Monday
Dumating na naman yung araw na ito kahit ayaw kong pumasok hindi pwede dahil magagalit sina nanay at tatay. Kaya bumaba na ako para makakain ng breakfast at pumasok para hindi ako ma late.
"Anak kumain kana dito para di ka malate niluto ko yung favorite mong corned beef" Tama si nanay favorite ko yan kasi di yan yung corned beef na yung nasa lata lang home made yan.
"Thanks nay :) mapaparami ako neto"
"Nako naman Shia tataba ka niyan" Well I don't care di naman ako katulad niya na concious sa weight.
"Okay lang ate no. Wala akong paki"
"Bilisan niyo na dyan mga anak kasi aalis ako ng maaga isasabay ko na kayo"
Sumabay na kami kay tatay, habang naglalakad ako sa lobby nakakita ako ng babaeng inaapi.
"Umalis ka na nga! Hindi mo ba alam na ginamit lang kita para manalo ako sa pustahan" sabi nung lalaki.
"Pero alam mo namang mahal kita Wayne, kaya kung kalimutan lahat wag mo lang akong iwan" Umiiyak siya habang nakaluhod.
"Gago ka! Hindi mo ba alam na sinasaktan mo siya? Wala kang karapatan para saktan siya." Sabi ko sa lalaking yun.
"Pwede ba wag kang makialam dito kasi hindi mo alam lahat"
"Alam ko, pero babae rin ako masakit na makita mo yung kapwa mo babae na inaapi at nagmamakaawa sa isang lalaking wala namang kwenta" Tinulungan kong makatayo yung babae kasi umalis na yung lalaking walang kwenta.
"Sorry kung nakialam ako ha? Kasi naman hindi mo ba makita na ayaw niya sayo."
"Alam ko naman yun eh, kasi kahit anong sabihin ng utak ko na huwag lumalaban parin puso ko" Kawawa naman siya.
Binigay ko sa kanya yung panyo ko "Alam ko naman yun eh pero ito tandaan mo sa panahon ngayon hindi na pwedeng maging tanga kasi aapihin kalang ng mga lalaki" At nag walk out na ako kasi baka saan pa mapunta ang usapan namin. Kaya dumiretso na ako sa room baka malate pa ako 5 minutes nalang
Uupo na sana ako " Hi Phanie :)" Juice Colored andyan nanaman yang pangit naman.
"Ay bro hindi kanaman niya pinansin hahahaha" sabi nung lalaki na nasa likuran niya.
"Wala namang bago kaya sanay na rin ako bro."
Pumasok na yung Prof. namin at syempre gumawa ako ng reasons para ma excused si Besst.
"Class, go to your partner and discuss something about yourselves"
"Oh phanie sa ayaw at sa gusto mo papansinin mo ako kasi kung hindi isusumbong kita kay prof." Ang childish ng taong to.
Tumango nalang ako "First question, how old are you?" Parang slambook lang.
"16, ikaw? " Sabi ko.
"16 rin. First boyfriend?"
"Kailangan bayan? Parang personal na yan eh."
"Sige wag nalang. Birthday mo?"
"May 17"
"Ako December 4"
"Okay class I hope na nagkakilala na kayo ng mabuti. Class Dismissed!"
"Ahm Miss Yu may naghahanap sayo sa labas" sino naman kaya yun.
Si Ethan lang pala . "Ahm steph, asan si Diane?"
"Wala siya. 3 days siyang absent ngayon, bakit?"
"Gusto ko lang sanang makipagusap sa kanya eh"
"Nako naman Ethan tigilan mo na si Lizz kasi nakapagmove on na siya."
"Gusto ko lang naman makipagusap"
"Sa kanya ka mag sabi wag sakin. Sige alis na ako"
"Teka lang Steph"
"Ano na naman Ethan? Kung ninanais mong tulungan kita nagkakamali ka sapagkat ayoko ng masaktan pa ang kaibigan ko lalong lalo na kung sayo na naman."
"Nais ko lang malaman kung okay na ba siya?"
"Okay na okay na siya Ethan, kaya wag ka ng mang gulo pumunta kana sa girlfriend mong walang ibang ginawa kundi ang maglagay ng makapal na make-up sa mukha."
Umalis na ako dahil baka kung ano pa magawa ko sa Ethan na yan tsee! Bakit kaya ganun? Bakit bumabalik pa yung mga lalaking nanakit sayo
Wala namang nangyari ngayong araw same day as usual."Steph pinapatawag ka ni Coach Leo kasi may offer siya sayo sa badminton"
"Ah okay thankss. What's your name again?"
"Bianca Honasad. Sige una na ako"
Heto ako ngayon naglalakad papuntang GYM hindi na siguro ako na shock kasi matagal na akong pinipilit ni coach na sumali.
"Ms. Yu I hope na tanggapin mo na yung offer ko sayo sayang naman yung galing mo"
"Coach pag iisipan ko po. Give me 1 week"
"Sure. I hope you'll decide what's the best for you."
Pinat niya yung shoulder ko at tuluyan na akong umalis kasi nag text na si tatay na nandyan siya sa labas.
"Saan ka nanggaling ate shia?" Sabi ni stephen
"Kinausap ako ni coach kung pwede daw akong sumali sa team nila"
"Anong sinabi mo?" Tanong ni tatay.
"Pag iisipan ko pa. Kasi di pa ako ready"
"Choosy mo naman sis. Dba nga grab the oppurtunity kaya igrab mo na"
"Hayaan niyo na si Shia para makapag decide bsta anak kung tatanungin mo kami ng nanay mo payag kami."
Papayag ba ako? Sige na nga tutal wala naman akong gagawin eh kaya go nalang ako. At ngayon andito na ako sa kwarto ko nagpapahinga.
Beep *unregestered number*
Hi steph :)
Sino naman kaya to?
Hello :) Who's this?
Secret.
Sorry I don't talk to strangers.
Makikilala mo rin ako someday :)
At hindi ko na siya nireply baka magnanakaw yan noh nakakatakot yun. Hindi ko napansing nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Ms. Stone Heart
Teen FictionWhat do you do when the only one who can make you stop crying is the one who is making you cry? Si Stephanie Nashia Yu ay nagmahal, nasaktan at nag move on ng sobra. Siya ay sinaktan ng lalaking minahal niya ng lubusan kaya simula noon hindi na niya...