Ilang buwan na rin ang nakalipas nang malaman niya ang patungkol sa kasalan na magaganap sa susunod na buwan. Hindi niya gustong mag eskandalo dahil isa iyon sa pangarap ng taong minsan niya na ring pingarap na dalhin din sa altar.Sa loob ng isang buwan na nabalitaan niya ang kasal, wala siyang inaksayang oras para magdusa. Saktan ang sarili at piliing huwag tulungan ang sarili, mas gugustuhin pa niyang iiyak ang lahat hanggang sa mag dugo at mag sawa ang mga mata niya.
Maraming tao na ang nag tangkang tumulong sa kalagayan niya, miski pamilya ni Jasmin iniintindi siya. Pero dahil sa sakit na nararamdaman hindi niya maiwasan na maging matigas at iwasan yung mga taong dating kasama at katawanan niya.
Para sa isang taong nag mamahal ng sobra at ang sukli ay pananakit lang? Mahirap takasan lahat ng iyon lalo na't alam naman niya sa sarili niya na naibigay niya lahat kay Jasmin yung pagmamahal na kailangan nito. Pero kulang pa rin, hindi pa rin siya pinili.
Sa loob ng limang taon na maagang nag sama sa iisang bahay, mahirap makalimot sa taong bigla nalang mag papakasal sa iba. Isipin mo ikaw yung nandiyan sa oras na kailangan ng suporta niya. Ikaw yung nag alaga, nag pasaya. Tapos magigising ka nalang kinabukasan hawak na siya ng iba.
Sa kalagayan ngayon ni Kiko hindi niya maletrahan kung anong sakit ba yung binigay ni Jasmin sa kaniya.
"Saan ka nanaman pupunta kuya?" Ingat na ingat na hinawakan ng kapatid niya yung polo nito sa ibaba at pilit siyang pinapaharap.
"Bakit ba? Pupunta lang ako kay Jasmin!" Agad na iwinasiwas ni Kiko yung kamay ng kapatid dahilan para tumama ito sa kanto ng upuan, pero hindi ito ininda ng kapatid niya.
"Kuya naman lasing kana. Isa pa sa susunod na buwan na yung---"
"Alam ko Kheyan! Hindi niyo kailangan paulit ulitin sa tenga ko yung magandang balita na 'yon!" Barumbadong pinunasan ni Kiko yung bibig niya na may bakas pa ng alak.
"Hindi ka naman ganiyan kuya e, hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang?" Mahinhin na aniya ng kapatid niya na siyang ikinatawa niya ng mahina.
"Edi maganda kung nagbago na si Kuya. Isa pa hindi mo ako pwede utusan na basta ko nalang tatanggapin ang lahat." Balak pa sanang mag salita ni Kheyan pero umalis na agad si Kiko.
Hindi pa man din nakakalabas ng bahay si Kiko ay agad na siyang hinarang ng Nanay niya.
"Anak naman ayan ka nanaman e, pupuntahan mo nanaman siya," malungkot na may awang asik ng isang Ina mula sa kaniyang Anak na nag hihirap sa pagkabigo.
"Sisilipin ko lang nay."
"Iyan nalang parati ang dahilan mo."
"Yun lang naman yung alam kong dahilan para makita siya kahit sandali lang," nawala na yung alak sa katawan niya pakiramdam niya anytime mag be-breakdown nanaman siya. At hahagulgol na parang batang iniwan sa daanan.
"Hindi pa ba sapat sayo yung masaya siya sa kung anong meron siya?"
"Nay... a-ang h-hirap ho kaseng basta nalang t-tanggapin. Paano ako m-magiging sapat sa nakikita ko sa kaniya, kung alam kong h-hindi ako naging s-sapat sa kaniya."
Lumandas na ang luha na kanina ay pigil na pigil ni Kiko, gusto man niyang ipakita kahit sa nanay niya na malakas siya. Na kaya niyang harapin lahat ng iyon, pero sobra na halos hindi na kaya ng puso niyang sakupin lahat.
Ilang minuto ang lumipas na puro hikbi at iyak lang ni Kiko ang namayani sa bahay nila, agad ring inilandas ng nanay niya yung palad sa balikat niya.
"Sige na anak punatahan mo na. Hihintayin nalang kita dito."

BINABASA MO ANG
Compilation of one shots story
Short StoryTo make a short stories is hard, that's why I considered these as my hard work! I hope y'all love this. Start: August 28, 2019 Walang ending!