Day 15

24 2 0
                                    

September 5, 2020

9 days after the last swab.

4:35am- 3rd Xray. Hindi ko akalain na pwede pa lang sumailalim sa xray nang higit sa isang beses sa loob ng isang buwan. Naitanong ko kung ligtas ba talaga iyon para sa baga namin? Pagkatapos ng mga blood extraction at xray ay wala namang doktor o kahit nurse na nagsasabi ng result ng lahat ng iyon sa mga patients. Kapag tinatong mo ang isasagot lang nila "Titignan ko po kay doc.." or "I-che-ckeck po natin.." at hindi ka na nila babalikan dahil ibang nurse at doktor na naman ang dadating sa susunod na shift.

Maganda nga pala ang sampayan namin dito sa room na ito. Ang mga kasama ko ang kumuha nito sa dati nilang room at dinala dito. Mayroon ding electric fan na nakatutok dito para mas madaling matuyo ang mga sinampay namin.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Procedure:

4:35am - Chest X-ray 


Journal ng COVID SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon