The Symptoms

117 3 0
                                    

Taong 2020 COVID19 pandemic


Napaka-ingat namin sa pagsunod sa mga safety protocol para hindi kami makasama sa dumaraming bilang ng mga tinatamaan ng virus. Doble pang pag-iingat ang ginawa ko magmula nang naging COVID referral hospital ang hospital na pinagtatrabahuan ko. Sagana ako sa alcohol at paghuhugas ng kamay sa work place man o maging sa bahay. Halos paliguan ko ng alcohol ang office table at lahat ng mga gamit ko sa office man o sa bahay namin. At kahit nakakatamad ay pilit akong naliligo pagkatapos ng trabaho ko sa hospital at naglalaba ng mga uniform ko upang makatiyak na wala akong virus na nadala sa pamilya ko. Ang bag ko, sapatos, ID at ID lace, maging ang eye glass ko as in lahat sa akin ay dini-disinfect ko sa hangad na maingatan ko ang aking sarili at ang buong pamilya ko laban sa pandemya. Hindi ko alam na sa pagkain lang pala ako mahahawaan ng virus. Madaling magka-hawaan habang kumakain lalo na sa mga party dahil ito ang oras na nakababa na ang mga face mask. Mga five (5) minutes lang na magtanggal ng face mask at makipag-usap sa taong infected ay sapat na para magkahawaan. Iyan ang nangyari sa akin at sa amin ng pamilya ko...


August 12, 2020 nang ma-infect ako sa loob ng office namin. Hindi ako natakot makipag-usap sa kasamahan kong iyon dahil ang sabi nia ay negatibo sya sa nakuha nyang swab result nang araw na iyon. Kaya hindi ako umiwas na makipag-kwentuhan sa kanya habang kumakain ako during our lunch time at syempre wala akong suot na mask nang mga oras na iyon. Sigurado akong sakanya ako nahawa dahil wala akong ibang taong nakausap nang linggo na iyon at nabalitaang nagpositibo maliban sa kanya.


August 17, 2020 ay nakaramdam ako ng muscle and joint pain. Nakaramdam din ako ng matinding head ache dahilan kaya hindi na ako nakapasok sa trabaho nang araw na iyon. Pakiramdam ko ay may lagnat ako sa loob at napakasakit ng buong katawan ko na para bang matinding trangkaso. Nang maramdaman ko iyon ay nagtaka ako dahil nagpa-vaccine lang ako ng anti- flu shot last month. Though mayroong posibilidad na magka-flu parin ako after the shot, hindi parin maalis sa isip ko na baka hindi lang ito simpleng flu. Naisip ko ito dahil August 15, 2020 gabi ng kaarawan ng nanay ko nang mabalitaan ko na isa sa mga katrabaho ko ay nag positibo sa covid19.


Naisip ko na maaaring na-infect ako ng kasamahan ko kaya't nagpasya na akong i-isolate ang sarili ko sa kwarto. Uminom ako ng paracetamol, ang tanda ko naka-tatlo (3) akong tableta bago naging mabuti ang pakiramdam ko. Gumamit din ako ng mga home remedy gaya ng steam inhalation, uminom ng turmeric tea, at nagmumog ng tubig na may asin. Dinadalhan ako ni papa ng pagkain sa pinto. Kakatok sya doon at aalis na para wala na sya kapag nagbukas ako ng pinto para kunin ang dala nya. Pero naiisip ko na baka na-infect ko narin ang buong pamilya noong nag-celebrate kami ng Birthday ng mama ko. Wala kaming suot na mask noon. Nagkakasayahan lang kaming lahat, nagbi-videoke, umiinom at kumakain ng masarap at masayang nagku-kwentuhan. Wala akong nararamdamang ano mang sintomas noong Birthday ni mama at hindi ko rin naisip agad na nakausap ko pala ang taong nagpositibo. Siguro dahil sa masayang selebrasyon namin ng pamilya kaya't hindi ko naalala ang pag-uusap namin ng taong iyon. Pero kung naalala ko man iyon kaagad noong Birthday ni mama ay huli narin. Dahil gabi na ng Birthday ni mama nang malaman ko na infected pala ang taong nakausap ko. Napakatagal na ng exposure ko sa pamilya ko mula nang nagkausap kami, huli na para i-isolate ko pa ang sarili ko sa buong pamilya.


Kinabukasan, August 18, 2020 ay bumuti na ang pakiramdam ko. Pero meron akong malakas na kutob sa loob ko. Dahil hindi lang ako ang nakaramdam ng flu-like symptoms kundi pati sila mama, papa, kapatid ko at halos lahat ng dumalo sa Birthday celebration ni mama. Alam kong hindi nagkataon lang na sabay sabay kaming nagkasakit. Nagpasya ako na magpa swab test pero hindi kaagad, kinailangan kong magpahinga muna. August 20, 2020 nang nagpa-swab ako at hindi ako lumabas ng kwarto habang naghihintay ng result. Gabi ng August 21, 2020 nang matanggap ko ang masamang balita. Nagpositibo ako sa covid test ko. August 22, 2020 ay sapilitan akong na admit sa hospital. Ito ay dahil sa hospital order ng direktor sa hospital na pinagtatrabahuan ko. Noong una nga ay ayoko sanang magpa-admit. Ilang beses akong naki-usap na kung pwede ay mag home quarantine na lang ako dahil wala na akong sintomas na nararamdaman. Sa tingin ko ay mild COVID case lang iyon. Pero ilang beses ding sinabi ng nurse na kausap ko sa cell phone na iyon ay "Direct Order" mula sa Direktor ng hospital. Sa isang pangkaraniwang empleyado na gaya ko, wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang kaysa ang makasuhan pa ako ng insubordination.


Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko kung anong mangyayari sa akin lalo na sa pamilya ko. Ang lahat ay pinagkatiwala ko na sa Panginoon. Kailangan kong sumunod sa hospital order ng aming direktor at naisip ko na kailangan ko ring ihiwalay ang sarili ko sa kanila para hindi ko sila mahawa. Pero sa isang banda naglalaro parin sa isip ko na baka nga nahawa ko na ang lahat sa pamilya nang araw ng Birthday celebration ni mama. Pilit kong nilalabanan ang idea na 'yon. Sana hindi naman, sana ako na lang...

Journal ng COVID SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon