CHAPTER 58- Newbie

3.3K 91 0
                                    

Sinamahan nga ako ni Jare sa classroom ko dahil classmate din naman pala niya ako, pero hindi ko alam na famous pala itong si Jare.  Halos lahat nga ng babae nakatingin sa kaniya. Grabe, ang ganda ko talaga no? Char lang, hindi ko pa nasabi sa kanyang may boyfriend na ako, eh. Hindi naman sa assuming pero ayaw ko siyang masaktan tulad ni Simon.

Si Simon nga pala hindi ko na nakikita. Nasaan na kayo 'yon? Busy siguro. Hindi na rin naman nakakapagtaka dahil tulad ni Symon ang may-ari rin ito nang malaking kompanya.

"Portia." Napalingon ako kay Jare na ngayo'y naka-upo sa tabi ko. Bali tabi kaming dalawa sa pinakaharapan.

"Yes?" Nakangiti kong tanong dito.

"Paparating na si sir." Tumango na lamang ako.

"Look girls, parang magkakilalang magkalkilala sila no?"

"Oo nga, eh."

"Tks, akala mo naman maganda."

"Yrah, mas maganda pa ata ako riyan, eh." Natawa ako sa mga naririnig ko.  Ata? so hindi siguradong mas maganda sila sa akin? Gosh natatawa talaga ako sa mga sinasabi nila imbis na mainis.

"Nandito na si sir." Mahinang buong ni jare. Tumango tango na lang ulit ako at hindi na pinansin ang paligid na pinagchichismisan pa rin ako.

Pero nang tuluyan nang pumasok si sir ay hindi na ako nagulat nang biglang tumahimik ang paligid.

"Good morning, class." Bati ng isang matandang lalaki guro.

"Good morning, sir." Sabay sabay na sabi namin.

Puro discuss ang nagawa ni sir. Laking pasasalamat ko na rin 'yon kisa mqg quiz kami, eh wala pa naman din akong oras para mag-aral sa mga lessons.

"Tara lunch break na?" Pag-aaya sa akin ni Jare.

"Are you okay?" Hilaw ko siyang nginitian.

"Huh? Oo, siguro, hindi lang ako sanay." Tama, hindi ako sanay, hindi sanay na wala si Symon sa paligid. Na-miss ko tuloy siya. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Kumain na ba siya? Mababaliw pa ata ako nito.

"Bakit hindi ka sanay?" Umiling na lamang ako para hindi niya na ako kulitin. Alangan naman kasing sabihin ko na hindi ako sanay dahil wala si Symon dito.

"Sige, mauna na ako." Nakangiti siyang tumango.

"Gusto mo samahan kita?" Umiling ako, at nahihiyang ngumiti sa kaniya.

"'Wag na, kaya ko na 'to."

Naglakad lakad mu na ako sa garden nang school dahil may sampong minuto pa naman akong natitira bago ang susunod na klase.

I'm enjoying the view here not until they interrupt me, "Look who's here.." Napalingon ako sa likod nang may pamilyar na nag-salita. Gulat akong tumingin sa kaniya.

"J-jelan?" Mahinang bulong ko.

"Yes, it's me." Proud na sabi nito. Nilibot ko ang paningin ko at kitang kita kong may kasama siyang lima pang babae na kinulang sa tela ang damit.

"Wow! nice to see you here." Nag-aalinlangan kong sabi.

"If I were you I wouldn't say that." Natatawa niyang sabi.

"B-bakit naman?" Naiilang ko pa ring tanong. Grabe, anong ginawa ko sa kaniya at bakit ang sama sama ng tingin niya sa akin?

"You know what? akala ko mabait ka, eh kaso mali pala ako, akala ko pa naman tutulungan mo ako." Ano raw?

"Anong tulong ba kamo?" Pilit na ngiti ko. Nakakatakot naman tignan ang mga mukha nila. Para nilang akong papatayin gamit ang tingin.

"Oh is that who you really are, huh? pretinding to be innocent?" Natatawa niyang sabi.

Ngumiwi ako, "H-huh?"

"Ito lang ang masasabi ko, layuan mo si Symon, at hahayaan ko kayo ni Jare, deal?" Nakangisi niyang sabi at umalis na.

Eh? Ano raw? Layuan ko si Symon? At bakit symon lang ang tawag niya? Hahayaan niya pa daw kami ni Jare? Paano na sali si jare, eh kakakilala pa lang namin. Bakit ganyan siya? Dapat na ba akong matakot o mainis?

Ah basta, siya ata 'tong nababaliw at hindi ako.

"Hi?" Isang magandang babae ang sumalubong sa akin, kaya kahit papaano nawala ang aking pangamba sa nangyari kanina.

"Hello.." Nakangiti ko ring bati rito.

"You're new, right?" Tumango tango ako. Sana naman at mabait 'to.

"By the way I'm Raechel." Ang ganda ng name, maganda rin siya at mukha ring mabait kaya sana talaga para namag magkaroon na ako nang kaibigan bukod kay Jare.

"I'm Portia."

"Good to know you, puwede ba tayong maging magkaibigan?" Napuno kaagad ako nang excitement.

"Bakit hindi?" Maligaya kong sabi.

"at oo nga pala I'm the little sister of kuya Jare."

"Ah.. magkapatid kayo?" Natutuwa kong sabi, tumango naman siya.

"Yeah, kuweninti ka niya sa akin kanina, at tama nga siya ang ganda ganda mo nga." Ang bilis naman maka-kuwento ni Jare.

"Hahaha hindi naman." Mukhang hahangin pa ata ako nito.

"Dapat siguro tawagin na kitang ate.." Makahulugang sabi niya, nailang kaagad ako. Kung dahil iyon sa paggalang niya bilang mas matanda ako okey lang, pero kung... kung akala niya magiging kami nang kuya niya— it's a big no 'cause I already have Symon.

Bakit kaya hindi ko na lang sabibin at nang matapos na 'to at hindi na lumala pa?

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now