REYNAMasaya akong nakatanaw sa kalangitan habang iniisip ang mga nangyari sa nagdaang mga araw kahit na nawalan ako ng nag iisa kong anak ay may naging kapalit naman at nagpalaalala saking anak na si Katana.
Balikan Ang nakaraan.
Pagkatapos sabihin ng isang kawal na may panauhin sa palasyo ay nagmadali bumalik do'n, akala ko talaga si marikit pero pagdating ko isang rebolto ng isang binatang lalake ang nakita ko, pinagmasdan ko siya habang naaaliw sa paligid parang bago lang sa kanya Ang mga nakikita, Hindi nga ako nagkamali galing siya sa mundo ng mga tao.
"Nandito na ang Mahal na Reyna, magbigay galang ka." Sabi ng pinuno ng kawala, agad siya napatingin sakin at lumuhod bilang pag galang, pagtayo niya ngumiti siya sakin. Yang ngiti na iyan, may naalala ako.
"Ikaw po ba ang aking 'Indho' ?." Nagulat ako sa sinabi niya, tinawag niya akong Lola? Anong ibig sabihin nito?.
"Lapastangan! Anong karapatan mong--" sinuway ko ang pinunong kawal at nilapitan ang binatilyo.
"Sino ka? Bakit mo ako tinawag na Indho?" Malumanay ko Sabi sa kanya.
"Ako po si Marco, galing po ako sa mundo ng mga tao. Anak po ako ni Inay Katana." Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Si Katana may anak? Paano? Napailing ako.
"Hindi! Wala siyang anak ni wala kami nabalitaan na may asawa siya!." Giit ko.
"Dahil nilihim nila sa inyo at sa'kin, bago ko lang din nalaman na Isa ako sa inyo, pero may nangyari hindi inaasahan, pinatay nila marikit at Colas ang Inay ko!" Sa pangalawang pagkakataon nagulat na naman ako sa sinabi niya, hindi maaari!
"Hindi maaari yang sinasabi mo, mabubuti sila!"
"Yon din po ang akala ko no'ng Una, pero hindi! Pati po si Inay nagulat sa--"
"Tumigil ka lapastangan!! Wag mong bilugin mga ulo namin at wag mong gamitin ang anak ko para sa iyong hangarin!! Sino ka magpakilala ka!" Para akong mabibingi sa sigaw ng Mahal Kong Hari nasa likod ko na pala siya at nakikinig na rin. Napayuko siya at naririnig ko ang kanyang paghikbi.
"Paano ko ba kayo mapapaniwala na ako talaga si Marco anak ni Inay Katana!." Sigaw niya habang umiiyak. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang sakit ng kanyang nararamdaman ngayon. Lalapit na Sana ako sa kanya ng may kinuha siya sa kanyang daladalang lalagyan at nanlaki ang mata sa nakita.
"Sapat na ba na patunay to na ako ang anak niya? Sabi niya sakin isang napakahalagang bagay to dahil ibinigay niyo Ito sa kanya." Napatingin ako sa aking asawa at ganon din siya makikita ang gulat nito. Ang pinapakita niya ngayon ay ang polseras na niregalo namin Kay Katana no'ng ika walong kaarawan niya Isa itong gawa sa ginto kaya napakahalaga.
Lumapit ako sa kanya at agad niyakap, may anak nga talaga si Katana at may apwi na rin ako.
Napatingin ako sa Mahal na Hari, ngumiti ako sa kanya pero tumalikod siya at umalis, Alam ko may pagdududa parin siya Kaya hindi ko siya masisisi.
BINABASA MO ANG
Marco And His Destined. (On Going)
FantasySimple naman ang pamumuhay ng isang binatilyo na kasama ang kanyang pinakamamahal na Inay. Pero dahil sa isang pangyayari nagbago ang kanyang kapalaran. abangan...