CHAPTER 62- I want to make

3.3K 95 0
                                    

Tawa pa rin kami nang tawa hanggang ngayon. Hindi talaga kami maka-move on. Putcha naman kasi, eh pati aso pinagseselosan? wahahaha. 

Trip niya naman ngayon ay tinatawagan niya si Azi para kunin si Jz, 'yong asong pinagseselosan niya. Ayaw niya raw kasi sa aso— ayaw? o pinagseselosan mo lang?

"Answer the phone, idiot!" Inis niyang sabi sa telepono niya noong hindi ata sumasagot sa tawag si Azrael. Si Janine naman nasa likod ko lang at tumatawa, hindi rin kasi siya maka-move on. Hawak hawak niya rin si Jz ngayon, at kahit halos humiga na siya sa sahig ay ayos naman sa kaniya ang aso, dinidilaan pa nga siya nito, eh.

"Sy, baka tulog na, gabi na, oh." Sabay turo ko sa labas nang bintana, sinulyapan niya lang ako sabay irap sa akin.

"What are you looking at?" Masungit niyang sabi noong sinulyapan siya noong aso. Damn, mamamatay ata ako sa kakatawa nito.

"Arf! Arf! Arf! "

"Symon, 'wag kang ganiyan, matatakot mo 'yong aso. Kawawa naman naman."

"I don't care." Masungit niya pa ring sagot.

"You idiot! Bakit ang tagal mong sumagot?!"  Malakas na bulyaw ni Sy sa cellphone niya ulit. Sumagot na ata si Azrael sa tawag niya.  Sigurado nagising niya si Azrael, lang ulit ba naman niyang tinawagan. Sa pagkakabilang ko nga ika-34 na tawag niya n yan and finally sumagot na.

"Get your dog out of here!" Malakas niya pa ring singhal. Mayamaya ay uminahon na siya.

"Yeah, now as in now!" Tumango siya saka niya pinatay ang tawag.

"Oh? ano sabi?" Tila inosenteng tanong ko rito.

"His on the way na." bumuntong hininga ito, "Baby, let's go. I'm tired, I want cuddle." Sabay higit sa akin ni Sy at niyakap patalikod. At ganoon na nga ang naging posisyon naming naglakad sa itaas.

"Saan ako matutulog? sa kuwarto mo o sa kuwarto ko?" Pagpapangap ko pa rin na tanong.

"What do you think?" Masungit niyang sabi.

Tignan mo nga naman.. kani-kanina lang, eh nagseselos sa aso tapos ngayon naman nagsusungit? well, sanay na rin naman ako. Ganiyan din naman siya palagi nito. Mayamaya maglalambing, mag-aastang bata at magpapacute sa harapan mo pero ang susunod no'n 'yong nakakunot niyang noo at nagsusungit niyang mukha.

"Ang sungit mo, ah? akala ko ba bati na tayo?" I pouted, trying to look cute so I can get away with this.

"Tks, bati na tayo tungkol sa idiot mong classmate pero not on the dog thing." Mahina akong natawa. Hindi pa rin pala siya maka-move on doon.

Kahit gustong gusto ko nang tumawa ay pinigilan ko ang sarili ko, "Okay, lalambingin na lang kita para bati na tayo.." Sabay halik ko sa pisngi niya.

"Lambing ulit?" Tila naiinip na tanong nito sa akin. Natigilan ako at nag-isip.

"Anong gagawin ko kung ganon?" Nakangisi naman siyang dahan dahang lumapit sa akin.

"Hoy Sy! 'wag ganiyan!" Umatras ako pero lumapit lang siya.

"I.." Mahinang bulong niya pero rinig na rinig ko. Putcha! husky tone pa.

"Want..." He flashed his very seductive smile.

"To.." Mas lalo siyang napa-ngisi.

"Make..." Gumawa pa siya ng kaunting ungol kaya mas lalo akong kinabahan.

"A.." Ang lapit niya na! Subrang lapit na— pumikit na lang ako dahil sa subrang kaba. At nang wala akong naramdamang dumampi sa labi ko ay dumilat muna ako.

"I want to make a salad, I'm hungry." Sabay ngisi niya sakin at hawak sa tiyan na para bang gutom na gutom siya.

What the— akala ko... akala ko talaga— Ahh! Ang halay nang iniisip ko!

"Hey!" Tumingin ako sa kaniya at ramdam kong namumula na ang pisngi ko sa mga oras na 'to.

Kinabukasan. Kinakabahan ako habang naglalakad papasok not because sa nangyari kahapon kay Jare pero dahil kasama ko si Symon sa loob ng school. Lahat tuloy ng tao ay tumitingin sa amin.

"Oh.. my is that Sir Axel?"

"Anong ginagawa niya rito?"

"Ngayon lang ulit siya bumisita, ah."

"Oo nga at may kasama pang ibang babae."

"Siya 'yong newbie, hindi ba? what is her name agian?"

"I don't know, she's not famous, hindi ko siya kilala." Napa-irap irap na lang ako sa mga naririnig ko.

Hindi nga ako famous pero may boyfriend naman akong famous pa sa famous.

A/N:
Oh edi ikaw na.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now