"Wess Zachary de Silva, anong kailangan nating pag-usapan? Marami akong gagawin. May meeting pa ako for lunch. Hindi ba natin ito pwedeng pag-usapan over the phone?"
Syempre pa-hard to get muna ako. Naiinis pa rin ako eh. Pero tuloy na tuloy ang plano kong bawiin si Wess.
"Let's have dinner."
"No, hindi ako pwede ng dinner. Susunduin ako ni Rhed mamaya."
"Hindi ka pwede ng lunch, hindi ka pwede ng dinner. Kaylan ka pwede? Lahat na lang ng oras mo ibinigay mo na kay Rhed."
"Woah. Wess, ok ka lang ba? Ako talaga ang pinagsasabihan mo nyan ha. Ikaw nga itong lahat ng oras eh na kay Mikaella. Pati sa birthday ng kapatid mo, hindi ka sumipot. Pati ako pinaghintay mo. Pwede ba, don't act like gusto mo akong makasama, kasi pareho nating alam na hindi."
"Look Ianne, girlfriend ko si Mikaella kaya normal lang na gusto ko syang makasama. Pero sigi tama ka, mali yung ginawa ko kahapon. Yung pinaghintay kita ng tatlong oras, pati na rin yung hindi ko pagsipot sa birthday ni Daien.
Pero, ikaw sa lahat ng tao ang alam kong makakaintindi sa akin kung bakit ko nagawa iyon. Ianne, for the first time, for the very first time, nagmakaawa sa akin si Mika. Lumuhod siya sa harapan ko para mapatawad ko siya.
Alam mo bang iyon ang pinakamasayang araw ko? Ipinakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal, ipinakita niya na hindi niya rin kayang mawala ako."
Grabe ang galing talagang umarte ng asong iyon. Worth it naman pala na malaki ang bayad sa kanya. Akalain mo yun? Nakaya niyang umiyak ng wala naman siyang iniiyakan?
"Naiintindihan ko naman iyon Wess. Naiintindihan naman kita. Ang sa akin lang, ganun na ba ako kawalang kwenta para sa iyo? Kinalimutan mo ako. Ang tagal tagal kong naghintay. Sana naman nung nag-so-sorry si Mikaella e narealize mo na may kawawang bestfriend kang umaasa na susunod ka.
Kahit man lang naman kasi konting txt lang. Kahit na 'di ako susunod' na text lang para naman hindi sana ako naghintay. Lagi na lang akong naghihintay. Lagi mo na lang akong pinaghihintay. Ang galing mo rin eh no?"
"Ianne, let me make things right. I'm sorry. Alam ko nangako na ako noon. That I will never say sorry again. Pero hindi ko kasi alam kung paano ko ipapakita sayo na nagsisisi na ako. I'm so sorry Ianne. Relly sorry."
Nagulat ako nanag lumuhod siya. Ganito rin ang nangyari 11 years ago. Lumuhod sya sa harap ko. Yun yung panahon na nakita kong ikinakasal ako kay Wess. Yung panahon na narealize kong mahal ko nga sya at hindi lang crush.
Ngayon, after 11 years, andito nanaman sya sa harap ko. Nakaluhod, nagmamaka-awa na patawarin ko sya. Anong gagawin ko? Syempre susugal ulit ako. Maybe this time. Tsaka plano ko pa syang bawiin diba?
"Wess, tumayo ka na jan. Nakakahiya, pinagtitinginan tayo ng mga tao. Sigi na pinapatawad na kita. Basta please lang ito na sana ang huli."
"Promise Ianne, ito na ang huli. One last chance. One last chance."
I hold his hand and hugged him. One last chance Wess. Dahil sa susunod ako naman ang hihingi ng tawad. Kasi kukunin kita kay Mikaella.
At ikaw naman hinsi ka na mag-so-sorry kasi magpapasalamat ka na at mag-a-I love you sa akin.
Nagulat ulit ako nang biglang nagpalakpakan ang mga tao. Anong meron? Araw ng pang-gugulat?
"Congratulations po sir Wess, mam Ianne."
That was Leo, isa sa mga workers namin. Manliligaw yan ni Lerine eh. Nakita ko si Lerine na kakatayo sa gilid. My ever loyal bestfriend is smiling from ear to ear. Sigi pa asarin niyo pa ako.
BINABASA MO ANG
Next to you
Ficção Geral"Damn you Ianne. You b*itch. You f*cking, gold-digging whore!" Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sigaw ni Wess "Tama sila, I should've never trusted you. Hindi dapat kita kinaibigan. Ikaw pa Ianne, ikaw pa na...