AUTHORS POV
Papunta ngayon si Acer sa pwesto ni Zarina na pagmamay-ari din ng pinsan nyang si Zendrick.Huling araw na nya ngayon sa resort.May dala syang bouquet of tulips.Hindi maikakaila ang excitement sa mukha nya.
Gusto nya rin ang ambience dun kaya lagi syang doon tumatambay .Bukod pa naroon ang puso nya.Naiwan yata.
Pagkapasok ay hinanap kaagad ng mga mata nya ang dalaga.Nang di makita ay nagtanong sya sa mga staff at itinuro ang opisina nito.
Humugot muna sya ng malalim na hininga at pinakawalan iyon.Kabado at kinakabahan na di nya mawari.
'Ganito ba talaga manligaw?'
Marahan nyang binuksan ang pinto pagkatapos nyang kumatok.Nakita nyang bahagya pa itong nagulat pagkakita sa kanya.
'She really looks pretty.'sa isip nya.Ngayon namn ay kulay pink ang bulaklak sa damit nito. Isa lang ang ayaw nya sa establishment na ito.
Masyadong ahmm...hindi namn daring ang damit pero kasi kapag si Zarina ang nagsuot ay nakakabaliw tingnan.Nakikita ang magandang pusod nito at makinis na balat.Pati legs ay expose.Nakakapang-init ng ulo ang mga lakaking akala mo naglalaway sa pagtitig sa kanya .
"Good day my nymph! Tulips for you."aniya na sinabayan ng matamis na ngiti at iniabot ang bulaklak dito. Nakita nyang natutulala ito sa pagkakatitig sa kanya.Naiilang sya kahit lalaki sya.He is wearing a typical hawaiian summer outfit.Syempre nasa beach sila kaya nakasummer shorts at open chest polo sya.
Napangiti sya ng tanggapin nito iyon at iniiwasang tingnan ang bandang dibdib nya na medyo expose.
"Thank you."tipid na saad nito.Inilagay nito iyon sa gilid nito at tahimik na hinarap sya.Naupo naman sya sa kaharap nitong upuan.
"How's your day?"panimula nya.Pano nya ba kasi itatanong ang sagot nito.
"I-It's great."nauutal pang sagot nito.Hmm...
"That's good to hear. Ahmm, may gagawin ka ba mamayang gabi?"
Umiling ito ngunit sa mga folder ito nakatingin na nasa ibabaw ng table nito."Gusto ko sanang mag-night swimming.Babalik na kasi ako bukas.It would be memorable I mean, I will be please if you come and join me--"
"And why should I need to please you?"pamumutol nito sa sinasabi nya.
"No,no!That's not what I meant."Napahugot sya ng malalim na hininga at naging seryoso ang mukha.
"Maaga akong aalis bukas.Kaya gusto ko sanang malaman ngayon ang sagot mo."
Kunot-noong napatitig ito sa kanya at kapagkuway napakagat-labi.'Damn that lips!'
"Hindi pa ako nakapag-isip."
"Nevermind anyway.I won't take no for an answer."aniya at humalukipkip sa harap nito.Tinitigan ito ng matiim at bigla itong nginisian nang gulat syang sulyapan nito.
"A what?"salubong ang kilay nito pero nagdulot lamang iyon ng kakaibang karisma dito.
"You heard it right.So it's a yes."baliwalang turan nya dito .
"Ano ka?"
"Gwapo. And I know you can't resist me Zarina."malamyos nyang wika dito na nagpasinghap sa kaharap.Very well.Ang gandang nimpa.
"Masyado kang kampante mister Fajardo. At napakahangin mo din."nakataas ang isang sulok ng labi nito.
'Naman. Pahihirapan pa ako.'
YOU ARE READING
✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)
RomansCollege life is amazing!Who says not? You know why?Because I found him, my happy pill. I was 2nd year and he was in 4th year when I noticed him.And thats when the story begun. By the way, I'm Zarina Alarcon, 18 years of age and we're enjoying my col...