(weow! weow! weow!)
"Dad, mga parak!" wika ko.
"anak, halika na at tumakas na tayo!" wika ni Dad.
"Ako na po bahala dito dad, basta gamitin mo ang koneksyon mo para makalusot sa gusot na ito" wika ko.
"pero anak, nag-iisa kitang anak at di ako makakapayag na makulong ka!" wika ng aking ama.
Taranta na kami kasama ng ilang mga tauhan ng aking ama.
"mas di ako makakapayag na ikaw ang makulong at paniguradong pagpipiyestahan ka ng mga kalaban mo sa pulitiko" wika ko.
"mag-ingat ka at gagawin ko ang lahat para di ka makulong" wika ng aking ama.
Tumango ako at kabado sa maaaring mangyari sa akin.
"kayo! samahan nyo ang aking ama.," wika ko at tumingin sa isang kasama ko na si Vlad.
Si Vlad ang pinagkakatiwalaan ko at bilang kanang kamay ko ay siya lagi ang promoprotekta sa akin.
"boss, iwan mo na ako rito at ako na ang aako ng lahat" wika nya.
"Vlad, sasamahan kita at alam ko di tayo pababayaan ni Dad" wika ko.
Ako at ang aking ama ay may negosyong ilegal.
Kasama na rito ang pag-export/import ng mga de-kalidad na armas, at droga. May mga bar din kami na kung saan ay doon minsan nagaganap ang lihim na mga transaksyon.
Isang Gobernador ang aking ama ng aming lalawigan at malawak ang nasasakupan nito.
Gumagamit kami ng mga tao para di malaman ang mga negosyo namin dito sa aming nasasakupan.
May mga ilang nasa pwesto na hawak ng aking ama at ang ilan ay mailap at di masuhulan.
Di lang ito ang unang beses na mahuli kami ng kapulisan at kadalasan ay nauuwi sa negosasyon.
Isang pagkakataon at di naiwasan ng aking kapalaran ang bumago ng lahat.
Isang witness ang lumabas at idiniin ako bilang master mind ng shipment na naganap.
Kahit inako ni Vlad lahat ay napatawan pa rin kami ng pagkakabilanggo.
"Ikaw, Diether San Pedro ay napatunayang Guilty sa krimen... at sinisintensyahan ng pagkakabilanggo ng 5-10 na taong pagkakabilanggo... At ikaw, Vladimir Concio ay napatunayang guilty at ayon sa mga ebidensya at pinapatawan ka ng 10-15 na taong pagkakabilanggo..."
Napatingin ako sa aking ama at bakas ang pagkalungkot nito.
Lumapit ito sa akin at bumulong.
"aapila tayo anak, at wag ka mag-alala at gagamitin ko ang lahat ng koneksyon ko sa loob at para di ka mapahamak kasama ni Vlad" wika ni Dad.
Nangingilid na ang aking mga luha at malapit na itong pumatak.
Pagkahiwalay nya ay lumapit ito kay Vlad at may sinabi ito.
Napansin ko na lamang na tumango ito at yumakap na rin.
Anak na rin kasi ang turing ni Dad rito at siya ang taong pinagkakatiwalaan ng aking ama sa lahat ng bagay nun nagsisimula pa lamang si Dad sa pulitiko.
Nang nagsimula na kaming naglakad ni Vlad palabas ng hukuman ay tumabi ito sa akin.
"boss, ako ang bahala sa'yo kahit anong mangyari" wika nito.
Alam ko naman na di ako nya pababayaan at nasisiguro ko yon.
Napabuntong hininga na lamang ako at wala nang magagawa sa panibagong yugto ng aking buhay...
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
Behind Bars (bxb)☞ On Hold
RomanceDahil sa kapangyarihan ng aking pamilya sa lipunan ay nagagawa ko ang lahat ng naisin ko. Sa di inaasahang pagkakataon ay nabago ang kapalaran ko. Ako, bilang nag-iisang anak ng aming pamilya ay nagwaran ng pagkakabilanggo. Ito ang bumago sa aking k...