Chapter 32

43 3 0
                                    

   Zarina POV

    Pangatlong araw ng nasa resort si Acer.At sa mga araw na yun ay pinanindigan nito ang sinabing panunuyo.Isang linggo umano ang business trip nito dito sa resort.   Mawawala lang ito kapag may meeting at kapag wala na ay nakatambay ito sa amin.

  Tulad ngayon.Panay ang tingin nya sa akin.Partikular na sa suot ko. Paired floral crop top and cotton shorts na kulay purple naman ang bulaklak. Nakikita talaga ang pusod ko kaya namn ng minsan ko syang masulyapan ay malagkit syang nakatitig sa katawan ko.Kapag namn makita nya ako na nahuhuli sya ay bigla na lang magkasalubong ang kilay at madilim ang anyo.

    "Ma'am, pinabibigay ni sir Ace."iniabot sa akin ng isang staff ang isang white stemmed tulip.Napailing na ako.Lagi na lang ganun.Halos kasundo na nya lahat ng tauhan ko.Kahit binabaliwala ko sya at pataray kung kausapin.

   "Sa'yo na.Puno na ang flower vase ko."nilagay ko sa kamay nya ang tulip.Sinulyapan ko si Acer na ngayon ay nakatiim-bagang na at kunot-noo akong tinitigan. 

'Manigas ka!'saka ako pumunta sa loob ng opisina.

  Tok!Tok!Tok!

   "Come in."walang gana kung sabi ng hindi tumitingin sa taong pumasok.Isinarado nito ang pinto at umupo sa upuan sa harap ko. Pag-angat ko ng tingin ay nagulat pa ako ng makita siya na seryoso akong tinitigan.

  "Anong sadya mo?"malamig kong tanong at ibinalik ang tingin sa folder na nasa mesa ko .

  "Ikaw ang sadya ko."diretsong saad  nito.Bahagya akong nabigla.Malinaw naman na ako talaga ang sadya nya pero inignora ko muna ang isiping iyon.

"What do you want Acer?"matigas na tanong ko sa kanya.Muli ko syang tiningnan.

   "Ikaw ang gusto ko."anito sa seryoso pa ring tono. Muli akong natigilan.Diyatat lagi na lang akong kinakabahan sa tuwing mapag-isa kami.Palagay ko namumula ako kahit hindi naman.Nag-iinit kasi ang pisnge ko sa hiya at pagkailang .

"Acer, I'm working here."malumanay kong saad at iniiwas ang tingin sa kanya.  

"So do I. I'm working on you too."
Napapikit ako.Pinipigilan ko na talaga ang sarili ko.Naiihi na yata ako sa kilig.

'Bwesit naman oh! Marupok!' 

  "Pagbalik ko sa Manila, sisiguruhin kong kasama ko...."
Napatingin akong muli sa kanya.Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha nya.

"...ang puso mo."dugtong nya.  

Pakiramdam ko nakalutang ako.Ang chessy nya pero kinikilig ako.Para tuloy akong sinisindihan sa kinauupuan dahil hindi ako mapalagay.

   "And what makes you think that it would happen?"nakataas-kilay kong tanong sa pagiging kumpiyansa nya. Inilapit nito ang mukha nya sa akin kaya ngayon ay napatitig ako sa berde nyang mga mata.Ang ganda!

   "I will make things happen.Your not my butterfly anymore nor my cute duck." 

Napanganga ako sa tinuran nya.Nakita ko siyang napalunok ng sulyapan nya ang labi ko.Nanatili paring magkalapit ang mga mukha namin.Ramdam ko na ang hininga nya na tumatama sa mukha ko.  

"Because you are now my nymph."mahina at halos paanas nyang wika na nagpatindi lalo ng kakaibang nararamdaman ko.Diyatat inaakit nya talaga ako.

  'Hindi lang siya playboy, flirt din.'

Mabilis kong inilayo ang mukha ko sa kanya.Saka naiinis na sinamaan sya ng tingin.Ngingiti-ngiti lamang sya na para bang alam ang epekto ng sinabi nya sa akin.

"Bakit ba ang hilig mong ikompara ako sa mga ibang nilalang?"

  "What? Don't you like to be compared to a nymph?But you are more beautiful than a nymph."nakangiti nyang turan.

'Kita nyo lang?Ang mga malalandi ay mambobola.Grr!'

  "Besides, kinompara mo din ako sa isang...nilalang sa laro.Ano nga yun?Angry bird?Hahaha! See?Mas malupit ka nga eh!"tatawa-tawa nitong saad. Inirapan ko sya.Ang daldal nya at landi.

   "Alis na nga dito."pagtataboy ko sa kanya.

   "Only if you forgive me.And accept my love."
Napatulala ako sa sinabi nya.Para bang nabibingi ako at para rin akong may naririnig na musika.

  *God gave me you Show me what's real ...

   'Tseh!!Epal..'guni-guni ko lang pala. 

"Seryoso ako Zarina.Please!"pagsusumamo nya at ginagap pa ang mga kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

  "Paano si Margot?"wala sa sariling tanong ko.

  "Sinong Margot?"salubong ang kilay na tanong nya.Ah sino ba yun?

   "I mean Margaux?Yung girlfriend mo."
Nakita ko ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

"So, nagseselos ka pala sa kanya?"anito at ngumisi.Mabilis na hinila ko ang kamay sa kanya at tumingin sa ibang direksyon.  

"H-hindi no!"
Sounds defensive but it's true.

"She is not my girlfriend.She is my childhood friend."saad nito kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. 

  "Then why did you tell me I am nothing compared to her?Kailangan mo pa akong saktan para ngayon habulin mo ng ganito? Akala mo ba ganun lang kadali yun?"
I may sound bitter but I am.There, I admit it.

   "Nagkamali ako.Hindi kita pinakinggan.Sa galit ko kaya ko yun nasabi.Mahalaga sya sa akin.Oo magkaiba kayo.Lahat naman magkakaiba.You are nothing compared to her. To her achievements. But you are everything.My everything."

Pakiramdam ko ay nabibingi yata ako sa sinabi nya.Naguguluhan ako eh! Pakiulit nga ng maintindihan ko.

   "What's the difference?"nakasimangot kong tanong sa kanya.Napahalakhak sya .

   "I don't need anything, yes.I need no fame,money and power.All I need is my nymph who is my everything.And that's you Zarina.Since the first time I saw you."seryoso sya sa bawat salita nya.Nagiging makata tuloy sya pakinggan.

  "I think I fall for you the first time I saw you."dugtong pa nya.

  Sobra na! Feeling ko umaabot na sa 100 degrees ang boiling point sa sobrang pag-iinit ng mukha ko.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

'Tama na!Babawi ako.'

  "You mean, dati mo na rin akong gusto?"paniniguro kong tanong.Nakangiting tumango sya.Nakahalukipkip na syang muli.

   "It's just inunahan mo akong magpahayag ng damdamin kaya hinayaan na lang kita.Kung alam mo lang kung gano ako kasaya noon.At mas triple pa ngayon."

   'Hallelujah! P.S I love you too.'naiinis ako sa sarili.It's a revelation .

  "So what now? I will court you and I am expecting your response before I went back to Manila."maawtoridad nyang wika.

'Abah! Langya ka rin noh!'

   "Will you let me think?"naiinis kong sabi.Ewan kung sa kanya o sa sarili ko.Marupok!

   "I did.And three days are enough before I leave.Bringing with me your requited love."anito at kinindatan pa ako.

'Putcha! 

  Ganun ba ako ka easy?manliligaw ng tatlong araw lang?Tapos magdidemand ng positive na sagot sa huling araw?Ay hanep!Ang lupit!'Napangiwi ako sa naisip.  

'Bastedin ko na lang kaya?'

   Bigla namng nagring ang phone ko kaya tiningnan ko iyon.Si Kevin pala.I missed him already.  

Tinakpan ko muna ang mouthpiece at tinaboy ang nasa harapan ko ngayon na nagmamasid lang.

"Umuwi ka na.Pag-iisipan ko ang sinabi mo."Bantulot syang tumayo at naglakad palabas.Parang may nais pang sabihin.

"May sasabihin ka ba?Make it quick."sabi ko sa kanya.

"Just want to say goodnight.Dream of me and I'll do the same."anito at muli akong kinindatan.

Napanganga ako sa sinabi niya.
'Grabe na talaga!'

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now