Kabanata 4

40 10 0
                                    

Compose Message

"Kris about nga pala sa essay?"

Kris:
"Ah I'll just edit it. Don't worry"

 Compose Message:

"Gusto mo tulungan na lang kita?"

Kris:
"No need, rest yourself and prepare for the exam"

Compose Message:

 "Sige... Ikaw rin. Haha TY"

Kris:
"Rest assured"


Nag-usap na kami ni Kris ukol sa essay na ginawa ko. Tinanong ko siya kung okay lang sa kanya at kung may suhestiyon siya kesyo balak ba n'yang palitan o i-improve pa.

Sabi niya ayos lang naman daw. Maganda at simple. Informative dagdag niya pa at hindi kulang sa detalye.

Tumunog notif sa cp ko. Muli kong binuksan ang cp ko na kakapatay ko pa lamang. Napansin ko na may isa akong mensahe mula sa iisang tao ulit.

*Message*
From Kris:
"Actually I forgot can we meet in Saturday Morning at my house?"

Compose Message:

 "Di ko alam kung san ka nakatira, Kris"

From Kris:
"Susunduin na lang kita... ewan ko bakit hindi mo alam eh lahat ng tao sa school knows where I live"

Compose Message:

"I'm not stalker haha"

Reply:
" 🤔😄"

Na parang hindi siya naniniwala. Makikita mo pa lamang sa mga emoji niya.

Hindi naman talaga! Assuming 'to!

Saturday

Maaga akong nagising, gagawa pa ako ng assignment ko tapos ahh! dami ko pang gagawin at maglilinis pa ako ng bahay. Lilinisin ko ang mga sulok-sulok, yung mga abubot kong koleksyon na binabagyo tuwing weekdays dahil kinakalat ko pero 'di ko agad nililigpit 'pag wala pang Sabado at Linggo

Kung nandito si mom, sure na tadtad ako ng pasa kapag nabisita niya ang palasyo ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay dumaan ako sa shortcut papuntang kusina.

Nagulat ako nang makita ko si yaya na naglilinis at naghuhugas ng plato.

"Nay, sabi ko po sa inyo day off niyo 'pag weekend. Magpahinga na po kayo." sabi ko sa yaya namin

Lahat kami magkakapatid nanay na tawag sa kanya. Normal lang talaga na tuwing weekend ay day-off ng mga katulong namin. Umuuwi kasi sila sa mga sari-sarili nilang pamilya lalo na si nanay na may mga apo pang inaasikaso.

"Umuwi na ho kayo dahil baka inaantay na kayo ng mga apo n'yo. Sabi mo walang bantay ang mga 'yun kapag Sabado't Linggo"

My Life Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon