Syempre, simulan muna natin ang kwento ng buhay ko nung,
Isa pa akong Anghel,
Inosente,
Nagmamahal palang,
Umaasa at nangangarap.
Nung mga panahon na ...
Pupulitin ko na yung bola nang ...
"WhatTheEff!!! She's drowning!!!" sigaw ng isang babae sa likuran ko. Napatingin tuloy ako talaga sa dagat kung may nalulunod, at meron nga =__= Ang iniisip ko bakit kaya sisigaw pa siya? Kung inligtas na lang niya kaysa sumigaw siya.
Tsaka wala naman akong pake jan,
Pupulitin ko lang 'tong bola na'to at babalik na'ko sa Cottage namin na parang walang nalulunod ngayon.
Pero, ung makitang ko at narinig na nagtitilian at nagsisigawan lang sila imbis na tawagin yung LifeGuard...
Oh for crying out loud!! Iniwan ko muna si Pipay -yung pangalan ng bola namin- at lumusong sa tubig ng nakapantalon at blouse ako para LANG iligtas ang tongono na babaeng nalulunod!
Nang naabutan ko siya bago pa siya tuluyan lumubog, nashock ako.
This is a beach girl! Bakit siya nabistida???!!!
Ugh. Nang maiahon ko na siya sa shore, Pinalibutan na agad kami. Tae. Basang-basa na damit ko! Paalis na kami ng Beach eh! Buseeeettt!
"Who the hell is she with??!!!" inis kong sabi. Para pwede na kong umalis at para di nila ako iwanan! Pero wala ni isang sumagot! Nakatingin lang sila sa akin, Ok sige, whatever iiwanan ko na siya, leshe.
Di pa rin nagkakamalay yung girl, kaya tumayo na talaga ako, wag niyong i-expect na ako pa susugod niyan sa ospital, saksakin ko sila!
Pinulot ko na si Pipay at babalik na'ko dun sa cottage na pagkalayo-layo, nakakainis kasi si RR ah! Maka-spike ng bola, akala mo ako si Flash para papulutin sa kabilang parte pa ng Beach! Buti nga hindi kinuha ng mga bata si Pipay, iiyak ako pagnawala 'tong si Pipay.
Habang naglalakad ako papunta sa kabilang parte ng beach kung nasaan ang pagkalayo-layo naming Cottage narinig ko na yung Ambulansya, pero hindi ko nilingon dahil giniginaw na'ko, niyakap ko na lang si Pipay~
Sa di kalayuan, nakita kong tumakbo si RR na parang may humahabol sa kanyang mga lalaki, parang SLOW-MO pa =__= Ibitin ko kaya 'tong bakla na'to!
"OMG Neli, Bakit basang-basa ka?" tanong niya sa akin ng makalapit siya, dire-diretso lang ako sa paglalakad ng sinabi kong, "Hindi. Hindi, tuyong-tuoy nga ako eh!" Obvious namang basang-basa ako diba? Buseet talaga yung mga common sense na tanong.
Nakita ko namang sinundan niya ako."Sa sobrang tuyo mo nga, tumutulo na yung blouse mo," nang-aasar talaga 'tong bakla na'to!
Maiba nga yung usapan. "Oh bakit parang susunduin mo ako? Kinuha ko lang si Pipay eh~" then i smirk.
She? rolled her eyes. She nga ba? O He? "ASA. May narinig akong Ambulansya, makiki-chismis lang sana ang beauty kooooo~" sabi niya ng nasa harap na kami ng Cottage naming out of the world na sa sobrang layo.
"Neli~~~~ Basa ka, Batet >3<" salubong sakin ni Cyrus ang pinakamatinogn beking kaibigan ko. Buti kamo may matino.
Magsasalita na sana ako ng sumingit si Alexa, ang babaeng, BANAL, wala pang kasalanan, kabisado ang Bibliya at napakalapit niya kay Lord. Sitting pretty na nakaupo lang siya sa upuan. "May niligtas siyang kaluluwa na muntikan ng malunod, Manalangin tayo..." sabay yuko at pikit.
Di ko alam irereact ko =__=
"AMEN!!!" singit ni RR na nasa likod ko pa rin pala. Akala ko nabitin ko na siya eh =__="Yea.Yea. Anyway, totoo ba yung sinasabi ni Alex, Neli???" singit din ni Pat. Patricio for short :P Isa ding beks.
Pumasok na ako ng tuluyan sa Cottage at hinalungkat yung bag na dala ko, nigiginaw na talaga ako eh. "Alam ko kasi nandito ako para sa Victory Party ng pagkapanalo nila RR, Pat at Cyrus sa National Volleyball Competition, kaya di ko alam kung sinadya ni RR na iispike ang bola ng sobrang layo para lang iligtas ko yung tongono na babaeng nalulunod na nakabistida diyan sa dagat na yan, Buseeet! Aalis na nga lang tayo, kaya magbibihis na ako at AANTAYIN NIYO AKO." ang mala-nobela kong sabi sa kanila na mukhang natameme sa sobrang haba.
Dumiretso na ako sa CR na mabuti nalang katabi ng Cottage namin, Nako. Buseeet talaga. Nabasa pa talaga ako =__=
Habang nagbibihis ko naalala ko yung mukha nung babae na tongono.
Wala lang naalala ko lang, naisip ko din kung ano magiging itsura niya kung nasa loob na siya ng kabaong, Amen. Sama ng isip ko eh noh.
Tsaka subukan lang nila akong iwanan, nako! Baka i-ispike ko sa mga mukha nila si Pipay! Pagkalabas ko ng CR, Nakaabang si Alex sa akin.
Inabot niya yung bag ko at isang suklay. "Kabayaran sa pagligtas ng isang kaluluwang masama. Tsk" sabay talikod na sa akin.
Kaluluwang masama?
Umiling-iling ako ng sinundan ko si Alex, naisip ko pagnaging
ISANG GANAP NA PSYCHIATRIST NA AKO, SI ALEXA DOMINGO ANG UNA KONG GAGAMUTIN NG LIBRE :P
Nang ready na ang lahat, sumakay na kami sa kotseng ni-rentahan ni Pat. Patricio for short XD Para sa Victory Party na 'to.
Inihatid niya kami sa kanya-kanyang bahay at ang pinaka-malayong bahay, ay ang akin =__=
"Oh, ayan bhe ah, nahiya naman ako sa bahay niyo sa malayo nakapwesto." naka-ismid niyang sabi.
"Sige na nga, Baba mo na ako dito >3<:" paawa kong sabi.
"Ok." biglang hinto ng sasakyan. Haaaaaaaaanng Sama! Nagpapaawa lang ako. Pinalabas niya talaga ako. SAMA!! "Ingat." dagdag niya tapos biglang pinaandar yung kotse. AT nawala na siya sa paningin ko~
"BUSEEEEET KA PATRICIO!!!!" pahabol ko sa kanya, buset talaga! Kahit beks siya, may dugo pa din siya ng isang LALAKI, di siya GENTLEMAN!! Laki at bigat pa ng bag ko, walang pakundangan.
Naglakad na ako para naman makauwi ako, nang may naaninag akong nag-jojogging sa di kalayuan, tumingin ako sa relo ko, 8.41 PM
Siya nga yung nag-jojogging,
Ang Pantasya ko..
--
YEY! SALAMAT SA MGA NAGVOTE AT NAGCOMMENT PARA MATULOY KO'TONG KWENTO NA ITO *U*
Kayo ang INSPIRATION KO.
-knowme