Walang lalaking matatawag na paasa kung walang babaeng assumera ..-------
[ Krystel's POV ]
yung kabang naramdaman ko,biglang napalitan ng lungkot.Yung pagasa nawala na.Akala ko pa naman gusto niya talaga ako
"Ah ganon ba?okay madali lang pala kasi alam kong kantahin yun"
hindi ko pinakita sa kanya na malungkot ako.Na umasa ako sa sinabi niya.
"Tsaka nalang natin praktisin yung kanta kapag andito na si CM.Siya kasi ang magsasabi ng gagawin natin"
Tumango nalang ako sa sinabi niya.Umupo muna ako sa sofa at siya naman ay kumuha ng gitara tsaka tumabi sa akin.
"Talagang gustong gusto mo nang matuto dyan ah?"
"Yes,gusto ko kasing mageffort sa panliligaw sa kanya"
Ayan na naman.Mas lalo akong nacucuriuos at kinakabahan.Andito na ako eh,kailangan ko na talagang masigurado kong si Danica nga ba ang tinutukoy niya.
"Matagal ka ba na may gusto ka sa kanya?"
napakamot siya ng batok tsaka sumagot.
"Oo eh,ngayon lang nagkalakas na umamin sa kanya"
Pagkarinig ko sa sinabi niyang yun,parang ayoko nang marinig pa yung mga susunod na sasabihin niya.Kasi umamin na daw siya,at siguradong hindi ako yon kasi hindi naman siya umamin sa akin.
"Ikaw ah ! may tinatago ka pala.Hindi mo naman agad sinabi"
"Eh sorry"
"Ang swerte siguro niya kasi mahal mo siya.Kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanya."
Kahit ayoko nang pakinggan pa yung mga susunod niyang sasabihin kahit alam kong pwede akong masaktan.Parang may nagtutulak kasi sa akin na alamin ko kong sino yung mahal niya.
"Siya yung tipo ng babae na mahilig makipagbangayan.Sobrang hyper,hindi man lang kayang magpakita kahit kaunting kahinhinan haha.Ang siga nga niya eh,pag nagtatalo kami.Ako palagi ang talo,sino nga naman ang hindi matatalo kung ang kalaban mo ay amazona?Kahit ganoon siya,mabait naman.Maalaga siya pagdating sa mga taong nakapaligid sa kanya.Wala siyang ibang iniisip kundi ang kapakanan nila.Isa iyon sa nakita ko sa kanya.Yon din ang mga dahilan kong bakit ko siya nagustuhan."
"Kelan mo ba siya nakilala?"
"Matagal,matagal ko na siyang kilala.Bata palang siya na yung lagi kong kasama.Kahit madalas na hindi kami magkasundo,ewan ko pero hindi makokompleto yung araw ko hangga't hindi ko siya nakikita."
Nawala na talaga yung pagasa na ako yung babaeng mahal niya.At lumaki naman yung tsansang si Danica nga yung tinutukoy niya base sa mga sinasabi niya.
"May I know kung sino siya?"
Ngumiti ako sa kanya ng isang pilit na ngiti.
"Eh ! ano ba yan.Masyado na pala akong madaldal haha.Nasabi ko tuloy sayo"
"Si Danica yun no?"
Nagulat siya sa sinabi ko.Pinipilit ko paring ngumiti para pigilan yung emosyon ko.Iniisip ko palang na MU nga talaga sila ng bestfriend ko hindi na ako makahinga ng maayos.Paano nalang kong totoo na?Baka titigil na ang puso ko sa pagtibok.
Nginitian niya lang ako at hindi agad siya nakasagot.
"Base sa mga sinasabi mo,si Danica lang naman ang Childhood bestfriend mong babae.Siya no?ayieee"
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Novela JuvenilIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...