The Youngest Heiress

9 2 4
                                    

Nakatitig ako sa labas ng bintana ng SUV. Maraming mga tao ngayon sa plaza ng San Lorenzo na nanonood ng boxing. Halatang mainit ang labanan dahil sa malalakas na hiyawan ng mga ito.

"Miss. Carol, dito na po muna kayo. Pupuntahan ko lang po si Sir. Louie."

Ugh. Bakit ba kasi siya nandiyan sa plaza? Dapat isa siya sa mga kukuha sa akin sa airport. Ngayon kailangan ko pang magpa-iwan dito sa sasakyan. I don't like small and tight places like this.

"Sasama po ako." I said.

"Pero Miss, mainit po."

Napatingin ulit ako sa nakatayong boxing ring sa gitna ng basketball court. Maraming tao ang nakapaligid dito at humihiyaw pa sa laban.

"I'll go, Kuya." I said with finality, our driver hesitated but when I raised an eyebrow at him agad naman itong bumaba, umikot muna ito sa likod ng sasakyan upang kunin ang payong at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako at naglakad papasok sa plaza, nakasunod sa akin ang aming driver na pinapayongan ako.

Hindi na bago sa akin ang pagtinginan sa tuwing umuuwi ako. I am not an actress or model or anything related sa showbiz or politics. I am a granddaughter of one of the wealthiest family in this town and we are known here.

I pursed my lips when I saw the curious stares of the people around. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Ouch!" Napatingin sa akin ang lalaking nakabangga ko dalawa silang iritadong tumingin sa akin pero agad naman itong namutla.

"A..ah.. Pasensya na. Sori, sori" Hinging paumanhin nito. Hinawi ko ang aking buhok at patuloy na naglakad. My eyes, wandering around hinahap si Tito Louie nang makita ko ito malapit sa boxing ring.

Aliw na aliw itong kausap ang isang matangkad na lalaki nang nakita niya ako. Kung ibang tauhan lang ito ni Lolo ay agad-agad itong lalapit sa akin pero hindi, he crossed his arms against his chest habang nakatingin sa akin.

"You're supposed to get me from the airport." Pambungad ko sa kaniya.

"Junard, bakit hindi mo sinabihan ang Señorita na maghintay?" My lips parted.

"He did. I insisted. And you're supposed to get me with him, iyon ang sinabi sa akin ni Lolo! But, where were you? oh!" I angrily stomped my feet bago tumalikod.

"We're leaving this instant, Tito!"

Tumingin ulit ako sa kaniya nang naramdaman kong hindi sya nakasunod sa amin.

He's still talking! I groaned bago ako bumalik. I cursed loudly when my heels suddenly got stucked in the cracks of the street. Pilit ko itong tinanggal kaya naman ay muntikan ako mawalan ng balanse.

"Shit!" I groaned at humawak sa pinakamalapit na tao sa akin.

"You're not supposed to wear high-heels here."

"Exactly Tito Louie! I cannot believe you made me walk here in my 5-inches boots! ugh!" I said trying to pull it out from the cracks.

"Let me help you." Out of my frustration and embarassment dahil marami nang tao ang nakatingin sa akin hinayaan ko syang hatakin ang boots ko.

But my eyes widened when I saw the man, it was not Tito Louie.

"I uh.."

May sasabihin pa sana ako but my words were cut short nang muntikan akong ma out balance when my heels got unstuck. I ran my finger on my lhair and sighed.

"Thank you." I said almost a whisper. Tinamaan na ako ng hiya! I'm sure this people already knew who I am and here, the youngest El Lorenzo is making a scene in the middle of the plaza!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Heart's SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon