Yow! Filler Alert means isa lang itong filler for the upcoming events. It will make you think ano kayang mangyayari? Ahahaha! Feeling lang.. Pero seriously, this is just a short update because, you know...As in walang pumapasok sa utak ko. Hahaha.
So sarreh for that. The things I said last update were just put to the drain. Hmm -3- ..But,but, but... Ahm no. Not gonna promise, but guys, stick with me until the end okay?
Love yah!
----
I don't know what came in my mind that let me lean on his touch. Sa ngayon ay nakatayo kami sa ilalim ng buwan at nagkakatitigan habang nakadampi pa rin ang likod ng kanyang kamay sa aking pisngi.
Sumeryoso ang kanyang mukha habang panatag na nakatingin pa rin sa akin.
"Nica, you're very beautiful." bulong niya at kahit man sa malamig na paligid ay naramdaman kong uminit ang aking mukha. Napayuko ako sa sandaling yun at nagulat na lang sa mainit na bagay na bumalot sa aking katawan.
Napatitig ako sa kanya at nakita ang ngiting gumuhit muli sa kanyang mga labi. Hinapit ko sa aking katawan ang sweater na inilagay niya sa akin. Ang init sa pakiramdam at kaamoy nito si Yuu.
Biglang tumunog ang malaking orasan sa harapan ng auditorium na naghuhudyat na alas dose na ng hatingggabi.
"They might be looking for you. Pumasok ka na. It's getting cold." sabi nito at parang may isang parte sa akin na nagsasabing huwag pang umalis. Mukha lang tanga pero wala din akong ideya kung bakit ako nagkakaganito.
"Paano ka?" I mumbled at tinitigan ang suot niyang itim na t-shirt. Kahit na hindi man niya sabihin ay alam ko namang nilalamig din siya.
"I'm okay as long as you're okay." he smiled warmly at me and that made me believe. "Now go."
Tinitigan ko pa siya ng ilang segundo bago tumango at sa wakas ay tumalikod.
"Nica," tawag niyang muli at napatigil ako sa paghakbang. Nilingon ko siya habang hawak ang sweater. Nagulat na lang ako nang malamang sobrang lapit na nito sa akin. Pero mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.
He pulled me by the nape and I felt his soft lips on my forehead. Napatingala lang ang mga mata ko sa kanya habang nakadampi pa rin ang mga labi niya sa aking noo.
"Thank you for the dance." he mumbled with his eyes closed.
"Err, hmm..I got to go." humiwalay siya at napaatras agad ako.
"The best night of my life..." untag pa niya at hindi ko alam ang gagawin o sasabihin man lang. I just smiled weakly nung maramdaman kong manginig ang tuhod ko.
Tinalukuran ko na siya habang sobrang bilis ng ginagawa kong paglalakad habang sapo ko ang tapat ng puso ko.
"Tumahimik ka." I said in between breaths. Bat ang bilis bilis na naman??
Ramdam ko pa rin ang panginginig ng tuhod ko na halos matumba na ako sa aking nilalakaran kung hindi lang ako napakapit sa railings paakyat sa veranda ng first floor dito lang sa may gilid ng auditorium. Sapo ko pa rin ang dibdib ko habang nireregula koang aking paghinga. Bakit ganun? Para akong biglang naubusan ng hangin at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? Para ata akong aatakihin bigla.
Nilingon kong muli ang aking pinanggalingan pero malabong makita ko pa siya dahil sa nagtataasang mga halaman sa gilid. Kakaiba ang pakiramdam ko nung mga oras na sumasayaw kami. My ideal romantic gesture? Pssh, could be, but no.
Ayokong isipin na dahil dun.
Muntik na akong mapapitlag ng bigla akong makarinig na kaluskos sa malapit. Nagpalinga linga ako pero wala namang tao. Kailangan ko na talagang makabalik sa loob.
--
"Asan na ba yung si Ronnie baka napano na yun."
"Chill ka lang Red, kaya niya ang sarili niya. Ano nga bang masamang pwedeng mangyari dun, eh sobra kung makabantay ang mga guards dito sa St. Celestine."
"How do you expect me to react Tim?"
Napakapit ako sa likod ng upuan ni Tim at batid ko ang pagkagulat sa mukha ni Red nang mabaling sa akin ang tingin niya.
"What's wrong?" agad namang napuno ng pag-aalala ang mukha ni Red pero agad din naman iyong napalitan ng kung anong masasabi kong inis.
"Where have you been?" deretsahan niyang tanong at naramdaman ko ang paglingon ni Tim sa akin.
"Sa cr?" nangibit balikat lang ako. Where is this coming from? Pakiramdam ko tuloy may ginawa akong masama.
Nakita ko pang mapabuntong hininga si Red at mapasandal na lang sa kanyang upuan.
"Hey, I don't remember you wearing that sweater when you left?" tuon sa akin ni Pen na siyang nakapagpanigas sa akin mula sa aking kinatatayuan.
"Ah, eh." hindi mapakali ang mga mata kong gumagalugad sa kahit anong direksyon huwag lang sa mga mata niya. Ano ba? Kung makareact naman ako para akong gumawa ng krimen sa ginagawa ko. Puh-lease, hindinga planadoang nangyari eh. At saka anong magagawa ko? Basta na lang nangyari? At bakit ba ako nag-eexplain sa sarili ko?
"Hey, ma-cheesecake!" biglakong naramdaman ang isang malakas na bisig na umakbay sa akin. Judging by that perfume, I can't be more wrong if I say it's Mervin.
"Pwede ba?" tinanggal ko yung braso niya sa palibot ng leeg ko at sinamaan siya ng tingin.
"Got more feisty eh," bulong niya at hindi ko mapigilang maamoy yung hininga niya.
"Have you been drinking??" lumayo ako ng unti sa kanya para makita ko ng mas maayos ang mukha niya. Hinagilap ko ang anumang pruweba na nakainom siya. Sparkly eyes, rosy baby cheeks. The heck? Baby cheeks? San galing yun?
"A little bit." ngumisi siya sa akin habang ginagawa yung gesture sa mga daliri niya na nagsasabi ngang kunti lang. Plano niya pa atang hawakan ako pero lumayo ako agad kaya muntikan pa siyang masubsob sa sahig.
"Get a grip man. Sinabi nang huwag uminom eh." sabi pa ni Chris nung alalayan niya si Mervin.
"Bat ba yan uminom?" napatakip na ako sa ilong ko dahil talagang nanatili sa ilong ko yung amoy nung alak sa hininga niya.
"Di nga namin alam eh." sagot naman ni Troy.
"But Veronica, I still have one big surprise for you." he slurred nung mapaupo na siya ni Chris.
Tinitigan ko sina Chris at mukhang may alam ang mga ito dahil nag-uunahan sa pagtingin sa ibang direksyon maliban sa akin. Si Jake, hayun at kay Pen lang nakatuon ang buong atensyon, si Troy naman pasimpleng pinaglalaruan ang buhok ni Timmi na inis na inis naman sa ginagawa nito. Si Ven, hayun at nakatingin sa labas. Si Mervin...
...sobrang makatitig.
Ano bang nangyari nung wala ako?
(c)lyra_shin