Naputol na Ligaya - 17. TUYONG DAMDAMIN Liwee Bonete (Tula)

260 5 3
                                    

Ano ba ang batayan ng isang tao kung magmamahal siya? Kailangan ba ibibigay lahat sa taong mahal mo ang lahat ng gusto niya? Kailangan ba palagi mo siyang pinapaligaya? Kailangan ba araw-araw may sorpresa ka sa kanya? Pero ano naman ang magiging batayan mo kung hindi mo na mahal ang isang tao?

Masakit isipin na pinili mo pa ring manatili sa kanya kung alam mo namang hindi na pagmamahal ang ipinapakita niya sa’yo. Masakit isipin na kahit alam mong mali ay pinapaniwala mo ang sarili na ito ay tama. Kahit hindi man niya sabihin sa’yo pero pinapakita naman niya ito kung paano ka niya saktan at maltratuhin. Masakit lang isipin na ang taong nagbibigay sa’yo ng sakit ay ang taong mahal mo – ang buhay mo.

Pinahid ko ang luha sa gilid ng aking mga mata nang mapansin ko ang pagpasok niya. Napapikit ako ng mata nang binuksan niya ang ilaw. Mula sa likuran ay naramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa balikat ko.

 

“Deth,” kay gandang pakinggan nang pagsambit niya sa pangalan ko. Pero alam ko na kung ano ang kailangan niya.

 

Hindi ako sumagot. Naramdaman ko na lang ang ginawa niyang pagtanggal ng kumot sa aking katawan. Kasunod noon ay ang pagdampi ng labi niya sa aking balikat paitaas hanggang sa aking leeg. Marahan niya akong ipinaharap sa kanya. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko nang dahan-dahan niyang tinanggal ang suot ko sa katawan.

 

Kung  sa ganitong paraan magiging payapa ang pamumuhay namin ay pipiliin ko na lang na magpagamit sa kanya araw-araw. Kung sa ganitong paraan ko siya makitang maligaya ay oras-oras at minu-minuto ko siya pagbibigyan. Para lang malaman at maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal.

 

Sa pagdilat ng aking mga mata ay ang pagtama ng tingin namin. Dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha at marahan akong hinalikan sa labi habang ang kanyang mainit na palad ay nakadampi sa aking kanang pisngi. Naramdaman ko na lang ang pagkagat niya sa aking labi. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at gumanti ako sa bawat kagat na ginagawa niya. Napaligaya ko siya dahil ito ang sinasabi ng mga mata niya. Habol pa ang hininga namin ng itinigil namin ang ginagawa.

 

Napakagat ako ng labi at napasabunot sa kanyang buhok ng maramdaman kong ipinasok na niya. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at sa kanyang mga mata. Napasinghap ako at napahawak sa kanyang batok nang magsimula na siyang gumalaw, dahan-dahan hanggang sa bumilis na. Sinabayan ko ang paggalaw ng kanyang katawan hanggang sa pareho naming inabot ang langit.

 

Ininda ko ang sakit ng mga pasa sa aking buong katawan para lang mapaligaya siya. Kani-kanina lang ay kung paano niya ako bugbugin dahil sa kadahilanan na ayaw ko pang umuwi rito. Hindi niya ako pinakinggan at hindi siya naniwala sa naging paliwanag ko na miss na miss ko lang sina Tatay at Nanay kaya doon muna kami matutulog.

 

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis.  Hindi ito ang klase ng buhay na ipinangako niya noon sa akin. Ang sabi niya ay bubuo kami ng isang malaki at masayang pamilya, na hindi niya ako sasaktan at mamahalin niya ako habang buhay. Naniwala naman ako sa sinabi niya. Totoo nga pala talaga ang kasabihang, napapako ang pangako.

 

“Ma’am, kain muna kayo.” Napatingin ako sa dalang pagkain sa nag-iisa naming kasambahay.

Mababakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala ng makalapit siya. Sumandal ako sa uluhang bahagi ng kama upang tanggapin ang dala niya.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Royal Rumble Season Two: Round Three EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon