August 24, 2020
Araw ng Lunes. Nakarating na ang balita sa Barangay tungkol sa akin. Ang hospital ang nag-inform sa Barangay kung may residente sila na nagpositibo. Tumawag ang Barangay sa mga magulang ko at nagbigay ng order na ipa-swab ang lahat ng dumalo sa Birthday ni mama.
Nakarating din ang balita tungkol sa akin sa taong nakahawa sa akin. Nagulat ako noong una dahil tinatanong nya ako kung kanino raw ako nahawa. Hindi pala nya alam na positibo na sya noong araw na kausap ko sya. Ang sabi niya August 14 sya nakaramdam ng sintomas. So maaring iyon ang 5th day ng incubation period at lumalabas na infected na talaga sya nang kausap ko sya kahit pa nga may nakuha syang negative result sa nauna nyang swab test. Alam kong hindi ko sya dapat sisihin. Walang dapat sisihin dahil hindi nya naman alam na positive na pala sya noon. Kung may pagkakataon lang na maibalik ang oras, hindi na lang ako papasok sa araw na iyon para hindi na lang kami nagkita...
Madalas akong mapuyat dahil ang ingay ng mga kasama ko sa kwarto. Gamers sila naririnig ko pag naglalaro sila at nag uusap. Marami rin silang kaibigan na frontliner mga naka ppe kaya madalas silang nadadalaw. Mahirap dahil gabi ang dalaw nila at matagal ang kwentuhan nila. Pero mabuti naman ang pakitungo nila sa akin. Wala akong masabi sa mga kabutihang ipinakita nila sa akin lalo na ng isa sa kanila.
Procedures:
5:42am - Naalimpungatan ako sa nurse. Ginising nya ako para i-abot sa akin ang gamot at sabihing inumin ko iyon mamayang 8am. Totoo ba? Ginising pa ako pwede naman pala mamaya na lang. Back to sleep.
1:10pm - may nagdala ng gamot at vitamin.
BINABASA MO ANG
Journal ng COVID Survivor
Non-FictionIto ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...