LIES BEHIND THE LOVE

267 16 11
                                    


SIMULA

"Do you really need to do this, Raven?"

"Madali lang naman ang sabihin na ayaw mo na sa akin... Sabihin mo nalang kung may babae ka! Yun lang! hindi yung magsisinungaling ka pa!"


Hindi ako makapag salita.

O parang hindi ko na kayang magsalita.


Natahimik ako sa malakas na kamay na dumapo sa aking mukha. Masakit man pero mas masakit ang makitang sinasaktan ko ang babaeng minahal ko bukod pa sa sarili ko ng dahil lang sa isang kamaliang nagpabago ng lahat...


Masakit man ang makita siyang nasasaktan pero tumingin ako sa mata niya...



Sa mata niyang puno ng katanungan...

Sa mata niyang puno ng pagkalito...

Sa mata niyang halos mamaga para titigan ang tunay na rason kung bakit nag-kaganito...

At sa mata niyang bigo sa pagkahanap nito.



Huminga ako ng malalim...

Pero sabay sa pagbuga ko ay ang pagbuga rin ng katotohanang halos hindi ko na kinaya...



Tama nga siguro.

Ang iwanan ang taong nanakit sayo.

"I need to go." Yumuko ako at sa pag yuko ko ay nakita ko ang puso kong durog at nakakalat nalang sa sahig.


Humakbang ako para makalayo...

Pero parang hindi sapat ang paghakbang para makalayo sa babaeng tunay na nagmahal, tumanggap, bumuo at nagwasak ng pagkatao ko.


Sa huling sandali..

Natigilan ako at lumingong muli sa mga mata niyang nakapako sa akin.


Sa mata niyang bumihag sa pagkatao ko...

Sa mata niyang bumubuo ng bawat araw ko...

Sa mata niyang puno ng pagmamahal...

At sa mata niyang puno rin ng kasinungalingan.



Sa babaeng minahal ko ng lubusan.

Miles Dane Miller. Paalam na, ako'y lilisan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[EDITING] Lies behind the love.  ✔GAExoxoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon