Someone's POV
"So? What is your final decision?"
"Paano pag nagsabi ako ng No. Anong gagawin nyo?". Tanong ko sa kanilang dalawa at tumayo.
"We don't have choice kundi isusummbong namin ang mga nalalaman namin tungkol sayo at say ginawa mo sa Chairman Monteriño". Sabi na nga ba eh, I-blablackmail nila ako. Pumunta ako sa lalagyan ng mga Wine ko at kumuha ng isa dun at binuksan.
"Paano naman kung pumayag ako?". Naglagay ako ng Wine sa dalawang Wine Glass ko.
"Welcome! And we assure you na ibibigay namin lahat ng gusto mo para lang mapabagsak lang sila". Ganun ba talaga kalaki ang galit nila sa Monteriño? Akala ko ba Monteriño sila? Urgh! Kanina mo pa tinatanong yan sa sarili mo na di naman masasagot. Lumapit ako sa kanila at binigay kay Aisha yung isang Wine Glass na may laman ng Wine
"Hoy! Bakit ako walang Wine?". Tiningnan ko lang si Alejandro at iniripan. "Sungit". Napa-tinggin nalang ako ulit kay Aisha.
"Cheers?". Tinaas ko ang Wine Glass ko at nakita ko naman ang pag ngiti nya.
"Cheers!". Pinagbangga namin ang Wine Glass namin sabay na ininom yung Wine. "So? I'll take your answer as a Yes?". Tumango nalang ako bilang tugon.
"OMG! Payag ka na?!". Gulat na tanong pa ni Alejandro sa akin. Habang niyuyugyog yung balikat ko.
"Hey! Don't touch me". Agad kung hinampas yung kamay nya nasa balikat ko.
"Aray naman!". Agad naman nyang kinuha nya yung kamay nya pero may bonus pang irap. Aba! Nandito sya sa teritoryo ko! Walang pwedeng magtaray kay Ms. S!
Oo, I admit kailangan ko talaga ng tulong para ipabagsak ang Monteriño Clan at inaamin ko na hindi ko sila kayang kalabanin. Pero ngayon, may laban na ako. Humanda kayo Chairman Monteriño at pati na den ang Pamilya mo. Oras na para sumingil ng utang. Utang na dapat Buhay ang kabayaran. I will never gonna lose this battle against you Chairman Monteriño. It's my time to shine like a Star. Ipaparamdam ko sa boung Pamilya mo ang sakit, poot at galit ng isang Ms. S HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA
at blessings na den to para saken. tatangihan ko pa ba? HAHAHAHA
Jezzia's POV
Nanonood ako ng TV ng makita kung mag ring ang cellphone ko. Tumatawag pala si Ms. S. Ano kaya kailangan ni Ms. S? Madalang lang kasi tumatawag. Tumatawag sya pag may importanteng sasabihin o tatanungin. Kinuha ko na yung cellphone ko at sinagot ang tawag.
[Hello Ms. S]
[Hello Jezzia! My Darling]. Parang good mood ata si Ms. S ah
[Bat po kayo napatawag Ms. S?]. Nakakatakot kausapin si Ms. S kahit sa cellphone, sa totoo lang. Paano pa kaya pag personal ko na syang maka-usap? Baka himatayin nako sa kaba.
[Kamusta ang pinapapabantayan ko sayo?]. Napa-buntong hininga muna ako bago sumagot. Kinakabahan talaga ako. Litse!
[Wala naman pong bago Ms. S, ganun pa den naman]. Sagot ko sa kanya. Bigla namang tumahimik ang kabilang linya. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko dahil sa biglang pag tahimik. Amp*tspa!
[Ok. Bye]
*TOOT *TOOT *TOOT
Parang nakahinga naman ako ng maluwag ng matapos na ang call ni Ms. S. Syaks! Kinabahan ako dun! Litse baka nahimatay nako dito.
"Nak?". Agad naman akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Mama.
"Mama bat po kayo lumabas ng kwarto nyo? Sana tinawag nyo nalang po ako para hatiran kayo ng pagkain sa kwarto nyo". Agad ko namang nilapitan si Mama at inalalayan sya sa wheel chair nya.
"Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin Nak tapos kailangan ko den magpa-araw, tingnan mo oh ang puti ko na HAHAHA Masakit na den ang likod ko kakahiga HAHAHA". Natatawang sagot saken ni Mama. Napa ngiti nalang ako ng makita kung tumatawa si Mama.
"Ganun po ba Ma? Sana tinawag mo po ako para naalalayan po kita palabas ng kwarto mo"
"Sus Nak, kaya ko naman. Ay, sino pala yung tumawag sayo?". Umiwas agad ako ng tingin kay Mama. "Nak? Bakit?". Naramdaman ko namang hinawakan ni Mama ang kamay ko.
"Wala Ma". Iling iling ko pang sagot. "Wait lang Ma, kukunin ko lang yung pagkain mo". Agad naman akong tumungo sa kusina para kunin yung Champorado na niluto ko pero bago ako bumalik sa kinaroroonan ni Mama ay napa-punas ako ng luha ko. Litse! Ang iyakin ko talaga.
Oo, alam nila Mama at Papa na ninilbihan ako kay Ms. S, ayaw man nila pero wala silang magagawa. Kabayaran to sa mga utang namin kay Ms. S.
"Ma, andito na po yung special Champorado ko. Niluto ko po yan with love". Nginitian lang ako ni Mama pero bakas sa ngiti nya na pinipilit nya lang ngumiti. "Ma subuan na po kita". Kinuha ko naman yung kutsara at susubuan ko na sana si Mama pero umiwas sya.
"Di mo pa sinasagot ang tanong ko Nak, sino yung tumawag sayo?". Napa-yuko nalang at napa-buntong hininga. Naramdaman ko naman ang paghaplos ni Mama sa likuran ko. "Si Ms. S ba Nak?". Tanging tango nalang ang nasagot ko. Tumulo naman ulit yung mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Litse talaga! Bat kasi napaka-iyakin ko? "Sorry Nak ha, kasalanan ko to eh". Agad naman akong napa-tinggin kay Mama at napa-iling iling.
"Wala kang kasalanan Ma, hindi mo to kasalanan. Kasalanan to ng gagong bumangga sayo". Sabi ko kay Mama at niyakap sya. Iyak lang ako ng iyak sa balikat ni Mama habang sya naman ay pinapatahan ako.
Hindi naman talaga magkanda litse litse buhay namin kung hindi dahil sa gagong bumangga sa Mama ko. Pag nakita ko lang sya babaliin ko talaga yung mga buto nya. Bwesit sya! Dapat sa kanya mamatay!
"Tahan na Nak". Naramdaman ko naman na niyakap ako ni Mama.
"Mama HUHUHUHUHUHU". Lagi akong umiiyak sa balikat ni Mama pag gusto ko ng maglabas ng lungkot, galit at sakit. Salamat naman, at laging nandyan si Mama para alalayan ako at patahanin ako. Siguro kung wala sila Mama at Papa, di ko na alam gagawin ko. Di ko kayang mawala silang dalawa sa buhay ko. Sila ang buhay ko......
-END_OF_CHAPTER_44-
(A/N: busy ako sa Modules, sana kayo den :>
ingat :> stay safe and healthy :>)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Gay
Ficção AdolescenteWhat if your friend is starting to fall in love with you? What if? But there's a problem, he is a GAY. What are you going to do? Are you going to stop your feelings? or tell him that you love him? I'm Ivy Perez and he is Alexander Ford Monteriño...