Kabanata 19

287 14 4
                                    

Kabanata 19

Prophecy


"Kelian, dito ka samin!" sigaw ni Milda sakin nang nakapasok na ako sa loob ng AVR.


Ngumiti ako at tumango, sabay naglakad. The room is crowded with students now, halos punuan kahit saang banda, mabuti na lamang ay may bakanteng upuan katabi nila kaya't inukopa ko iyon kaagad.


Coleen, Via, and Immilda are my seatmates. Nasa second row kami ng mga upuan with the Senior high girls. While some of my boy classmates, are mixed with the latter. Halos magkahalo na rin kasi lahat at hindi masyadong organized kaya okay lang na naging ganoon ang setting arrangements.


Pinalibot ko ang mata sa loob. Hindi sinasadyang nalingunan ko si Jax, sa likurang bahagi, with his same group of friends. He secretly winked when he found my twinkling eyes. He tilted his head after, motioning me to focus my sight on the front, kung saan kasalukuyan ng nagsasalita ang emcee. I playfully smiled at him and craned my neck to the front to listen.


"Gosh. Sino kaya ang magiging representative natin sa pageant sa Intrams? Kayo ba, sino bet niyo? Wag niyo sabihing ako ha?" rinig na rinig kong usapan nina Milda at Coleen sabay humagikhik. Neverminding the prescence of the people in front of us and the talking host.


"Sympre... hindi ikaw," si Coleen.



Ngumiwi si Milda sa sinabi ng kaibigan habang natawa naman kami ni Via. And oh, she's here. Talking about Olivia. I looked at her with devilish smirk.


"Huy! Olive oil, saan ka nagpunta kanina at nagwalk out ka?" paunang tanong ko. Tinaasan siya ng kilay.


"Uhh, d-diyan lang... n-nag CR." aniya sabay pamumula ng kaniyang pisngi. Naku. Napapastutter pa. Hanggang ngayon kinakabahan? Ayan kasi, dada pa nga.


"Gaga. Huwag ka ngang uutal-utal at magblush riyan, hindi ako si Kuya. Saka hindi niya naman narinig 'yong sinabi mo. If that's concerns you the most." nakahalukipkip kong sabi. Making her realize that her reckless move was not that reckless at all.


"Wait, what?" kumunot ang noo niya at nanlaki ang kaniyang paris na medyo chinitang mata pagkakasabi.


Her face instantly glowed up. "T-Talaga ba? My god. I thought he already did hear. Naku, I'm so nahiya talaga kanina bakla!" she said. Tinampal pa ang aking braso sa kanan. Sounded so relieved that her secret is still safe.


I rolled my eyes. "Oo. Your so nosy kasi, zipper-zipper your mouth rin sometimes sometimes!" I joked. She nodded, while chuckling.


"Right ka diyan magandang baklita." sabad naman ni Milda na kanina pa pala nakikinig saming dalawa.


"Uh left siguro?" Coleen said teasing Via.


"Ikaw ba Via? Left or right?" si Milda. Via pouting her lips, choosing silent.

"Left iyan si Via, she left after seeing Kuya eh, nahihiya daw kahit, wala naman siya non." parinig ko.


This time she glared at me. "Heh, whatever, guys." Via hissed. Natambakan namin sa pangbabadtrip.


"Nye nye—" aasarin ko pa sana ulit siya kong hindi lamang narinig ang sinabi ng emcee na mag pi-prayer na. We actively stood up.


"Uy, prayer na daw Coleen. Labas ka na muna, hindi ka Catholic hindi ba?" pang aasar ko sa pinsan na kung hindi ko nahuli ay makikipag sign of the cross the rin gaya namin.


"Ha? Hatdog mo juts." she fired at a hushed tone. May pa bonus pang ikot ng mata mula sa kaniya. I just shrugged and chuckled. Juts naman kasi talaga. Ano pang magagawa ko? Charot.


Kissed Under The Sunset (BxB)[MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon