chapter 1

2 0 0
                                    

Hanna's pov




"Hoy babae! Gumising kana jan! Anong tingin mo sa sarili mo?! Prinses! Bangon at mag saing kana!" Wala pang ilang minuto bumangom nako sa hinihigaan ko. Araw araw ganto na lang parati ang naririnig ko kay mama kapag ginigising niya ako para gumawa ng agahan namin. Este nila pala..




Bonso ako saming mag kakapatid may tatlo akong kuya at isang ate na hindi ko malaman kung ate ba o kuya ren sya. Hindi kase halata sa kanya ang pagiging babae dahil sa pananamit nya.




Saming lima ako ang TAGA rito.. TAGA means.




TAGA pag laba
TAGA pag himpil ng mga pinag kainan
TAGA luto
TAGA pag bayad ng bills
TAGA pag walis at kung ano ano pang TAGA.




Para ngang ako lang ang anak ni mama dahil ako lahat ang gumagawa ng gawaing bahay. Ang totoo nyan eh may kasam-bahay kami rito pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit parang ako ang kasam-bahay rito. Dahil kahit kasambahay eh inuutusan ako!




Minsan nga napapaisip na lang ako siguro hindi ako anak ni mama kaya ganun na lamang ang trato niya sakin. Kahit ang mabilhan ng bagong gamit ay hindi niya magawa. Ang mga ginagamit ko nga sa school eh mga SECOND HAND.




SECOND HAND na bag
SECOND HAND na note books
SECOND HAND na uniform at sapatos.



Lahat ng bagay na ginagamit ko ay puro second hand na kung minsan wala pakong magagamit na note books pag hindi nag titipid  ng page sila kuya.



"Ah sorry ma nakalimutan kong mag alarm"
Ani ko at bumangon na para mag saing




Humihikab pa akong pumunta sa kusina para mag saing medjo inaantok pa kase ako dahil nag review ako kagabi. Ngayon kase ang exam namin for this first quarter kelangan kong mag review para manatili ako sa first honor dahil if ever na matanggal ako sa pagiging honor hindi nako makaka kuha ng scholarship sa campus na pinapasukan ko. Kelangan ko ang scholarship dahil hindi namn ako pinag aaral ni mama sila kuya at ate lang ang pinag aaral nya. Minsan nga iniisip ko na siguro hindi ako anak ni mama kaya hindi nya magawang bilhan ako ng kung  ano mang bagay



Habang nag sasaing ako eh naligo nako medjo matagal tagal rin naman ang pag sasaing kaya maliligo na muna ako habang hindi pa gising sila kuya. Mahirap na baka ako pa ang mahuling maligo samin baka ma late pako pag nangyari yun.



Matapos kong maligo kunuha ko muna yung ulam kagabi at syang pinainit. Pag ka painit ko ng ulam hinango kona ang sinaing ko at syaka bumalik sa kwarto para mag bihis.



Pag kabighis ko isa isa ng nag silabasan ng kani kanilang kwarto ang mga kapatid ko yung isa deresyo sa banyo ang isa namn dumeretsyo sa lababo para mag hilamos samantalang si ate deretsyo namn sa lamesa para kumain.




Naka ayos nako para sa pag pasok ko tapos ko nanaman gawin ang trabaho ko rito kaya papasok nako di nako nag umagahan dahil hindi naman ako naka gahing sa pag kain nila dahil kelangan ko pang mag bigay ng pera kay mama para sa kakainin ko sa buong bwan. Oh diba kulang na lang ako na ang mag buhay sa sarili ko dito sa bahay na to. Kung mau matutuluyan lang akong bahay eh umalis nako kaso wala dahil wala naman akong mapupuntahan



Paalis na sana ako ng bahay ng pigilan ako ni mama hayst ako nanaman bang ipapagawa nya? "Eto oh" may inabot saking pera si mama  may 2k ang halaga nung binigay sakin ni mamang pera wow baon ko bato? Pero teka 2k baon? Eh sila kuya nga 100 lang ang baon tas ako 2k? Ni hindi nga ako ma bigyan ng baon ni mama eh!



"Para san to ma? Baon ko ba to?" Bigla na lang tinampal ni mama ang noo ko gamit ang piraso ng papel.



" Anong baon ang pinag sasabi mo jan ha babylina? At kelan pako nag bigay ng ibabaon ko? Pang bayad yan sa koryente at tubig bayaran mo na dahil baka maputulan tayo ng tubig at koryente. Kulang payan ng isang libo ikaw na ang mag dagdag tutal gumagamit ka rin naman ng tubig at koryente."napa tulala na lang ako kay mama



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be Mine Or I'll be your'sWhere stories live. Discover now