Hanggang ngayon ay iniiwasan parin ako ni Lauro. Parang kaninang umaga, I prepared his breakfast and greeted him, but I didn't receive any response from him. Kahit na hindi ko siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko kay Sais ay mahalaga parin siya sa akin. He's the one who stood by my side when no one else did.
''Mamay, are you going to my PTA meeting?'' tanong ni Issa. Nilingon ko siya sandali, I am driving, which is why I need to focus more on the road. Kasama ko pa naman ang anak ko.
''Yes, anak. Kasama nga dapat si Papay mo pero may emergency siya sa Hospital kaya si Mamay nalang'' sagot ko sa kanya.
''Okay. Pupunta ba si Papa?'' tanong niya ulit. Hindi ako nakasagot kaagad dahil kahit ako ay hindi ko alam kung pupunta si Sais.
I texted him last night, na may PTA si Issa, pero wala akong nakuhang sagot. That made my heart ache again last night and until now.
''Nandito naman si Mamay, anak and, your Papa must be busy with his company'' paliwanag ko sa kanya.
Naging secretary ako ni Sais, kaya alam kong busy talaga ito. Lalo na ngayong mas umuunlad na sa buong mundo ang Business niya. He's so good in the business industry, like his best friends are.
''Did you know, Mamay, that Papa took me to his company. His company is big, Mamay and it's so nice and cold. Ang yaman ni Papa, Mamay. Parang si Papay'' daldal pa ng anak ko.
''Yes, anak. They are'' I answered.
Pagdating ko sa school ni Issa ay parang nailang ako. Noong unang hatid ko kay Issa ay nailang din ako kasi palaging may nakatitig sa akin na para bang hindi ako tao.
Hawak-hawak ko ang kamay ni Issa habang papasok ng classroom niya.
''Meet my Mamay, teacher'' sabi niya pa sa Teacher niya na para bang nanghahambog.
''Anak...'' saway ko. Tumingin ako sa Teacher at ngumiti.
''Mrs. Gianna Asteriel po'' pakilala ko.
May katandaan na kasi ang Teacher ni Issa kaya siguro magaling sa mga bata kasi alam na kung paano mag handle ng bata.
''Nice to meet you, Mrs. Asteriel'' ani niya sa akin at tumingin kay Issa.
''Tama nga si Issa, Mrs. Maganda nga talaga ang Mama niya'' sabi pa ng Teacher. Mahina akong natawa at nakaramdam ng hiya. Madaldal kasi si Issa kaya baka madami siyang pinagkukuwento sa mga kaklase at Teacher niya.
Nagsimula na ang meeting kaya nakinig nalang ako ng mabuti. Ang meeting ay tungkol sa Tuition fee ng mga bata. Wala na naman problema si Issa dahil binayaran na ni Sais ang lahat.
''Mamay, I called Papa last night, and he said he would get me later'' sabi niya sa akin. Nagtaka naman ako.
Nagkausap sila ni Issa kagabi tapos hindi niya nasagot ang text ko sa kanya? It left a hole in my heart.
''T-Talaga ba anak?'' mahina kong tanong. Hindi ko maiwasan na malungkot.
May kinuha siya sa bag. Nilabas niya ang phone nita at binuksan ito. Ipinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya. Inilapit ko ang mukha ko sa screen at nakita ko ang conversation nila. Hindi ko napigilang mapangiti. They exchanged some Gif na may heart at kiss pa. Meron pang Good night.
''Messenger 'yan, anak?'' tanong ko. She nodded.
''Oo, Mamay. Ang mga member ay ikaw, ako at si Hazel'' sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko napansin. Hindi naman kasi ako masyadong into Social Media dahil ginagamit ko lang ito kapag may nagre-require for gowns and dresses.
Pagkatapos ng PTA meeting ay iniwan ko si Issa sa school niya. May klase pa kasi sila and I texted Sais to confirm and remind him. Magiging busy kasi ako dahil mang I-interview pa ako ng mga aplikante.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.