May 20, Sunday
I was walking along the street kasama yung bestfriend ko. Hayyy. What I am going to do? Wala padin ako nakapagpapa-enroll malapit na ang pasukan T___T
"Hoy Miatot! Di pa ba tayo uuwi? Kanina pa tayo naglalakad at naghahanap ng part time job mo eh"
"umuwi ka na kasi.." malamig na sabi ko.
"tanggapin mo na kasi yung help ko" Oo nga pala, friend ko si Suzie Olivar childhood friend ko until now kahit magkaiba kami ng school. May kaya kasi sila.
"Ano ka ba? Kilala mo naman ako diba?" Gusto ko kasi pinaghihirapan ko yung isang bagay.
"Lambot talaga ng ulo mo friend. Ikaw na!" Pabiro nyang sabi.
San kaya ako makakakuha ng pera? Manghold-up nalang kaya ako ng bangko? O kaya naman baka pwede ako mag-stunts man, yung tatalon sa napakataas na building, kakain ng bubog at apoy. Hahaha. Wagas lang eh noh?
Nakakahiya din kasi humingi kina tito, buti nga kinopkop nila ako sa tahanan nila. Eversince na namatay ang parents ko.
Mia Maxine Bueza, yan ang ibinigay sakin pangalan ng parents ko. I am an orphan since 10y/o. Simula nun kinopkop na ko ng tito ko, kapatid ni Mama. And thank God, mababait sila at itinuring nila akong parang isang tunay na anak.
Kringggg... Kringggg.. Kringggg.
Narinig kong may tumatawag sa phone ni Suzie.
"Hello, mom?"
"Ahh, kasama ko pa po si Mia eh, sunod nalang po ako."
"Sige po, bye Mom. Love you" bibaba nya na ung phone.
"Uy! Ikaw babae ka!" sinigawan ko sya sabay kurot.
"Ouch! Para san naman yun? Ang sakit. huhu" nag iinarte nyang sabi.
"Umuwi ka na! May lakad pa pala kayo ni Auntie"
"Ayoko nga!" sabay kinurot ko ulit sya. "ARAY!"
"Uuwi ka o hindi? Baka gusto mo sa singit pa kita kurutin?" Natatawa kong sabi sa kanya.
"Oo na, oo na!" inayos nya ung buhok nya at nagsalita ulit. "Ok ka lang ba friend?"
"Syempre naman!" I smiled. fake.
Alone nanaman ako, napadaan ako sa isang fruits stand and I saw an old lola. Lumapit agad ako, kasi napansin kong nagsipag laglagan ang mga pinamili nyang prutas.
Wow! May oranges, apples at ang favorite kong grapes. Nakakalaway. XD
"Lola! tulungan ko na po kayo, wag na po kau tumulong. Ako na p-- aray!!" Di na ko natapos sa pagsasalita ng bigla akong pinalo ni Lola ng baston nya? Well, di naman ganun kalakas.
"Batang to talaga! Pabayaan mo na yan, masumi na. Halika nga at samahan mo nalang ako, ibibigay ko to sa apo ko."
Syempre no choice na ko. Wala pa naman ako gagawin kaya sinamahan ko nalang muna si Lola sa bahay nila, nagulat naman ako dahil pagdating namin sa bahay nya, wait mali ata sabi ko Mansyon I mean. Grabe!!! Makalaglag panga, wala sa itsura ni Lola. Expect the unexpected talaga. *___*
Pinaupo muna ako ni Lola sa couch nila, mas malambot pa ata ko sa kama ko eh. Maya maya bumalik na si Lola na may dala dalang sliced fruits.
"Oh iha, kumain ka muna. Salamat nga pala kanina ha!"
"Ok lang po" i took a s sliced of apples at grapes sa plate "btw Lola, ang ganda din po ng mansyon nyo"
She chuckled "Ay, ito ba iha? Ako na kasi nag-ayos nito simula ng magpasyang sa ibang bansa na mag trabaho ang anak ko."
Dami namin napagkwentuhan ni lola, close agad kami. Masaya kausap si lola pero syempre i need to go na, maghahanap pa ko ng part time. Madami pa kong dapat problemahin. Pagkatapos nun ay nagpaalam nadin ako, pinipigilan pa nga sana ako ni Lola. Eh ang palusot ko babalik nalang ako sa ibang araw. Kaya ayun napapayag ko naman.
Hayyy. balik sa problema nanaman! San naman kaya ako makakahanap ng trabaho?? Palabas na ko ng gate ng mapansin ko yung nakasabit na karatola.
Wanted: Perfect Yaya.
Inquire inside for more info.
Napa-stay naman ako sa kinatatayuan ko, nag-isip isip. Teka Perfect? Meron ba nun? Pero kahit na, baka naman pwede ako dito? Kelangan na kelangan ko lang kasi. Dali-dali naman akong bumalik sa loob.
"Ding--" Kakapindot ko palang ng doorbell agad bumukas ang pinto, nakita ko si Lolang nakangiti sakin.
"Oh iha? Ang bilis naman ng sa susunod na araw mo?" habang nakangiti.
"Ahhh ehh, Lola ano po kasi ehh, uhhhh.."
"May problema ba?
Opo malaki sobra! Kailangan ko po ng trabaho, nakita ko po yung karatola nyo sa labas, gusto ko po mag apply kelangan na kelangan lang po para sa pang-tuition ko po. Teka ano bang sasabihin ko? Pano ko ba sisimulan? Nahihiya ako. >___<
"ahhh, kasi po nakita ko po yung karatola nyo sa labas. Kasi po ano ehh... ahh--" I was shocked kasi naputol yung sasabihin ko nung nagsalita si Lola.
"Ok, your hired!" habang tumatawa. "haha. bumalik ka dito sa susunod na sabado, ikaw talaga na bata ka!"
So as I was saying, nahired na agad ako, akala ko nga nagbibiro lang si Lola. Pauwi na ko ngayon buti nalang talaga! Sino naman kaya ang babantayan ko? Ahh, siguro yung apo ni Lola.
Sana naman kyoot ung batang aalagaan ko:)
-------------------------------
A/N: Bear with me for some errors. Hope read nyo next chap.
VOTE. LEAVE COMMENT if you like. SALAMAT PO for Reading. ^____^
BINABASA MO ANG
Wanted: Lover Espiya <ON GOING>
Teen Fiction"Don't presume and make judgements based on things you can't possibly understand." Mahuhulog ka ba sa kanya dahil sa palagi kayong magkasama? Pano kung ang kinatatakutan mo ay ang sya palang nakatadhana sayo? Ano kayang gagawin mo?