Pwede ba?
Pwede bang magmahal ng walang kasamang sakit?
Pwede bang maging masaya ng walang kasamang pait?
Pwede bang maging tayo ng walang tanong na bakit?
Pwede bang ako na lang wag mo ng ipagpalit?
Oh di kaya'y pwede bang magsimula tayo ulit?
Pwede pa naman akong magpaka tanga kahit sa huling saglit?
Pwede bang lahat ng tanong ko OO ang sagot mo?
Pero alam ko namang hindi at yun yung masakit
Wait lang may tanong ako masakit ba talaga?
Ako na rin ang sasagot
Oo masakit,sobrang sakit
Pero bakit paulit-ulit nating binabalikan?
Bakit paulit-ulit nating gustong maramdaman?
Bakit nga ba?
Ako na lang din ang sasagot sa sarili kong tanong.
Alam niyo kung bakit?
Kase sila lang yung nagbigay sa atin ng ganitong pakiramdam
Na kahit paulit-ulit ay sila lang yung bibigyan natin ng karapatan na satin ay manakit
Kase MAHAL NATIN SILA.
Mahal kita tandaan mo yan
Kaya kung gusto mo pang bumalik
Pwede pa hangga't hindi pa ko nakakahanap ng iba.