Chapter 5 - Plus one

369 9 4
                                    

Ang init.

Ang haba ng pila. Ang daming tao.

How I wish na pila ng tickets para sa concert ang dini-describe ko. Or basketball game. Puro ako reklamo pero kasalanan ko naman. Late kasi ako nagising at enrollment pa today. After a few weeks, back to school na ulit.

Umuwi na nga kayo, people.

“Sa simangot mong ‘yan, parang walang kilig moment na nangyari sa’yo nung weekend” sabi ni Bianca habang nagpapaypay. Andito kami sa cashier at nakapila. Pang 1245,000 ata kami. Siyempre, exaggeration yun. Pero nasa 5th row kami mula sa cashier’s window at huling-huli sa pila.

“Alam mo namang sinisira ng mainit na panahon yung mood ko”

“Pero alalahanin mong nag-date kayo ni PJ Simon”

“Ssshh! Marinig ka ng mga tao”

“Sa tingin mo may maniniwala sa akin?”
“Ouch,” sabi ko sabay tawa.

“Pumayag pala parents mo na mag-Baguio ka?”
“Oo. Nagmakaawa ako eh. And, I really want to be a part of this team.”
“Sandali, sandali. Tumingin ka nga sa akin Cassandra”
Tumingin naman ako sa kaniya.


“Sigurado ka bang gusto mo mag-volunteer o lovelife hanap mo?”


“Hoy, anong lovelife?”

Napatingin kami sa nagsalita. Si Andrew. Ang kaibigan kong lalaki. Siya talaga ang pinaka-close ko. Mas close pa kaysa kina Joshua at Ian. Kilala na niya ko nung high school pa lang. He was there when my heart broke because Jay.  He constantly warned me about the stupid guy. Pero, pag “in love” ka nga kasi, well, sense be damned.

“Mr. Villanueva, chismoso ka talaga eh no?” sagot naman ni Bianca.

“Hindi ako chismoso, Bianca. Ang lakas kaya ng boses niyo.” sagot naman niya at sabay upo sa tabi ko. Buti at nasa gitna ako para maging referee nitong dalawang ‘to.

“Oh, Andrew, tapos ka na mag-enroll?” tanong ko.

“Yup” sagot niya at sabay abot ng resibo mula sa cashier.
“Ba’t di ka nag-aya na mag-enroll!” sabi ko naman sabay bato sa kaniya nung papel.
“Cass, alam ko naman kasing ayaw mong naka-block section ni Bianca. Kaya di na kita tinext.”
“Oo, pero sana nag text ka. Or tawag. Parang alarm sana kita.”
“Wow, alalay mo ko?”
“Best friend. Parehas lang ‘yun diba?” sagot ko n pang-asar.
“Aba. Pag may kailangan, best friend mo ko?”
“Hindi ah. At all times, best friend kita” sabi ko naman para pambawi.
“Best friend mo ko? Ikuwento mo yung pinag-uusapan niyo ni Bianca kanina”
“Girl talk yun” singit naman ni Bianca.

“”Best friend?” nakatingin naman sa akin si Andrew. Hindi papatinag ‘tong lalaking ito kaya kinuwento ko na.

-----------------------------------------------------------------------------------------

“What?!?” yun lang ang nasabi niya pagkatapos ko mag-kwento.
“Sshh. Anong what?”

“Una, what? Na-meet mo si idol?! Pangalawa, what?! sasama ka dun eh hindi mo kilala yung mga yun?”
“Andrew, mga volunteers yung pinag-uusapan natin ha. Mababait yun.”
“Still, hindi mo pa rin sila 100% kilala. Kahit si idol.”
“Alam ko ‘yun.”
“Eh kung sumama ako sa’yo?”
“ANO!?” gulat ko at ni Bianca.
“Andrew, ako nga hindi sasama eh” sabi nmaan ni B.

“Kasalanan ko bang hindi ka concerned sa kaibigan mo?” sagot ni Drew.
“What!? Anong pinagsasabi mong---” sagot naman ni B pero sumagot na ko bago pa mag-away nang tuluyan ‘tong dalawang ‘to.
“Guys, walang sasama. Okay? Si Bianca may activities this weekend with her family. Hindi dahil hindi siya concerned, Andrew. At ikaw naman, hindi ka sasama.”
“Gusto ko ding mag-volunteer” sagot ni Andrew habang nagpa-puppy dog eyes.
“Gust mo lang ma-meet ang idol mo”
“So?”
“So, hindi ka sincere sa pag-tulong at pagsama sa akin.”
“Trust me, sincere ako.” sagot niya while staring at me. Then he crosed his arms at humarap sa cashier. Parang tapos na ang argument para sa kaniya. This guy is determined. And stubborn as hell.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon