Denise POV
"g..galit ka pa ba sakin?" natatakot ako pero nilakasan ko ang loob ko para tanungin si Zic. Mahinahon na sya at hindi na galit gaya kahapon.
Hindi ako sinagot nito. Hindi kami nagkikibuan parehas.
Galit pa din sya sa palagay ko. Napakabigat ng loob ko. Ako ba ang sinisisi nya dahil hindi sa kanya pumirma ng kontrata si Sir Ciro.
Nanahimik na lang ako at nagpatuloy pa din sya sa pagmamaneho. Hindi ko alam pero ang lungkot lungkot ko.
Napatingin ako dahil hinawakan nya ang kamay ko habang ang isang kamay naman ay para sa pagmamaneho. Pero ganun pa din, hindi nya pa din ako kinikibo.
"Zic Im sorry 😢" pagpipigil ko sa nanunuyot kong lalamunan.
"ok na.. yung perang nawala siguro naman kikitain ko ulit yun. Malaking problema pero gagawan ko ng paraan. Hindi ko sadya yung kahapon. Baka sadyang hindi ako magaling kaya hindi sya pumirma. Pasensya ka na. wala kang kasalanan"
"hindi ah.. Magaling ka Zic. Promise ang dami pa din namang client na may tiwala sayo" bahagya itong ngumiti. Nabuhayan na ko nang makita syang ngumiti.
"pero yang Ciro na yan. Hindi ko palalampasin ang kayabangan nya. Ang taas ng tingin sa sarili nya. Babawian ko sya" sabi nito. Ganyan si Zic, napansin ko lang dati pa na sya yung tipo ng taong hindi mo pwedeng yabangan dahil gagawa sya ng paraan malampasan ka lang.
"nga pala tignan mo, may nagpadala sakin ng VIP Keycard ng Presidential Suite ng Carlton Visda Hotel" napatingin ako sa card na pinakita nya.High Rollers Night
Carlton Visda Hotel?
Grabe.. nakakalula naman to. Sobrang mahal sa hotel na to??."h..hindi bat sugal to? san mo nakuha to? Sino nagbigay sayo?" tanong ko.
"hindi ko alam eh, pero namiss kong magcard game. Ngayon lang ako magcacasino after ilang years. Isa pa, isa sa pinakamahal na hotel yan dito kaya bakit ko naman tatanggihan. Mag-ayos ka, samahan mo ko"
"p..pero Zic hindi ka pa nakakabawi sa nilabas mong pera, magcacasino ka naman?"
"Hindi kita maintindihan? Bakit pakiramdam ko wala kang tiwala sakin Pagdating sa pera?ako naman ang mawawalan. At hindi naman siguro masama kung magliwaliw ako kahit minsan. Hindi naman ako magpapakasadsad. Alam ko ang ginagawa ko"
Tama ang sinabi nya. Pagdating sa labasan ng pera wala akong tiwala sa kanya. Nakakalula kasi sya maglabas ng pera. Hindi ko nga alam kung may ipon sya. Lagi ko kasi syang kinokontra at ayaw na ayaw ni Zic nun.
Pero ayoko namang maging kontrabida sa paningin nya. Gusto ko lang din sya kontrolin para makaipon sa future namin.
"s..sige na sasamahan kita"
Mukhang desidido sya magpunta ng casino.
Binilhan nya pa ko ng damit at pinaayusan.
Kung pwede lang gusto ko nga tshirt at pantalon lang pero hindi yun pwede dun.~~~~~~~~~~~~~~~~
(Carlton Visda Hotel)
Zic POV
"Mr. Saavedra. Here's your ID for VIP table" laking tuwa ni Denise na binigyan ako ng VIP ID. Para lang kasi yun sa mga bigating tao. Kadalasan mga pulitiko at negosyante ang nauupo sa table na ganun.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...