-------------
Kung tama ang narinig ko tuloy pa rin ang kasal. Hindi lang pala ako nasa ganoong sitwasyon pero pati ikaw kailangang gawin yun. Alam ng lahat na nagmahal tayo ng tapat kaya bakit kailangan nating masaktan at pagdaanan natin ang ganito?
--------------
Ika-dalawampu't pitong Kabanata
Blank Space
Wendyl's PoV
"Kamusta bata?"
Kinilabutan ako ng magsalita sya. Nakangiti sya sa akin na para bang kilalang-kilala nya ako. Pero ako, hindi ko sya kilala.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kilala mo sina Yohan at Yuan at nasabi mo pang kambal sila kahit hindi naman talaga?"
Nakinig lang ako sa sasabihin nya. Lumapit sya sa kanyang katawan at tinitigan lang muna ito bago sya lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Nakaramdam ako ng init ng gawin nya iyon. Ilang sandali pa'y naramdaman ko na lang na may mamasa-masang labi na dumampi sa noo ko. Matapos ay nakita ko syang nakangiti sa akin.
"Ako si Kurt kapatid ako ni Yohan. Ako ang dahilan kung bakit mo sya kilala. Kung hindi ako nagkakamali nakilala mo si San Pedro dati at nalimutan mo ang lahat mula noon. Naroon din ako bago mo pa man makilala si San Pedro. Nangako ka na kung hindi ko mapoprotektahan si Bunso ay ikaw ang gagawa noon para sa akin."
Napanganga ako sa sinabi nya dahil ni minsan ay hindi ko siya nakilala at hindi ko pa rin nagawang malaman ang dahilan kung paano ko sya nakikita. Multo pa siguro sya dahil transparent siya kumpara sa amin at kung totoo ngang nakita ko si San Pedro noon, ibig sabihin lang namatay na ako at ganoon din sya?
"Alam kong maraming gumugulo sa isipan mo ngayon at nagtataka ka na. Iilan lang ang nabibiyayaang tumulong at isa ka doon Wendyl. Iniisip ng karamihan sa mga tao na masasama at may saltik o baliw ang mga taong biniyayaang tulad mo pero mali silang lahat. Dahil ikaw lang ang pag-asa ko para makasama muli ang pamilya ko kahit sa isang pagkakataon na lang."
Ngumiti syang muli matapos nyang magsalita saka ko naiintindihan ang mga pinaguusapan nina Aren at Al doon sa Van. At ang dahilan kung bakit ko dinala ang gamit na ito na nasa bag ko. Agad ko iyong kinuha at ipinakita sa kanya.
"Maraming salamat Wendyl. Hindi ko makakalimutan ang pagkakataong ito. Hindi ko makakalimutan na may taong katulad mo. At hihilingin ko sa itaas na sana biyayaan ang buong PAMILYA nyo."
Muli nyang hinalikan ang noo ko at lumiwanag na ang bagay na hawak ko. Ang gaan ng loob ko pagkatapos noon. Ilang segundo pa'y dumating ang kamukha ni Yohan na si Yuan at ilan pang kalalakihan.
"Umalis ka na dito." Utos nya na agad ko namang sinunod.
Nilinis nila ang kalat samantalang ako ay tumatakbo papunta muli sa park habang inilalagay ang bagay sa bag ko. Doon nila ako nadatnan pero hindi muna nila ako tinanong dahil alam nilang nagkausap na sina Aren, Al at Yohan at napagdesisyunan nilang sa Manor muna ni Aren titira si Yohan at hindi na makikialam pa si Al.
Pareho naming naiintindihan ni Reigh ang gustong ipahiwatig ni Yohan pero iba ang isip ni Bespren kaya inihanda na namin ang sarili namin sa binabalak nyang gawin. All that time habang naguusap sila, nakatingin lang sa akin si Al na parang mas mahalaga ako sa pinaguusapan nila. Tingin ko iniisip pa rin nya kung paano ako nahantong sa ganito kaya naman ganyan na lang ang pag-aalala nya.
Matapos iyon ay bumalik na kami sa Academy. Nagpaalam na rin sa amin si Reigh matapos akong suntukin pa sa braso at sabunutan ng kaunti sabay babala ng, "Subukan mong malagay muli sa isang sitwasyon na hindi mo kaya sisiguraduhin kong maiinlove ka na sa lalaki." Banta niya na ang tinutukoy ay ang pakikihalubilo namin kina Aren at Yohan na hindi ko naman pinili.
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
Genç KurguSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...