KABANATA: 32

837 37 7
                                    

"May pagkain?" tanong ko.

"Why? Are you hungry? I can cook."

Sumunod siya sa akin sa loob ng kusina. Wala akong pagkain na nakita. Puro tubig ang nasa loob ng fridge niya at may mga frozen goods pero ang linis ng kitchen sink niya kaya halatang hindi ito masyadong nagagamit.

"Hindi ka pa kumakain?"

Umiling lang siya sa naging tanong ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang dungis niyang tignan pero bakit ang gwapo pa rin?

The fuck, Mickalla!?

"Mukhang kaya mo namang kumilos mag-isa. Maglinis ka muna ng katawan mo. Magpalit ka rin ng damit mo." utos ko sa kaniya.

Tinalikuran ko siya at lumabas sa kusina. Lalakad na sana ako papunta sa living area niya para linisin ang mga kalat doon pero natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko.

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy mula sa mga kamay niya papunta sa katawan ko. Agad kong binawi ang braso ko sa palayo kaniya.

"Aalis ka na?" bakas sa tono niya ang lungkot.

"N-No, Mag-ayos ka na." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya, "Aayusin ko lang yung kalat mo sa Salas." dagdag ko.

"Ha?" gulat na tanong niya, "No need. Bisita ka, Ako na ang mag-aayos doon." dagdag niya pa.

Naglakad siya papunta sa living area pero agad ding natigilan nang marinig ang sinabi ko.

"Uuwi nalang ako. Ikaw nalang mag-ayos diyan, Mukhang kaya mo naman. Sige, mauuna na ako."

"I-I mean, mag-aayos na ako ng sarili. Maliligo na ako." sabi niya na para bang takot siyang umalis ako.

Bakit parang may tumusok na kung anong bagay sa puso ko?

"N-No. Hindi ka maliligo. Mataas ang lagnat mo, Just wash you face, your feet then brush your teeth." pormal na sabi ko.

"O-Okay. Just wait me here, Ayusin mo dito, 'wag kang aalis hanggat may kalat diyan. Maglinis ka."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Tinalikuran niya ako saka ako iniwan at dirediretsyong pumasok sa loob ng kwarto niya.

I smiled like an idiot.

"I missed you too..." I whispered to myself. "I miss you so much, Daniel."

"Micka?"

Napalingon ako kay Daniel na kalalabas lang mula sa Kwarto niya. Mas maaliwalas na ngayon ang mukha niya at nakapagpalit na rin siya ng damit. Nakajacket pa rin siya at nakapants.

"Nilalamig ka?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot.

"Slight."

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ulit ang noo niya. Mainit pa rin siya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero tinuon ko ang buong atensyon ko sa temperatura niya.

"Kumain ka muna, then uminom ka ng gamot." sabi ko saka ko siya tinalikuran.

Tinuloy ko ang pagliligpit ng kalat niya sa Sala. Maya maya lang ay may kumatok sa labas ng Unit ni Daniel. Napakunot ang noo nito at akmang maglalakad na siya papunta sa pinto pero pinigilan ko siya.

"Ako na. Umupo ka nalang muna."

Tumango nalang siya. Binuksan ko ang pinto at napairap nalang ako nang makita ko ang mapang-asar na ngisi ng mga kaibigan ko.

"Akala ko ba tatawagan niyo nalang ako para kunin yan?" bungad ko.

"Baka busy ka eh." mapang-asar na sabi ni John.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon