Day 2

34 3 0
                                    

August 23, 2020

Nawala ang panlasa at pang amoy ko. Hindi ko sigurado kung dahil late lang ba ang reaction ng katawan ko sa virus or dahil ito sa mga stress na dinanas ko sa mga laboratory tests at procedure na ginawa nila sa akin kahapon. Noong una ay namamangha pa ako sa bagong karanasan na iyon. Nakadikit na sa ilong ko ang aking paboritong pabango pero wala akong naamoy. Unang beses kong maranasan ito kaya tinanong ko ang sarili ko: "Paano ako kakain kung wala akong nalalasahan?" Kailangan kong talunin ang virus kaya sinabi ko sa sarili ko na kakain ako at magpapalakas. Kapag ramdam ko na ang gutom sa tyan ko ay saka lang ako kakain. Hindi ko kinakain agad ang rasyon, sa ganoong paraan ay nauubos ko lahat ng pagkaing rasyon sa akin. Pihikan ako sa pagkain pero nakakain ko ang lahat ng rasyong pagkain dito. Masarap o hindi wala nang kaso sa gaya kong wala namang panlasa. Binigyan nila ako ng mga gamot laban sa sintomas na iyon. Pero matapang ang mga gamot na iyon. Masakit sa tiyan at nasira ang dumi ko mula nang inumin ko iyon. Hindi rin ako sumasabay sa pagkain ng mga kasama ko. Sa nangyari sa akin, parang ayoko ng kumain nang may kasabay sa takot na baka lumala ang kondisyon ko o muling makahawa dahil nasa Day 7 na sila ng admission nang dumating ako. Nasa recovery stage na sila at ayokong masisi ako kung sakaling mag positive parin ang next swab nila.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dahil nga first time kong ma-admit sa hospital, hindi ko alam ang mga gamit na kelangan kong dalihin. Magulo ang isip ko habang naghahanda ako ng mga gamit ko bago ako sunduin ng ambulansya. Hindi ko naisip na magdala ng electeic kettle para sa steam inhallation ko. Hindi rin ako nakapagdala ng sabon para sa pagligo at sa paglalaba ng damit. Apat (4) na pares lang ang dinala ko dahil iniisip ko ngang maglaba na lang pero hindi ko naman naisip magdala ng sabon.

Kulang din ang baon kong vitamins at surgical mask. (May mga araw na hindi kami nabibigyan ng vitamins dahil naubos na raw at hindi rin sila nagbibigay ng pamalit na mask). Mahirap dahil wala sa pamilya ko ang maaaring lumabas para padalhan ako. Maging sila ay kailangang mag home quarantine. Isang beses ay napadalhan ako ng pamilya ko noong nagpunta sila dito para magpa-swab. Pagkatapos noon ay nag home quarantine na silang lahat. Salamat sa Diyos dahil may mga kaibigan, kapatiran at katrabaho na nagpadala sa akin ng mga pangangailangan ko at nagbigay din ng tulong sa pamilya ko. Sa oras ng pangangailangan makikilala mo talaga ang mga tunay na kaibigan at mga kapatid sa Panginoon.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Procedures:

2am - Ginising ako para bigyan ng Vitamin at sabihing fasting daw ako until 8am. Binigyan din ako ng urine bottle for Urine test.

4am - Chest X-ray

5am - Fingertip pulse oximeter

5:45am - Blood extraction

12:40pm - BP, Fingertip pulse oximeter

Journal ng COVID SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon