagdan at agad na naligo sa banyo. Pagkatapos na pagkatapos ko namang maligo ay pumunta ako sa kusina pati na rin sa dining area namin and gladly, all was set. Nakahanda na rin pala ang kakainin at natuwa naman si mama dahil hindi na raw siya magsisisigaw mamaya upang gisingin na naman ako.


Why so like that mama? Para namang wala tuloy akong disiplina. Umupo na ako sa upuan at tinignan ang masasarap na luto ni mama at habang busy busy si mama sa kusina ay tinanong ko siya.

"Ma? May napansin ka po bang libro ko?" Bungad ko sa kaniya na kinakunot naman ng mukha niya at kinataas ng kilay niya. I know what will happened next! The machine gun was already set in her mouth!

Oh no! I feel it na, sasabog na naman ang ulo ni mudrakels.


"Ayan! Ayan! Ayan! Yan na ang sinasabi ko, may nawala kang libro noh?" Panenermon niya sa akin at lumapit naman ito at umupo sa tabi ko. Mama wag like that please! Sorry na.


"Kasi po ano--" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil tinakpan ni mama ang bunganga ko.


"Jusko nako po Celestine! Ilang beses ko sinabi sayo na ingatan mo yang mga libro at gamit mo kasi mahal yang mga yan! Pwede pa yan ibenta next year tas nawala mo? Hindi ka ba nagiisip? Asan mo na yan hahanapin ngayon kung nawala? Naglinis ako kagabi wala akong nakita rito!"Patuloy pang pumuputak putak si mama habang takip takip niya ang bibig ko upang hindi ako makasingit sa mga panenermon niya sa akin. Always happened 'yan syimpre.

Hanggang sa nakatitig na lang ako sa kaniya at iniintay kong matapos lahat ng sasabihin niya. Ilang minutong pagtatalak ay tinanggal naman na niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.


"Tapos ka na ma? Pwede ako naman?" Tanong ko sa kaniya habang matamlay at seryoso ang aking mukha.

"Aba aba, anung ginagawa ko sa'yo? Bakit ka nagkakaganiyan?" Tanong niya sa akin at napatayo pa siya para lang pumamewang. Natawa na lang ako dahil ang cute cute ng mudrakels ko, para siyang piggy piggy na nakasimangot dahil nagugutom na. Tama na trantrums mama!

"Ma, kain na lang po tayo nagugutom na ako eii i-try ko na lang po magtanong sa school kung may nakita silang pakalat kalat na libro" sabi ko naman sa kaniya habang nakatitig na sa mga pagkain habang si mama hindi maalis ang tingin sa akin. Ayoko na rin pahabain ang usapan dahil gutom na'ko at gusto ko na agad makapasok ng maaga.


Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon