Before You Go

4 1 0
                                    

Ulan.

Life is a war and Each of us is the soldier.
A fighter and never a quitter.
A survivor.
Life will never be easy as we wish and hope.
But it's up to us,to keep on fighting to keep on moving on,to keep on holding on.

Minsan darating ang mga bagay na kailan man di natin inaasahan,
Minsan darating ang puntong iisipin nalang nating sumuko dahil tayo ay sobra ng nasasaktan

Minsan iisipin nating sumuko nalang sa laban
At hamon ng buhay,minsan papatak nalang bigla ang mga luhang pilit na pinipigilan
Minsan madudurog nalang ang puso nang biglaan

Saksi ang ulan,ang araw at ang buwan
Sa aking paghihirap na nararanasan
Pero kailan man di ko ginustong mamatay na lamang
Patuloy akong lalaban,patuloy akong maghahangad ng kalayaan.

Ang minsan ay mapapalitan.
Ang mga kamay na naka-gapos
Balang araw makakawala at matatapos,
Aaminin kung napapagod na din ako
Minsan gusto ko nang sabihing tama na,ayoko na
Pero bakit hanggang ngayo'y ako'y humihinga?
Simple lang dahil balang araw, hindi pa man ngayon,bukas o sa makalawa pero isang araw.

Ang paghihirap ay matatapos
Ang mga kamay na nakagapos
Ay tuluyan ng mayayakap ang malamyos
Na kalayaan,kalayaan mula sa sakit at hapdi,pagdurusa patungo sa walang hanggang ligaya.







PLAGIARISM IS A CRIME
JUST A REMINDER HEHE

Before You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon