Callista Ferrer
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Magaling pumili si Lauren dahil hapit na hapit sa katawan ko ang dress na nabili nito.
"Ateeee andyan na ang sundo mo." tili ni Celine.
Nakaparada ang pulang sasakyan sa harapan ng bahay at naghihintay si Alexa. Ngumiti ito ng makita ako at nilahad ang isang kamay para alalayan akong maka-sakay.
Marami ng tao sa venue nang dumating kami. Kumpleto na rin ang barkada ni Lauren na nagagandahan sa mga suot nito. Nilibot ko ng tingin ko pero hindi ko makita si Lauren. Hindi ako mapakali sa inuupan ko ng dumarami na ang tao at wala parin ito.
Kumuha ako ng maiinom ng maagaw ang atensyon ko ng isang babaeng papasok sa venue. Mas lalo akong napahanga ng mapagtantong si Lauren ang babaeng yon.
Isa ako sa mga natulala habang naglalakad ito papalapit sa kinaroroonan ko.
"You look stunning in that dress!" saad nito.
Hindi ko mapigilan ang mamangha sa kagandahan nito."Mas maganda ka Lauren. Para kang isang model ngayon."
"Shall we sit now?"
Hindi ko mapigilan ang hindi ito sulyapan. Sinasaulo ko ang bawat parte ng mukha nito habang abala itong nanunod ng performance ng isang local band na inimbitahan ng University. Siniko ako ni Maggie kaya iniwas ko ang tingin dito.
"Let's get food I'm hungry." saad nito.
Tumango ako at nauna na sa kanya. Kasunod narin namin si Lauren at dali-dali itong lumapit sa akin.
Habang kumukuha ako ng pagkain ay may iniabot itong papel. Babasahin ko sana kung ano ito pero natabig ni Maggie ang kamay ko kaya lumipad ito pero hindi ko nakita kung saan ito napunta dahil dim ang ilaw ng venue.
Kahit kumakain ay iniisip ko parin kung ano ang nakasulat sa papel na galing kay Lauren.
May mga lalaking lumapit sa akin para isayaw ako. Pumayag ako dahil Party naman at ayokong maging kj. Halos lahat ng kaibigan ni Lauren ay naisayaw ako pwera lang ito dahil simula ng kumuha kami ng pagkain ay hindi na namin ito nakita.
Nagpahinga ako saglit dahil pinagpapawisan na ako sa pag-sayaw. Nagliwanag ang mata ko ng mapansin ang isang maliit na papel sa sahig. Kinuha ko agad ito bago matapakan ng mga sumasayaw.
Pumunta ka sa rooftop ng B-3. I will wait for you. ayon sa nakasulat sa papel. Kaya pala kanina pa sya wala, nasa rooftop na pala ito.
Napangiti ako habang tinatahak ang pasilyo ng building three.
Sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng mabuksan ko ang pinto ng rooftop. May mga petals at kandila sa sahig kaya sinundan ko iyon.
Pero halos madurong ang puso ko sa tumambad sa akin. Nakikipaghalikan si Lauren sa isang babae habang hinahaplos ang maselang bahagi nito. Pumatong ito kaya tumalikod na ako pero isang bakal ang naapakan ko kaya lumikha ito ng ingay.
"Call!?" sigaw ni Lauren.
Tumakbo agad ako bago pa man ito makalapit. Dumaan muna ako sa rest room bago bumalik sa mesa nila Maggie. Nadatnan kong abala sa pakikipag-usap si Lauren.
Psh! Akala mo kung walang ginagawang kalokohan.
Iniisip ko parin kung bakit pa ako pinapunta ni Lauren sa rooftop samantalang may kasama naman ito doon.
May lumapit na isang waiter at binigyan kami ng isang basong juice. Nilagok ko agad ito pero nailuwa ko kaagad dahil iba ang lasa nito.
"Hey. Why did you drink that?" tanong ni Lauren. Binigyan ako nito ng tissue at isang bote ng tubig.
BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
RomantikMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...