Hindi dapat malaman ng roommate ko na spy ako, Huminga ako ng malalim habang nakatayo sa harapan ng suite 021. Yep. Hindi ako normal na estudyante, hi-nire ako sa eskwelahang ito para sa isang misyon na hindi pa pwedeng sabihin- malalaman niyo nalang kung ano nga ba ito sa mga susunod na araw. Pero ngayon, kilalanin niyo muna ako.
*tok tok
Bukas naman pala. Kaya ko toh, fighting!
Pagkapasok ko eh may napansin kagad akong kakaiba. Anong amoy toh? Napaka-unfamiliar naman. Teka, ipapasok ko na tong mga dala ko na napakabigat. Konti lang naman ang dinala kong damit, tatlong pares lang ata. Palibhasa, lahat ng pinadala sakin, puro gadgets, baril, secret cameras and microphones. Ni lipstick wala. Bongga diba?
Dahan-dahan kong dinala ang maleta papunta sa bedroom, buti nalang may label yung bawat room, katabi lang namin yung CR! Yes! Hindi na kailangan lumakbay pa ng malayo! WHOA.
Pag bukas ko ng pinto...
"Waaaaahhhhhh!!!" Nabitawan ko yung maleta sa nakita ko. ARAY! Shemay, nabagsakan pa ako sa paa. "T-t-teka, s-sino ka?"
Bakit may nakahubad na lalaki dito? As in, HUBAD talaga.
"Anong sino ako. SINO KA?" Dali-dali siyang kumuha ng tuwalya. Napatakip din ako ng mata. Naramdaman kong lumalapit siya sakin. Shems!! Rape! Waaggg bataaa pa akooo! "WAG KANG LUMAPIT SA AKIN!"
Pagmulat ko eh nakasira na yung pinto.
"Hindi kita rerape-in. Wag kang mag-alala, may taste pa naman ako." Narinig ko nalang siyang nagsalita sa kailang kwarto. Binuksan niya ng kaunti yung pinyo at nag-smirk sa akin. WTH! What the! Srsly!?
BAKIT MAY LALAKI SA KWARTO KO?? HINDI KAYA... Hindi ko naman siguro siya roommate noh!?
*cross-fingers
Umpisa palang, may pahamak na. Shemay talaga oh.
---
#SPYnallyINLove
---
(c) If you still want to live, don't copy it. Lol. Pwera biro.
Try ko lang ng Action, Romance and Comedy themed story. Wala namang mawawala. Vote, fan and comment please. Pengeng mga pangalan. Please...