August 26, 2020
Good news dahil unti unti nang bumabalik ang panlasa at pang amoy ko. Masaya ako ng maamoy ko na ulit ang pabango ko. Sa tingin ko nakatulong din ang pag gamit ko ng vics inhaler sa pagpapabalik ng pang amoy ko. Kung hindi masarap ang pagkain mo, magpasalamat ka parin dahil may panlasa ka. Kapag naka-amoy ka ng mabaho, magpasalamat ka dahil may pang amoy ka. At higit sa lahat, pahalagahan mo ang bawat paghinga mo. Bawat paghinga natin ay pagpapalang mula sa Diyos.
Bad news dahil nagpositibo narin ang lola, kapatid at isa ko pang pinsan sa kanilang swab test. Nag-alala ako nang malamang nawala narin ang mga panlasa at pang amoy nila. Wala akong magawa kundi manalangin at umasang hindi kami pababayaan ng Diyos sa lahat ng ito.
Paglalaba ang ginawa kong ehersisyo sa loob ng COVID ward. Dahil nga kakounti ang mga dala kong damit, kinailangan kong maglaba kada 3 araw. Mabuti na lang at pinahihiram ako ng mga kasama ko ng kanilang hanger at sampayan. Ang stand ng kanilang swero ang ginagamit namin na sampayan. Tapos nang magswero ang isa sa kanila kaya nagagamit namin ang stand bilang sampayan. Ginamit ko naman ang plastic drawer na katabi ng kama ko bilang palanggana sa aking paglalaba.
Procedure:
10pm - Fecalisys; sinabi ko kasi na sira ang dumi ko magmula nang pina-inom nila sa akin ang gamot. Baka daw may iba pa akong sakit kaya kinuhaan nila ako ngayon ng specimen. I doubt na may iba pa akong sakit. Yung pina-inom nilang gamot ang dahilan kaya sira ang dumi ko.
BINABASA MO ANG
Journal ng COVID Survivor
Kurgu OlmayanIto ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...