"Go to Japan... isang daang porsiyentong imposible," puna ko habang nagbabasa sa wishlist.
Si Porphyria na nakaabang sa gilid ko ay napasimangot. "Pero—"
"Sige nga. Unang una dapat nating problemahin ay kung paano tayo makakakuha ng pera. Saka na lang natin tignan kung paano tayo magsisimula."
Napaisip siya. "Paano nga ba?"
Binuksan ko ang susunod na pahina na walang kahirap-hirap. Halatang sanay na ako sa paghihirap.
"Porphyria Hamanamin Villaflores..." pagbabasa ko ng calligraphy niya, "eto pala full name mo, ang—"
"Ano? Nakakatuwa?!" bigla niyang bulalas. Hala, galit yarn? "Alam ko, pinangalan ako ni Mama mula sa isang sakit ng tao na nagpapalit anyo na para bang bampira! Porphyria's Disease! Tapos... tapos..."
"Actually," pagtatama ko, "sasabihin ko sana na napakaganda."
Huminto siya. "S-seryoso?"
"Yeah."
"Kahit sakit ng bampira ang Porphyria?"
"Yeah."
"Kahit katono ng Hamanamin ang 'Ama Namin'?"
Sinubukan kong hindi tumawa. "Yes, sir!"
"Oh." Umupo siya sa pinakamalapit na upuan, nagmuni-muni na tila bang nakonsensya sa biglang pagsigaw niya sa'kin. 'Di ko siya masisisi, ako ba naman ay pangalanan ng Dracula Freddy Agbayani, magagalit din ako.
Paano nga ba makakahanap ng pera? Mahirap kapag 'yung seryosong trabaho talaga, matagal pa 'yung sweldo. Nakakatamad din. Ano ba 'yung pinakamadali na parang bounty hunt lang sa videogames?
"Ah, alam ko na!" deklara ko, "mayroon na akong paraan kung paanong kumita!"
Nagliwanag agad ang mukha ni Porphyria. "Talaga?"
"Oo"
"Saan?"
Napangiti ako. "Sundan mo me."
~
"Anong meron sa poste?!" inis na banggit ni Porphyria.
"Poste na punong puno nang mga oportunidad!" Tinuro ko ang mga post-notice na nakadikit doon.
Anay Pest Control, Call +63********
Wanted, Cook! Maid! Janitor!
Waterleaks? No problem, just call us... the Plumbersquad! ("pffft! Ano 'to, power rangers?!")
Missing Child!
Wanted! Criminal. Contact the police if you see him.
Napa-buntong hininga nang napakalalim si Porphyria. "No choice..." Kumuha siya ng isang post-notice at nagsimula magbasa.
"MISSING CHILD! He ran away from home when his favorite Lechon was not served in dinner. Last seen hanging in the branches of the nearby Balete tree, while laughing hysterically, on the same night. He was not seen in the next day or so. Reward... 800K PESOS?!"
"Mahal nila yung bata, ano?" komento ko.
"Hindi kaya. Kung mahal nila yung bata, eh dapat kinuha na siya kaagad kagabi. Bakit pa ba siya hinayaan?"
"Oh, malay ko ba? Wala ako diyan."
Kumuha naman ako ng isa pa. "Wanted Fake Lover. Inaya kasi ako ni Ex ko na mag-double date daw kami kasama yung bago niya since on-good-terms naman kami. Pero, problema ko kasi, matagal na nakipagbreak yung bago kong girlfriend. Help po, urgent matter po ito."
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Novela Juvenil━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...