Nakaupo ako dito sa may harap ng study table ko at kaharap na Naman ang aking dalawang kaibigan, ang diary at ang aking pansulat. Tanging Ang aking diary lamang ang aking napagkukuwentuhan ng nangyayari sa buhay ko. May mga kaibigan ako pero nanjan lang sila kapag may kailangan ni Hindi nila ako makamusta. Ikinukwento ko ngayon ang nangyari sa buong araw ko sa aking diary, ng mapatingin ako sa labas ng bintana dito sa kwarto ko. Nakita kong dumaan Ang matagal ko ng crush na si Bryle napangiti ako dahil buo na Naman ang araw ko, ngunit nawala Rin agad ang ngiti sa mga labi ko ng Makita ko na lumapit sya sa babaeng Hindi pamilyar saakin at niyakap nya ito saka sila naghawak ng kamay. Sinundan ko sila ng tingin at pumasok sila sa bahay nila, magkaharap Lang Ang bahay namin. Napasimangot ako sa nasaksihan ko at hiniling na sana ako na lang Yung babaeng niyakap nya. Nakatungo Ang ulo ko na naglakad ako papunta sa harap ng salamin at tinitigan Ang sarili. Ito Ang dahilan Kung bakit hindi ako makaamin sa kanya at Alam kong Hindi nya ako magugustuhan dahil, Hindi ako maganda at kayumanggi Ang balat ko, at isama mo na Rin ang maputla Kong labi at oily'ng mukha. Hindi ako marunong mag-ayos ng sarili, at lalaki kong manamit. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng marinig kong bumukas yun----si Tanya pala Yun yung bunso Kong kapatid. "Ate kakain na daw" tumango na Lang ako at hinintay syang umalis. Napaharap ulit ako sa salamin at napabuntong-hininga at lumabas na ako ng kwarto. Ako nga pala si Faye na pangit sa Mata ng ibang tao at sa Mata ko Rin. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko sa salas ang mga magulang ni Bryle, naging magkaibigan sila mama at Yung mama ni bryle simula nung lumipat sila dito sa tapat namin. "Oh sya, Mina uuwi na ako ang bunso ko ay may kasamang babae naku, Hindi ko talaga gusto Ang babaeng yun" sabi ni Tita Tricia mama ni Bryle. Napasimangot ako ng marinig ko ang word na BABAENG. Hays Sana maganda na Lang din ako. Nakasimangot akong pumunta sa kusina at umupo sa hapag. Nagsimula na akong kumain at napatingin ako kay mama na kakaupo lang sa tabi ko, "anak, ayos ka Lang ba?" Tanong ni mama. "Opo" Sabi ko at ngumiti saka pinagpatuloy Ang pagkain. Nanonood kami ngayon ng tv ng may magdoorbell sa labas, napatingin ako kina mama dahil naramdaman kong nakatingin sila sakin, "bakit?" Hindi sila nagsalita. Tinignan nila ako ng ikaw-magbukas-ng-gate-look. Nagets ko na Ang gusto nilang sabihin, napabuntong hininga na Lang ako at naglakad na palabas kase no choice na Rin ako. Nainis ako dahil sunod-sunod na tumutunog ang doorbell. "Ano ba Sabi nga't teka Lang!" Inis na sigaw ko habang naglalakad papalapit sa gate, Buti naman at tumigil na sa kakapindot. Binuksan ko na Ang gate na ikinabilis ng tibok ng puso ko. "Pinapabigay ni mommy" Sabi nya at ipinakita yung hawak nyang lagayan na sa tingin ko ay pagkain Ang laman. "S-salamat" nauutal kong sabi saka kinuha yung hawak nyang lagayan tatalikuran ko na sana sya ng magsalita sya ulit "S-sorry pala k-kung nainis ka d-dahil sa pagpindot ko ng s-sunod-sunod s-sa d-doorbell" paghingi nya ng tawad napakamot pa sya ng batok at parang nahihiya. Aish Ang cute nya. "H-ha o-okay Lang. S-sorry din, s-sige pasok n-na ako s-sa loob" nauutal ko na namang Sabi. Hindi ko na sya hinintay pang magsalita sinarado ko na agad Ang gate at napahigpit Ang hawak ko sa hawakan ng lock ng gate at pinigilan ang kilig na nadarama. Hindi ko talaga kayang harapin sya ng matagal nahihiya ako tapos Yung itsura ko pa nakakahiya. Hindi Kaya Alam to nila mama? Kaya ba ako yung pinapunta nila dito? Tsk.tsk. sila mama talaga. Alam ng buong pamilya ko na may gusto ako kay bryle. Pumasok na agad ako sa bahay at hinarap sila mama. "Alam nyo ba na si Bryle yung magbibigay nito?" Tukoy ko sa binigay na lagayan sakin na spaghetti pala Ang laman. Nagkibit balikat lang sila, hays. Pumunta na Lang ako sa kusina at kinain Ang bigay na spaghetti ni Bryle. Bakit ganun Hindi masarap? Kapag naman yung mama ni Bryle Yung magbibigay Ang sarap, Hindi Kaya sya Yung nagluto? Aish assuming ko Naman. Kinain ko pa rin Yung spaghetti kahit Hindi masarap dahil baka nga si Bryle Yung nagluto nyon, sayang Naman. Kinabukasan nagising ako ng tanghali dahil narin sa puyat nanood ako ng k-drama matutulog pa sana ulit ako nang maalala kong may bibilhin nga pala akong libro sa bookstore, kaya napabalikwas ako ng bangon.
Nandito na ako ngayon sa harap ng mall at pumasok na ako. Naglakad ako papunta sa bookstore. Simple Lang Ang suot ko plain black shirt at jeans at rubber shoes Lang ako, pinagtitinginan ako ng mga tao dahil siguro sa napapangitan sila sakin. Di ko na Lang sila pinansin at pumasok na Lang ako sa book store. Pumunta na agad ako Kung saan nakapwesto Ang mga librong bibilhin ko. habang nagtitingin ako ay may nadanggi akong lalaki Kaya napatingin ako sa kanya, kinabahan ako ng Makita kong si bryle pala Yun, napatungo ako at nagsorry sakanya at tinalikuran sya maglalakad na Sana ako palayo sa kanya ng pigilan nya ako. "Wait Lang" napaharap ako sa kanya ng sabihin nya Yun. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ko parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko na ikinakaba lalo ng puso ko, hinablot ko agad ang braso ko para matanggal Ang kamay nyang nakahawak sakin. "S-so---" di ko na pinatapos ang sasabihin nya ng magsalita ako "O-okay Lang. Sige a-alis n-na ako" sabi ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionMagkakagusto kaya sa tulad kong hindi ganon kaganda ang matagal ko ng crush