A/N: Sorry for late update guys. Para makabawi, I added Calix POV in this chapter. Please still support the story po. Love lots ❤️
★★★★★
"Uhm guys? Everything okay?" Napabalikwas ako sa pagkakayakap namin ni Calix nang marinig ako ang boses ni Mira.
"Yeah. Okay lang kami." Sagot ko at dali dali akong nagsuot ng t-shirt.
"Hmm. Okay. Pinapababa na kase lahat for assembly." Sabi ni Mira.
"Yeah. Tara na." Nag ayos ako ng sarili ko.
"Calix? Hey? Tara?" Sabi ko kay Calix. Napansin ko kaseng nakatulala pa rin siya sa kawalan. Nag nod lang sya sa akin.
Lumabas na ako ng kwarto at pababa na kami ni Mira papunta sa activity area.
"Hey? Aden? You sure na okay lang kayo? Bakit ganon si Calix?" Tanong ni Mira. Umiral nanaman pagka chismosa neto.
"Yeah. Okay lang kami. Alam mo naman yun napaka weird" sabi ko naman sa kanya.
"Ahh okay. So ano yang hawak mo?" Usisa ni Mira.
Agad kong nilagay ang kamay ko sa likuran mo para hindi nya makita yung kwintas. Lahat nalang kase napapansin eh 'no.
"Ha? Wala ah." Sagot ko sa kanya.
Huminto sya and humarap sa akin ng habang nakapamewang.
"Aden? Ano yan?" Sabi niya sa akin. Nilahad nya ang palad nya para ibigay ko sa kanya ang hawak ko.
Iniabot ko sa kanya ang kwintas para manahimik na sya.
"Wow! Kanino galing 'to?? Ang ganda naman mukhang mamahalin!" Sabi ni Mira.
Hindi ako umiimik at patuloy nya pa ring tinititigan ang kwintas.
"Huy! Ano saan galing 'to??" Sabi nya sa akin.
"Alam mo ikaw hindi ko alam kung shunga ka o nagshushunga shungahan lang! Sino ba kasama ko sa kwarto ko? 'Di ba manliligaw ko??" Sagot ko naman.
"Omg! Totoo ba?" Tugon nya.
"Ang alin? Na binigyan nya ako ng kwintas!?"
"I mean, totoo bang tanggap mo nang nililigawan ka ni Calix?! Hoy improvement haa!" Sabi nya sabay tawa.
"Saya yan? Tsaka ano pa ba magagawa ko? Ayoko naman talaga ng mga paganyan nya pero may choice ba ako?" sabi ko sa kanya.
"Huyy grabe anchor yung pendant ng kwintas oh! Kinikilig ako!" Sabi nya with nginig nginig pa.
"Oh? Ano namang connect ng anchor pendant at kinikilig ka?" Sabi ko naman.
"Duh? Hindi mo ba alam meaning ng Anchor pendant? Jusme" sabi nya.
"Wow. Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sabi ko naman.
"Well eto makinig ka. Necklace with an anchor sign symbolise strength, security, stability. It's his way of telling you that your the anchor that holds his life in place. Besides, It's the perfect way to say 'I love you' without saying anything at all." Sabi naman nya.
"So kailan ka pa naging necklace master? Ha?" Pang-aasar ko sa kanya. Nosebleed ako dun ah.
"Duh! Nasa google! Hahaha" sagot nya.
Nagtatawanan na lang kami ni Mira sa mga kalokohan namin nang biglang dumating si Cleo.
"Hello? Hindi pa ba kayo tapos mag chismisan? Hinahanap na kase kayo eh. Hindi makapag start." Sabi nya. As usual. Bruha pa din.
"Ah sorry madam, eto na papunta na. Pasensya naman." Sabi ni Mira.
-
Fast forward.
Natapos na namin lahat ng laro. Naging masaya naman ang team building. Mukhang nakapag bonding naman kaming lahat.
"Napagod ako, Aden." Sabi ni Mira sabay higa sa damuhan
"Syempre, ikaw ba naman maglaro ng maglaro maghapon sino ba naman di mapapagod" sabi ko sa kanya.
Nakahiga kami pareho sa damuhan at nakatingin sa buwan. Nang may biglang humarang sa view ko. Si Calix.
"Oh. Mukhang pagod na pagod ka eh." Sabi nya.
Nag abot sya ng bottled water. Bumangon ako at umupo. Kinuha ang hawak nyang tubig. At umupo rin sya sa tabi ko.
"Naol may jowa ano?" Pang aasar ni Mira.
"Jowa ka dyan. Lul" sabi ko naman.
"Hindi pa nga ako sinasagot eh" sabi ni Calix habang nagpupuppy eye.
"Calix, alam mo namang hindi ubra sa akin mga paganyan mo" sabi ko sa kanya.
"Mira di ba pagod ka? Oh eto tubig. Iyo na babalik na ako sa kwarto." Sabi ko sabay tayo at balik sa kwarto.
Calix POV
Tinitigan ko lang si Aden habang papalayo sa amin ni Mira. Nang iwan nanaman sya. Bakit kaya sya lang yung taong cute kapag galit. Kaya gustong gusto ko syang iniinis eh.
"Lakas tama mo sa kaibigan ko 'no?" Biglang nagsalita si mira.
Nangiti lang ako sa sinabi nya.
"Bakit sa lahat ng tao, si Aden yung napili mong ligawan? Knowing na pareho kayo ng gender" sabi nya.
"Una sa lahat, hindi naman mahirap mahalin si Aden. And ano naman kung pareho kaming lalake? Para sa akin kase hindi naman yung gender nya yung minahal mo eh, yung personality nya, kung paano ka nya napapasaya makita mo lang sya, kung paano nya binubuo araw mo marinig mo lang boses nya. Yun ang mahalaga." Sagot ko sa kanya.
"Teka lang ha ang cheesy mo naman kinikilig ako bwisit! Paawat ka naman" Sabi nya with matching hampas pa.
Nagkwentuhan lang kami ni Mira about sa mga bagay bagay. About sa friendship nila ni Aden, school, some personal stuff. At hindi namin namalayan ang oras.
"Mira, 9pm na pala. Pahinga na tayo. May mga activities pa bukas" sabi ko sa kanya.
"Omg hindi ko namalayan oras napasarap kwentuhan haha" sabi niya.
"Kaya nga eh. Naghihintay na asawa ko dun" sabi ko naman sa kanya.
"Oy ano ba naiinggit na ako sa inyo! Bumalik ka na nga doon hahaha" sabi nya. Sabay naman kaming bumalik ng apartment.
"Aden?" Sabi ko pagpasok ko ng pinto.
Pero walang tao pagpasok ko. Inisip ko na baka lumabas lang si Aden. Naupo ako sa kama. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung nagyari kaninang umaga. Natatawa na lang ako sa sarili ko. Hindi talaga ako marunong mang surprise. Napahiga ako sa kama at tumitig sa kisame.
The next thing I knew, nagising ako sa lamig. Nakatulog pala ako. Laking gulat ko ng makita ko ang orasan. 12am na. Napahaba ang tulog ko.
Pero mas kinabahan ako nang marealized ko na wala pa si Aden sa kwarto namin. I checked sa cr pero wala rin. Hinanap ko agad ang phone ko para tawagan sya. Nagring ang phone nya pero ang nakakapagtaka ay naiwan nya ito dito sa kwarto. Nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Imposibleng iwan ni Aden ang cellphone nya unless urgent ang dahilan ng pag alis nya.
Agad akong bumaba at pumunta sa kwarto ni Mira. Kumatok ako ng kumatok hanggang sa lumabas sya.
Pagbukas ng pinto ay kita kong nagising lang si Mira sa pag katok ko.
"Oh Calix? Ano ba yun? Madaling araw na oh?" Sabi nya habang nagpupunas ng mata.
"Nandyan ba si Aden?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Kayo magkasama sa kwarto ahh. Bakit dito mo hinahanap? Nag away nanaman ba kayo?" Sabi nya.
"Hindi. Pero kase, pagdating ko sa kwarto wala sya. Hanggang ngayon wala pa rin sya. Mira, nawawala si Aden." Sabi ko sa kanya.
"What!?" Sigaw ni Mira.
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
RomansaThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.