September 1, 2020
Matagal naring fully recovered ang panlasa at pang amoy ko kaya namimili na ng lasa ang dila ko. Hindi ko nakain ang gulay kanina dahil matamis ang pagkaluto hindi ko gusto ang matamis pag umaga. Kinain ko lang ang kasama nitong itlog at kanin. Hindi ako sure kung agahan nga ito o tanghalian na pero sana magpadala parin sila mamayang lunch.
Nag-message sa akin ang isa kong katrabaho na survivor din ng COVID19. Mabuti na lang at napag-usapan namin ang tungkol sa mga gamot. Pinayuhan nya ako na itigil na ang pag-inom ko ng mga gamot dahil baka makasama pa ito sa akin. Sa tuwing tatanungin ko kasi ang mga nurse na nagdadala ng gamot kung iinumin pa ba kahit may panlasa at pang amoy na ako, palagi nilang sinasabi na hanggat walang advice ang doktor ay inumin ko lang daw iyon. Sobra ang mga binigay nilang gamot. Sa isang araw sasabihin nila na pang tatlong araw iyon tapos kinabukasan meron na naman silang dalang gamot para sa araw na iyon. Marami akong sobrang gamot na nakatabi sa lalagyan ko. Kahit sinabi kong meron na akong panlasa at pang amoy at wala nang iba pang sintomas ay wala akong natanggap na advice mula sa doktor na itigil ang pag-inom ng gamot. Kaya mabuti na lang at naka-usap ko ang katrabaho ko. Ang sabi nya 5 days lang daw ang pag-inom nya ng gamot. Ako pang sampung (10) araw ko na iniimon ang mga gamot na binigay sa akin. Kaya pala wala akong matinong dumi hanggang ngayon. Palaging basa pero buti na lang at malakas akong uminom ng tubig kaya hindi naman ako na de-hydrate. Sinunod ko ang payo ng aking katrabaho, itinigil ko na ang pag-inom ko ng mga gamot. Mayroon pa akong natitirang 11 pcs na gamot sa lalagyan ko. Iuuwi ko na lang ang mga iyon as remembrance ng lahat ng 'to.
Procedure:
1:30pm - Blood extraction
10pm - blood extraction
BINABASA MO ANG
Journal ng COVID Survivor
Non-FictionIto ang lahat ng nakasulat sa aking journal noong ako ay naka-admit sa hospital as COVID19 patient. Ang pagsusulat ng lahat ng mga naranasan at naramdaman ko sa loob ng COVID Ward ay nakatulong ng malaki sa pagbuti ng aking physical, emotional at m...