[Kabanata 2]A week have passed and as far as I know okay lang naman ang lahat. Mediyo maingay na at magulo na ang klase since ang mga kaklase ko'y nagkakakilanlan na at nagbobonding na kaming lahat. Pero si Lia, Anne, and Mae pa rin naman ang lagi kong ka-close and siguro okay naman na ako kahit sila lang ang mga kaibigan ko. Araw ng sabado ngayon kaya nandito lang ako sa kama.
Napaisip isip ako and narealize ko na all of our teacher's are great except for maam Scarlet. I don't know why, but I'm a bit annoyed. Sobrang strikto niya sa'min and mukhang walang ni isang estudyante ang nakikipagusap at gusto siya. I understand naman kasi baka yun yung way ng pagtuturo niya and pagdidisiplina niya sa mga bata and never ko namang siyang masisisi kasi baka nagiingat lang si maam na baka abusuhin yung pagiging mabait niyang guro pero aaminin ko na... She's bitter though. She's even looking at me everytime na papasok siya sa pinto and maglelesson siya.
"Celestina!!" Sigaw ni mama sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Ano na naman iyon mother Earth?
"Bakit po?" Tanong ko naman, napatayo naman ako at lumapit sa tapat ng pinto. What's it ba moma??
"Tumayo ka na riyan at pupunta tayo ng palengke" sabi naman niya habang kinakatok katok ang pintuan ko.
Napa- crossed arm naman ako saka binuksan ang pintong kanina pa kinakatok katok ni mama. Pagbukas na pagbukas ko naman ng pinto ay sumalubong si mama sa'kin na nakapamewang pa.
Nakatali siya ng bun and naka apron and damit pang palengke siya.
I totally forgot! Tuwing weekends nga pala ay tumutulong ako magtinda sa palengke para naman mapabilis yung pagtitinda nila papa. Well, masipag ako."Maghanda ka na aalis na tayo" patuloy pa ni mama saka bumaba na ng hagdan. Lagi silang masigla ni papa tuwing kasama nila ako magtinda, yun na lang din kasi ang paraan upang mag bonding kami ng sama sama at minsan naman ay kumakain lang kami sa labas pag sapit na ng hapon.
Inihagis ko naman ang phone ko at dali daling binuksan ang drawer... I need to change clothes noh.
Agad naman akong pumunta ng banyo upang maligo at pagkatapos na pagkatapos ay nagbihis na ako. I'm wearing a plain white tshirt with matching black short. Agad agad naman akong nag blower para mabilis na matuyo ang aking mga buhok.
Hindi naman mahaba ang buhok ko kasi ayaw ni mama non, mas bagay daw sakin ang hanggang balikat lang dahil mas mukha akong bagets tignan... Ayaw pa talaga nila akong maging dalaga.
Hindi na ako masiyadong nagayos dahil sa palengke lang naman kami and all I have to do is magtanggal ng kaliskis ng isda and minsan naman ako mismo yung nagtitinda. Komportable naman ako kasi tinuruan ako ni papa since gr.4 ako kaya marunong na ako ng iba't ibang gawain sa pagtitinda. Masipag atang bata 'to.
Meron nga ring karinderya si mama malapit sa palengke kaya minsan do'n naman ako nakikitambay at kumakain dati nung elementary ako pagkatapos ng klase. Kaso nung nag-highschool na ako mediyo tumigil na siya dahil kailangan niya akong tutukan, kailangan niyang tutukan ang pag-aaral at pangangailangan ko. Dumadagsa ang mga estudyante sa karinderya ni mama dahil bukod sa malinis at presentable ang kainan namin do'n, sadiyang sobrang sarap magluto talaga ni mama ng mga kakaibang putahe.
Malakas naman ang benta ng mga tinitinda namin at isa kami sa well known seller ng isda dun sa palengke kaya alam na rin ng mga tindera ang pangalan ko, mabait and friendly din kasi si papa sa kapwa niya tindero saka tindera ro'n at naiintertain niya talaga ang mga costumer.
Sobrang jolly kasi ni papa at laging nagpapatawa kaya aasahan mo talaga na sobrang dami niyang suki at marami na siyang customer na pabalik balik upang bumili ng mga sariwang isda at iba pang lamang dagat. Marami na ring naipundar sila papa and mama and isa na do'n yung bahay and kotse namin.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Mystère / ThrillerFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...