ANO BA ANG CRUSH AT LOVE?

95 3 0
                                    

May crush ka ba?

Siguradong oo. Meron ba namang tao na walang crush? Ano ka, alien? Kahit na sabihin mong study first o hindi mo priority ang ganyang bagay, siguradong hindi mo mapipigilan na magkaroon ng crush.

Crush ka ba ng crush mo?

Siguro yung iba ay oo. Pero sigurado akong karamihan ay hindi. Sa dami ba namang sawi dito sa Pinas, mapapasanaol ka na lang talaga sa mga kina-crush back.

Eh bakit ba kasi hindi ka crush ng crush mo? Iyan ang susubukan kong sagutin ngayon sa pamamagitan ng librong ito. Karamihan ng mga isusulat ko dito ay pawang pananaw ko lamang ngunit gagamit din ako ng ibang referrence syempre. Ano akala niyo sakin, si Einstein?

Siguro marami sa inyo ang nalilito ngayon sa nararamdaman niyo? Crush niyo lang ba ang isang tao? O mahal niyo na? Hinahangaan mo lang ba siya o mas malalim pa doon ang nararamdaman mo? Mahirap bang sagutin? Kung nahihirapan kayong sagutin ang mga tanong na iyan, hayaan niyong tulungan ko kayo.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng crush sa love?

Ayon sa Urban Dictionary (of course nagsearch ako), crush means a person who gives you butterflies and makes your heart beat faster. A person that you can’t describe in a word, but multiple words. A person you can’t get off your mind.

Gets nyo ba? O hindi ahahahahah! Pero ayon sa pagkakaintindi ko, kapag crush mo ang isang tao, lagi mo siyang naaalala. Yung kapag nakikita mo siya, bumibilis ang tibok ng puso mo. Para kang kinakabahan na hindi mo alam. Basta ganun, mahirap ipaliwanag pero maiintindihan niyo rin sa oras na maramdaman niyo. Yung tipong hahangaan mo ang isang tao dahil may maganda siyang katangian. Paghanga sa madaling salita.

Ano naman ang love?

Ayong ulit sa Urban Dictionary,

Love is something you give someone to

love is caring for that person or animal or anything no matter what

Love is putting someone else needs before your own

Love is doing anything for them no matter what

Love is the best thing it the entire world

Love is stronger than anything one this planet

Love is what makes us who we are

Love makes us who we want to become

Love makes me want to become a better person

Love wants me to become a better person.

Oh? Na-gets nyo ba ulit? Kung hindi, pareho tayo. Hahahaha joke lang.

Sabi sa definition ng love, ito daw ay ang pinakamakapangyarihang emosyon.

Bakit?

Kasi para sakin, my purpose for living is to love and and to be loved. Hindi tayo mabubuhay kung walang pag-ibig. We cannot survive kung wala tayong pagmamahal. If there is no love, puro alitan nalang ang mangyayari. Puro away, gulo, giyera, ganun.

Kaya mahalaga ang pag-ibig. Hindi lang ito basta pagtingin. Mas malalim pa ito kumpara sa paghanga. Yung tipong kaya mong gawing posible ang imposible para lang sa taong mahal mo. Hindi makasarili. Marunong alalahanin ang ibang tao. Ganun ang pag-ibig.

Madali namang initindihin ang pagkakaiba ng crush at love.

Ang crush ay paghanga. Humahanga ka dahil maganda/gwapo siya, matalino, matangkad, mabait, maputi, morena, magaling kumanta o kaya naman ay sumayaw,  o kung ano man ang hinahangaan mo sa kanya. Pero mas malalim pa sa paghanga ang love. Yung tipong kahit ano pa ang katangian niya ay nakahanda kang mahalin siya. Yung tipong wala kang pakialam kung maganda ba siya o hindi kagandahan, payat man siya o mataba, maitim man o maputi, handa kang tanggapin siya kahit ano pa siya dahil mahal mo siya.

Hindi mo pwedeng sabihin na mahal mo siya kasi ganito siya, mahal mo siya kasi ganiyan siya, mahal mo siya kasi magaling siya sa ganito, mahal mo siya ang matalino siya sa ganiyan.

Kasi paano kung mawala yung mga katangian niya na yun, so ibig sabihin hindi mo na siya mahal, ganun ba? Kung mahal mo siya dahil meron kang katangian na nagustuhan sa kanya, puwes hindi pagmamahal ang tawag dun. Paghanga lang yun okay?

Ngayon alam niyo na kung ano ang pinagkaiba ng crush sa love. Bumalik na tayo sa tunay na tanong. BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?

Kung gusto mong malaman ang sagot basahin mo next part, okay?

BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon