''Alright, pupuntahan ko bukas. I get it. Okay''
Binaba ko ang telephone at bumaba sa sala kung nasaan ang mga anak ko at si Lauro.
Si Raney iyong kausap ko. We're talking about a dress for a debut. Pupuntahan ko bukas ang may-ari ng gown at kasama din ang dress. Sa susunod na araw na kasi then they need to try it pa para makita kung okay na ba. But I am confident that the gown is fine. Pinasukat na kasi iyon ni Raney last week. Ang nagbago lang naman ay nilagyan ng mga marbles ni Raney ang dress.
Hindi pa ako nakakababa ay narinig ko na ang boses ni Hazel at Issa. ''Issa, did Papa tour you in his company?'' Narinig kong tanong ni Hazel.
Pumunta kasi kanina dito si Sais, hindi naman kami nagkita dahil wala ako kanina. Wala na naman punto ang pagkikita namin. Binibisita ni Sais si Hazel dito at kapag naman sumapit na ang ala una ay igagala niya si Issa sa Mall tapos pagbalik nila ay marami ng mga damit at laruan na dala. Laruan at damit nilang dalawa ni Hazel. Hinahayaan ko nalang kahit ang dami ng mga damit ng mga anak ko.
Tuluyan na akong bumaba, nakita ko ang dalawa kong anak na naglalaro ng Doll House nila na binili naman ni Lauro kanina.
Napatingin ako kay Hazel.
Gumagaling na ang anak ko. Ang laki ng utang na loob ko sa diyos dahil hindi niya pinabayaan ang anak ko.
Napalingon si Hazel sa gawi ko kaya nakita niya ako. She smiled at me. ''Mamay, tignan mo. Ang laki ng Doll House na binili ni Papay'' masayang sabi ni Hazel.
Napatingin ako kay Lauro na nakaupo at deritso ang tingin sa akin. Nakaramdam kaagad ako ng kaba dahil sa tingin niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga anak ko at lumapit sa kanila.
Umupo din ako sa carpet kung saan sila nakaupong dalawa. ''Ang laki naman, pwede ka ng pumasok sa loob Hazel'' sabi ko sa anak ko. She giggled.
''Mamay, ako din'' singit naman ni Issa. Napatawa kaming dalawa ni Hazel. Nakita ko ring ngumiti si Lauro. He really loves my children. Tinanggap niya ako kahit hindi kami sigurado. Pinanindigan niya ako kahit hindi naman kailangan. Ang laki ng utang na loob ko kaya ayaw ko siyang talikuran. Siya ang asawa ko at hindi na iyon mababago.
''Hindi ka naman kasya diyan eh, ang taba mo kaya'' asar pa ni Hazel. Issa's teary eyes came out.
''Mamay, si Hazel po oh. She's teasing me.'' she said, standing up. Lumapit siya sa akin at hinagkan ako buti nga at nasalo ko. Muntikan na akong mawalan ng hininga. Ang laki naman na kasi ni Issa. Hindi naman siya mataba pero chubby siya, si Hazel ang maliit na babae. Iyan ang palatandaan nilang dalawa.
''It's just a joke, baby. Don't take it seriously'' sabi naman ni Lauro. Hinagod ko ang likod ni Issa.
''Hindi naman totoo diba, Mamay at Papay?'' tanong ni Issa. Hindi nakasagot si Lauro kay Issa kaya ako nalang.
''Anak cute ka naman kahit chubby ka'' I said, and she threw a little tantrum.
''Mamay naman eh!''
Napatawa nalang kaming apat. My children are growing up kind and beautiful.
Pinatulog ko muna si Issa at si Hazel bago ako pumasok sa kwarto. Pagpasok ko ay naligo muna ako at nagbihis ng pangtulog. I went to bed pagkatapos kong mag bihis. Mukhang taxi nalang ang gagamitin ko papunta sa Puerto Casa ang pangalan ng village ng mga Billionaire. Nabanggit din ni Sais sa akin na may bahay siyang pinapagawa duon. Mukhang lilipat siya duon kasama ang mga kaibigan niya, and I also knew that Lauro has his house there. Matagal na siyang may bahay duon pero ayaw niya akong papuntahin duon, I know the reason why... Dahil palaging nakatambay si Sais duon.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.