HULI KA!

1.7K 46 15
                                    

Fair kasi ng school at lagi kong nakikita si crush na hindi naman madalas nangyayari pag regular schedule. Haha.

****

Nakapila kami ngayon dito sa quadrangle para sa flag ceremony. Di pa nagsisimula yung flag ceremony kaya magulo pa mga tao dito. May kumalabit naman sakin sa likod ko at paglingon ko sa likod, nakita ko yung lalake na nasa likod din na nakatingin sakin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil di ko rin naman siya kilala at kinausap ko na yung kumalabit sakin.

Simula nung insedenteng yun, lagi nang nangyayari yung mga pagkakataon na pag mapapalingon ako sa likod, nakatingin na sakin yung lalakeng yun o di kaya pag lumingon ako sa likod mapapatingin siya sakin.

At dahil dun, naging crush ko siya! HAHAHA imba. Hindi ko man lang alam pangalan niya. XD

Kapag tinitignan ko siya, laging palihim lang! Baka kasi mahuli niya akong natingin sakanya.

***

"Psst!" lumingon ako dun sa tumawag. Malay ko ba kung ako pala yung tinatawag diba? So yun, lumingon ako at tinatawag pala ko nung kaibigan ko.

'Si Briel!' she mouthed. Hindi kasi pwedeng ipagsigawan dahil madaming tao dahil nga intrams. Tas andun siya sa isang stall ng pagkain na katabi lang din nitong pinagbibilhan ko ng frappe.

At isa pa, pag ako talaga nagka-crush, ayoko ng nalalaman ng marami kaya nga mga kaibigan ko lang nakakaalam ng crush ko.

Kaso sa lagay ko ngayon, nalaman ko yung pangalan ng crush ko na BRIEL nga, dahil yung classmate ko may crush din pala don. Jusmiyo.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Briel kasama mga kaibigan niya at parang papunta sila sa canteen. Napansin ko ngang parang nung lumingon ako, kakatingin niya lang din sa lugar ko nun. Haha. Kapal ng mukha ko. Pero sana wag nang lumingon ulit dito si Briel dahil baka mahuli nya kong nakatingin sakanya.

Lagi naman silang asa canteen e. Odiba alam na alam ko XD ganyan naman talaga pag may crush ang isang tao diba? Alam lahat ng kilos nung crush niya. Pati nga kulay ng panty o brief alam na e. Pero charot lang. :D

"Oh ano ok ka na? Nakita mo na si Briel" sabi ng kaibigan ko pagkalapit niya sakin.

"Bat nagpagupit siya? Parang ang panget na tuloy niya!! Mukha na siyang pugo!! Mas gusto ko yung dati! Yun yung una kong nagustuhan sakanya e tas nagpagupit lang siya?" T_T nakakainis naman yun!! :3

"Gagu. Kahit mag maktol ka jan ng mag maktol hindi pa rin niya mapapakinggan yan! At kahit mapakinggan niya hindi niya pa rin ibabalik sa dati yung buhok niya! Baket?! Ano ka ba niya?! GIRLPREN?!!" sigaw niya.

"leche ka T__T" akmang walk out na ang drama ko pero tumawa siya kaya tumawa din ako. Ganyan yan madalas e. Pinapalungkot ako tas biro lang pala then vice versa. Hahahaha.

***

"Neiiiilllllllllll please sige naaaaaaa ngayon langggggg parang awa mo naaaaaaa" tawa lang ako ng tawa dito habang yung mga kaibigan ko kung anu-anong pagmamakaawa na ang ginawa para lang ilibre sila nung barkada din naming si Neil. Lakas ng trip e. XD

"Neil ano ba gusto mong gawin ko?? Ha?? Sabihin mo lang" sabi nung isa tas nagsesexy dance na siya sa harap ni Neil. Tungunu tuluguuuuuuuu HAHAHAHA

Yung iba naman lumuluhod sa harap ni Neil para lang ilibre sila. Ako naman dito tawa lang ng tawa XDD 

Halos nakapikit na nga ako sa kakatawa tas paurong ako ng paurong habang nakahawak ako sa tiyan ko dahil sobra talaga tawa ko sa mga pinaggagawa nila. 

Nung mejo naka recover na ko, napansin kong lahat sila nakatingin sakin tas pinanlalakihan nila ako ng mata tas may nginunguso sila sa likod ko.

Pagharap ko sa likod...

BOOM!

Nagkabanggaan kami ni Briel! Naknampucha. Bat ngayon pa!! Nakakahiya naman oh!!!

"Ay sorry po" sabi ko nang nakayuko. Pagtingala ko sakanya, matangkad kasi siya e, nakatingin lang siya sakin.

"sorry din" tas umalis na siya. Medyo shock pa ko kaya tulala lang ako habang nakahawak kung san nagdikit ang mga katawan namin.

Ay?! Ambaboy naman pakinggan nun. Basta! Yung parte kung san kame nagkabanggan. Huhu. Nakakaiyak sa kiligggggggggg :(((((

"Ela!!!" napalingon ako sa barakada nung tinawag nila ko ng sabay. As in sabay sabay talaga. 

"Jusko halika ditong babae ka dalian mo nyeta!!" sigaw ni Ina habang pinapalapit ako sakanila.

"Jusko Ela! Nakikita mo ba ang nakikita ko? Ha Ela? Ela!! tingini tingnan mo dali!!!" hinarap niya yung mukha ko dun sa daan na tinahak ni Briel nung pagkasorry niya sakin at EMEGESH!

Nakatingin siya sakin kahit naglalakad siya tas nung nalapitan niya na yung barkada niya bigla siyang pinagbabatukan nung mga yun! HALA! Baka mapano yung ulo ni Briel! Kahit na mukhang pugo na siya ngayon para sakin sayang pa din yung mukha niya noh. 

***

"EHEM ELA EHEM" nagpapractice kami ngayon dito sa may parking lot ng school para sa cheering namin ng dumaan si Briel. Uuwi na ata siya.

Buong lakad niya patunong gate ng school ay nakatingin lang ako sakanya. May kinakain pa nga akong ice pop nung at subo subo ko yun habang pinagmamasdan ko sya. Kahit ubos na yung laman nung ice pop na yun ay subo ko pa din dahil hinihipan ko yung loob nun. 

Tuwing pinagmamasdan ko si Briel mula sa malayo, isa lang ang sinasabi ko.

"Briel, wag ka sanang lumingon dito. Baka kasi mahuli mo kong nakatingin sayo e. Hayaan mong pagsawain ko tong mata ko sa magandang tanawin which is malabong mangyari dahil hindi ako magsasawa sayo. Please wag ka sanang lumingon dito at mahuli ako." 

Minsan pabulong ko yang sinasabi, pero madalas sa isip ko lang sinasabi.

Kaso parang ang malas ko yata ngayon. Saktong puno ng hangin ang bungaga ko dahil hihipan ko na sana yung lalagyan nung ice pop na subo ko nung lumingon dito si Briel! Bahagya pa siyang napatawa.

Walangyang buhay to oh! Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung makita o mapansin ng crush ko. :( jusko lord sana naman po nung plinano nyong lumingon skin si Briel ay yung pagkakataong maganda ko. :(

Umiwas na lang agad ako ng tingin para hindi niya ako mahalata. At kinuha ko yung phone ko para kunwari nag secelphone talaga ako. 

Sakto namang may nagtext kaya binasa ko ito. Hindi naka save yung number niya kaya hindi ko kilala kung sino tong sender.

In-open ko yung message at....DA HELL? O______O

From: +*******

Nahuli na naman kitang nakatingin sakin. :) Ang cute cute mo habang subo yung ice pop na walang laman at nakalobo pa yung mga pisngi mo.

PS: hindi kita mahuhuling nakatingin sakin ng ilang beses kung hindi din kita titignan ng maraming beses. :)

*END*

HULI KA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon