"Iha! Akala ko ba papasok ka nang maaga ngayon dahil may sasamahan ka ngayon" sigaw ni nanay mula sa kusina.
Ayy! Oo nga pala sina Irene. Ngunit mamaya pa naman siya magpapasama. Ayokong pumasok!
"Ah nay ah napansin ko lang na may nakalimutan pa akong gawin. Saglit lang mga 5 mins o 10 mins" palusot ko
"Ikaw ah nakikipagbiruan ka na naman. Eh palagi kang pumapasok nang maaga kahit may sakit ka ah."
"Nay, 'wag po tayong dramatic masyado pang maaga oh."
"Jusmiyo marimar kang bata ka! Lumabas ka na! Anong oras na oh? Hindi ba may cut-off ang gate niyo ngayong monday?"
Hirap makalusot sa taong alam lahat ng sched mo.
"Sa tingin ko po baka mamaya-maya pa ako makakapasok."
Bigla na lang binuksan ni nanay ang pintuan ng kwarto at naabutan akong nakaupo sa sahig na parang namomroblema kakamot ng ulo. Taka ko lang siyang tiningnan habang nag-aalala niya akong binabato ng tingin.
"Bakit? May nambubully ba sa iyo? Magsabi ka sa'kin ng totoo ng maresbakan natin ang mga iyon. Tumayo ka d'yan. Halika ka na!" sabi ni Nanay
Bigla niyang kinuha ang kamay ko at itinayo ako na labis ko namang ikinagulat.
"Ay naku nay! Hay! Napaka-dramatic niyo talaga! Sa akin may nambubully? Wala ho"
Bahagya niya akong binatukan ng mahina.
"Umayos ka ah! Maligo ka na! Susumbong kita sa mga kuya mo"
"Nay, may gagawin pa kasi ako"
"Eh bakit nakaupo ka lang sa sahig!"
"E nagre-recharge pa kasi ako"
"Nakarecharge ka na kasi nakatulog ka na"
"Alas-tres na po ako nakatulog"
"E nung Friday mo pa natapos ang mga assignment mo kaya pa'no ka nagpuyat aber?"
"E kasi-"
"E kasi? Ano na namang palusot mo? Kung alas tres ka na natulog, bakit may gagawin ka pa?"
"Nagising ako nang wala sa oras tapos hindi na ako makatulog."
Tumawa na lang si nanay kasi alam niyang hindi siya mananalo sa mga rason ko.
"Sige na nga! 10 minuto lang, lalamig na ang pagkain"
"Yiee! Thank you nay! Labyu"
Bigla ko siyang niyakap at hinalikan sa kaliwa niyang pisngi. Kung meron man akong naging blessings sa bahay na'to nang mawala si Dad, si nanay iyon.
"Asus batang toh!"
Pagkaalis niya ay hinanap ko agad 'yong malaking jacket ko. Nararamdaman ko kung anong mangyayari sa paaralan ngayon.
30 mins before classes nandito na ako sa school. Hindi ako pumunta sa lugar kung nasaan ang mga magkakaibigan. Didiretso ako sa garden.
Naglalakad ako sa hallway papuntang canteen. Maghahanda na ako para pumila. Itinext ko na rin si Irene na hindi ako makakatuloy.
Sa kaloob-looban ko ay kinakabahan ako sapagkat hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang diary ko. Kung sino man ang nakakuha n'un,tiyak na alam niya na lahat ng tungkol sa mga bagay na-Kairita!
Ang daming mga personal na usaping nakalagay don. Pa'no kung iyong issue ang mismong nakakuha ng diary ko?
Bigla na lang may humila sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Life Of Dreams
Teen FictionNoon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o a...